Epilogue: The Future

256 0 0
                                    

~~ Epilogue: The Future ~~

Few years later. Madami na ang nagbago pero ang relasyon naming magkakaibigan ay wala pa ring pagbabago. Kahit na nakagraduate na kami sa college, nanatili pa rin ang pagkakaibigan namin. Ang lahat ng pagsubok na dumating sa amin ay maayos naming nalampasan. Buo pa rin ang Endless 14. Hindi pa rin nawawala ang alaala ni Misha sa puso namin.

Matapos ang ilang taong pananatili at pag-aaral ni Christian sa States, bumalik sya sa Pilipinas na nakakangiti na ng totoo at hindi na malungkot. Siguro, naka-move on na sya. Pero nananatili pa rin ang pagmamahal namin at nya kay Misha at hinding-hindi mawawala yun.

Maraming pagsubok ang hinarap nina Itsuki at Sherrika bago sila naitali sa isa’t isa. Ang hindi namin alam, si Itsuki pala ang childhood sweetheart ni Sherrika.

Sina Hikari at Shawn naman, kahit na hindi maiwasan ang pag-aaway at pagbabangayan nila, nananatili pa rin silang matatag.

Sina Neil at Ate Krizza, nang maka-graduate sila ng college, nag-desisyon na silang magpakasal. Dati-dati, kung masungit si Neil, ngayon, hindi na. Nag-iba na yata ang ihip ng hangin ngayon.

Sina Kuya Renz at Ate Kiarra. Ang tawag ko na kay Ate Kiarra ay sister-in-law. Ilang buwan pa lang ang nakakaraan nang magpakasal sila.

Sina Shiro at Arriane naman, sa kabila ng pagiging under ni Shiro kay Arriane, oo, under si Shiro kay Arriane, baka mamaya o sa isang araw, i-announce na lang nila na ikakasal na sila.

Kami naman ni Kervyn, ayun, walang pinagbago. Ang pinagbago lang, sina Kerrina at Kylxer. They’re already nine years old. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nang mag-birthday at binyagan sina Kerrina.

“Mommy, I want to have a book.” sabi sa akin ni Kerrina.

“What kind of book, baby?” tanong ko.

“A Philosophy book, Mommy.” jusme. Kanino ba nagmana ang anak ko na ‘to?

“Meron naman ang daddy mo na Philosophy book sa library ah.” sabi ko.

“Pero, nabasa ko na yun, Mommy.” jusme. Ang kapal-kapal kaya ng Philosophy book ni Kervyn.

“Tsaka na lang kita ibibili, baby. O kaya kay Daddy ka na lang magpabili. Tutal, parehas naman kayong bookworm.” sabi ko.

“Sige, Mommy! Si Kuya Kylxer, kanina, inaaway ako!” sumbong ni Kerrina sa akin.

“Kylxer.” tawag ko kay Kylxer na naglalaro ng psp.

“Bakit po, Mommy?” tanong nya sa akin.

“Inaway mo daw si Kerrina kanina.” sabi ko kay Kylxer.

“Sya naman kasi ang nauna eh.” pagmamaktol ni Kylxer.

“Hindi kaya! Ikaw kaya!!” sigaw ni Kerrina at umiyak na ito. Tsk.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon