Chapter Twenty-Nine: Ate Kiarra's Birthday and Our Future for Our Baby

155 0 0
                                    

~~ Chapter Twenty-Nine: Ate Kiarra’s Birthday and Our Future for Our Baby ~~

The next day. Weeeeeee! Here I come, Japan! Kaso gutom na ako! Hindi kasi kumain ng hapunan kagabi eh. Kaya maaga akong gumising para naman makapagluto ako ng almusal. Hmm. Parang gusto ko ng bacon at ham. Pagkabukas ko ng refrigerator, walang bacon! Ham lang! Pero ayos na yun. At least, may isa sa gusto ko ngayon. Niluto ko muna yung ham, pagkatapos ay nagluto na din ako ng scrambled egg. Hihi. Madami akong makakain ngayon. Nagsinangag na din ako. Bigla namang may yumakap mula sa likuran ko. Nakoo. Si Kervyn na naman. Umagang-umaga, naglalambing.

“Anong meron sa’yo ngayon at ganyan ka kung makapaglambing?” tanong ko sa kanya habang nagluluto ako.

“Namiss kasi kita.” sabi nya. Namiss nya pa ako sa lagay na yun, eh samantalang, araw-araw nya akong kasama dito sa bahay.

“Paano mo naman ako namiss? Lagi naman kitang kasama dito sa bahay ah.” sabi ko sa kanya habang nagluluto pa rin ako.

“Oo nga, kasama nga kita lagi dito sa bahay. Hindi naman kita kasama sa school.” sabi nya sa akin na para bang nagtatampo.

“At least, nakikita mo pa ako at nakakasama.” sabi ko.

“Ehh, kahit naaaaaaa.” sabi nya na parang bata. Ayaw nya pang kumalas sa pagkakayakap nya sa akin ah.

*tsup*

Hinalikan ko sya sa may pisngi para namang hindi na sya mag-act na parang bata. Ang cute nya kasi eh! Pigilan nyo ako! Gusto kong kurutin yung pisngi nya kasi sobrang cute nya!! Pigilan nyo ako!!

“Bakit sa cheeks lang? Dapat dito!” sabi nya sa akin na para paring bata habang turo yung lips nya. Aba. Hindi pa nasiyahan sa kiss sa cheeks na ibinigay ko sa kanya.

“Aba, Mr. Kervyn Montecarlo, kagabi ka pa nanghahalik. Kaya tama na.” sabi ko sa kanya.

“Pero, Mrs. Cassandra Ansherrine Carmela Montecarlo, gusto pa ng asawa mo ng kiss. Pagbigyan mo na lang kasi sya.” sabi nya.

“Mr. Kervyn Montecarlo.” sabi ko sa kanya at tumigil na sya at naghanda na ng pagkakainan namin. Yun lang naman pala ang makakapagpatigil sa kanya eh.

Pagkatapos naming kumain at maghimpil, nagsimula na kaming mag-ayos ng aming mga sarili dahil pupunta na kami ng airport. Sa airport kasi ang meeting place. Five in the morning kasi ang flight namin. Hihihihi. Excited na talaga ako!

Sa airport. Ang bilis ‘noh? Excited kasi ako! Nandito na kaming lahat! Ang Endless 14 ay pupunta ng Japan!

“Bestfriend, hindi ka naman siguro excited ‘noh?” tanong sa akin ni Sherrika habang tinitingnan ako from head to toe.

“Hindi naman masyado.” sagot ko sa kanya. Kasi naman, naka-scarf, mittens, ang thick jacket na kaagad ako. Hahaha. Parang nasa Japan na ai. Sinusunod ko lang naman yung sinabi ni Dra. Gonzales eh.

“Ang sabi kasi ni Dra. Gonzales, kailangan nya daw magsuot ng thick jacket, baka kasi magkasakit sya at baka maapektuhan si Baby Kylxer.” sabi ni Kervyn kay Sherrika habang tumatango-tango ako. Teka! Mali na naman yung sinabi nya!

“It’s Baby Kerrina Jazz and not Baby Kylxer!” sabi ko kay Kervyn.

“Oo nga! Babae kaya ang magiging anak nyo kaya Kerrina Jazz ang name ni baby and not Kylxer!” sabi naman ni Sherrika.

“No! It’s Kylxer not Kerrina Jazz!” sabat na din ni Kuya Renz.

“Stop! Pati ba naman pangalan ng magiging anak nina Cassandra, pag-aawayan nyo? At ikaw naman, Renz, nakisali ka pa!” sigaw ni Ate Kiarra kay Kuya. Hehehehe.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon