Chapter Twenty-Five: The Endless 14's Trip to Japan!

149 0 0
                                    

~~ Chapter Twenty-Five: The Endless 14’s Trip to Japan! ~~

After one month. Ganun pa rin ang nangyayari. Laging nahihilo at nagsusuka si Ansherrine. Minsan naman sinusumpong. Pagkatapos pinalilihian ang dalawang teddy bear na binili namin sa may Blue Magic. Kerrina Jazz daw ang pangalan nung pink na teddy bear. Kylxer naman daw yung sa blue teddy bear. Ipangalan daw ba ang pangalan ng magiging anak namin sa teddy bear.

Si Kenneth naman, nandito pa rin sa amin. Lagi nang kalaro si Ansherrine. Parang bata nga si Ansherrine. Akala mo isang 5 years old na bata.

“Hubby! Gusto ko ng chocolate.” sabi nya sa akin. Kumuha naman ako sa may kusina. Pagkabalik ko, nakita ko naman sya na natutulog sa may sofa. Kitams? Gusto daw nya ng chocolate pero natutulog sya? Ano yun? Kakain ng chocolate habang natutulog?

Almost 2 weeks syang ganun. Pero nag-aaral pa rin sya. Infairness, sya yung babae na kahit buntis, nag-aaral pa rin. Iba talaga ang asawa ko.

Sa school. Lagi ng si Shiro ang katabi ko. At hindi pa rin sya tinitigilan ni Patricia. Yan tuloy, laging nandito si Arriane. Hindi kaya sya pagalitan ng magulang nya at teachers?

“Class, we’re going to have our fieldtrip at Japan!” announce ni Ma’am at nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko. Fieldtrip sa Japan? Ayos!

“Guys! Listen to me first. This fieldtrip in Japan is for all year levels. Sabihin nyo lang sa amin kung sasama kayo. Para mailista ko na kaagad kayo. And other one, hindi by section ang arrangement ng pagsasama-sama. Kung sino ang gusto nyong kasama, sila ang isama nyo. But to remember, you need to take care of yourselves para naman hindi kayo maligaw or something sa Japan.” - Ma’am. Nagtaas naman ako ng kamay.

“Yes, Mr. Montecarlo?” - Ma’am.

“Pwede po bang isama namin ang buong barkada? I mean, pati yung Kuya ni Ansherrine and yung iba naming barkada na college na?” tanong ko at bigla namang nag-appear sina Sherrika, Shiro at Shawn. The ’S’ trio yan eh. Letter ’S’ kasi ang simula ng pangalan nilang tatlo.

“Sure. Why not? But they need to pay the fees para makasama sila. Okay din ang taga-ibang school.” sabi ni Ma’am.

“Yes! Buo ang barkada natin sa fieldtrip! Hindi pwedeng hindi kasama si Bestfriend sa fieldtrip.” - Sherrika.

“Pupunta muna kami kay Dra. Gonzales para magtanong kung pwede syang sumama. Ipapa-check up na din namin sya.” sabi ko naman sa kanila.

“Guys! Next week na ang fieldtrip kaya mapaalam na kayo sa mga parents nyo para makasama kayo. Be sure na may pirma ng mga parents nyo ang consent form para malaman kung totoo na pinayagan kayo ng magulang nyo.” sabi ni Ma’am habang namimigay ng consent forms.

“Yes, Ma’am!” sabay-sabay naming sagot.

After ng bigayan ng consent forms pinaawas na kami. Malapit na din naman kasi ang awasan kaya maaga na kaming pinaawas. Buti na lang at nandito sina Mommy at Daddy sa Pilipinas. Kung wala naman, sina Mama at Papa na lang ang pipirma sa consent form ko. Part pa rin naman ng section namin si Ansherrine kaya may consent form din sya pero dapat may pirma ng doctor nya.

Pagka-uwi ko, nakita ko si Ansherrine na nakikipaglaro kay Kenneth.

“Tadaima!” sigaw ko. [Tadaima = I’m home!]

“Okaerinasai.” sabi nya sa akin. [Okaerinasai = Welcome home.]

“May consent form ka na sa fieldtrip natin next week. Kailangan ng pirma ni Dra. Gonzales at nina Mama at Papa para makasama ka.” sabi ko sa kanya.

“Saan ba ang fieldtrip?” tanong nya sa akin at binuhat nya si Kenneth at iniupo sa may lap nya.

“Sa Japan.” sabi ko naman at nanlaki ang mata nya.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon