Chapter Nine: I Am Scared, The Symptoms, The New Love Team, and Another LQ

244 0 0
                                    

~~ Chapter Nine: I Am Scared, The Symptoms, The New Love Team, and Another LQ ~~

“Anong meron kahapon?” tanong nya sa akin.

“Nakatira na kami ni Kervyn sa iisang bahay.” bulong ko sa kanya.

“WEEHH???!! HINDI NGA?! SERYOSO KA?!” =_= maingay na naman sya. Kaya ayokong sabihin na may nangyari na sa amin kahapon eh.

“Wag ka ngang maingay! Baka mamaya may makarinig sa’yo eh.” suway ko sa kanya.

“Oo na. Pero, di nga? Totoo? Maganda ba yung bahay?” pabulong na tanong nya sa akin.

“Kukwento ko sa’yo mamayang recess.” sabi ko sa kanya sabay tingin sa relo ko. Malapit na palang mag-time.

“Tara na. Malapit ng mag-time.” aya ko sa kanya.

“Biteeeeen!!” sabi nya sa akin at napatawa na lang ako.

Sa room. Seryosong-seryoso yung dalawang lalaki. Kami ni Sherrika, puro chikahan ang ginagawa. Mamaya pa kami mag-re-review! Pagkatapos pa ng recess.

“Hmmm?” nakatingin kasi si Kervyn sa akin. Buti na lang at hindi sya pinapagalitan nung teacher namin kasi hindi sya nakikinig sa lesson. Binigyan nya ako ng isang sinabi-mo-ba-sa-kanya-na-may-nangyari-na-sa-atin-kahapon look.

And I gave him a hindi-eh-natatakot-akong-sabihin look. Nag-uusap lang kami ngayon sa tingin. Buti na lang at hindi napapatingin yung dalawa sa amin. Hanggang sa matapos ang klase namin bago mag-recess, hanggang titigan lang nagagawa namin.

Recess time. Nasa may canteen na kami. Wala si Hikari at Shawn. Kaming apat lang ang magkakasama at kumakain. Ang tahimik nga eh. Tssssss. Nalulungkot ako!!! Biglang tumayo si Kervyn at may isinuot sa akin sa may leeg. Yung binili nya kahapon na black and blue necklace na ang pendant ay isang boy ang girl. Ang isinuot nya sa akin ay yung girl ang pendant.

“Waaaaaw! Ang cute naman! Saan nyo yan nabili?” biglang tanong ni Sherrika habang ini-inspect yun kwintas.

“Secret na yun.” sabi ni Kervyn sabay subo ng chocolate na galing sa ref namin.

“Waaaah! Andaya naman! >3<” – Sherrika.

Pagkatapos ay iniabot nya sa akin yng black necklace and bracelet na may pink-stoned flower at isang susi. Siguro, susi yun ng bahay.

“Duplicate key?” tanong ko sa kanya habang hawak-hawak yung susi.

“Yep. Ingatan mo. Hindi na kita bibigyan pa ng isang duplicate kapag winala mo.” sabi nya sa akin.

“Okay. Hinding-hindi ko ‘to iwawala.” sabi ko sa kanya at nilagay ko ito sa may I.D holder ko.

“Neh, neh. Susi ng bahay nyo yun, di ba?” tanong ni Sherrika sa amin.

“Oo. Bakit? May balak kang pumunta sa amin? Kung may balak ka, wag mo nang ituloy. Hindi kita papapasukin sa bahay.” sabi ni Kervyn kay Sherrika.

“Ang mean mo naman! Para makikitingin lang ng bahay eh! >3<” ayan. Naka-pout na ulit sya. At bigla namang may naglagay ng isang bouquet of roses sa may harapan ni Sherrika.

“Don’t worry. Makikita mo din ang bahay nila kapag nagpa-house blessing na sila.” biglang sabi ni Itsuki at umupo naman sya sa bakanteng upuan sa tabi ni Sherrika. At pinaglaruan naman ni Sherrika yung mga petals ng rose.

“Waaaah!”

“Answeet nila! <3”

“SherSuki! We love you! <3”

“Andito din ang KerRhine oh!”

“We love KerRhine! <3”

“Kyaaah!”

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon