Chapter Fourteen: She is Jealous Again. As Always.

246 0 0
                                    

~~ Chapter Fourteen: She is Jealous Again. As Always. ~~

~ Ansherrine’s POV ~

This is my entire fault! Kung hindi ko lang tinawagan si Bestfriend, hindi sana sya maaksidente. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ba kasi ganito ako?

“I know what you’re thinking. Erase all the bad memories. And make good memories only. This is not your entire fault. Don’t also think that’s why are you like that. Sherrika will be okay. Everything will be okay. Don’t think about it. Please.” pagkasabi nya sa akin ng mga salitang yung biglang gumaan ng pakiramdam ko.

Ito ba talaga ang nagagawa ng love? Isang maikling salita pero napakalaki ng impluwensya sa isang tao. Isang apat na letrang salita pero nakakapagpabago ng buhay mo.

“Salamat. Salamat ng marami. Kung hindi dahil sa’yo, baka kanina pa ako nabaliw kakaisip na ako ang may gawa ng lahat.” sabi ko kay Kervyn.

“Di ba nga, asawa mo ako at ako ang mahal mo kaya gagawin ko ang lahat para masaktan ang mahal ko? This is what you called challenge.” sabi nya sa akin ng nakangiti. Ohmygulay! Ang gwapo nya talaga. Este, cute pala. Hindi! Gwapo nga na cute na tapos mabait pa tapos matalino pa tapos nerd pa pero nagiging itsurang artista tapos magaling pang kumanta tapos magaling pang mag-piano tapos masarap pang magluto tapos good kisser pa tapos mahilig pang mangyakap tapos sweet pa tapos romantic pa! Andaming descriptions ah. Teka! Bakit may good kisser sa description ko?!!

Scratch that! Haaayy. Ayokong maging emo ang magiging anak namin kaya tumigil na ako sa pagmumukmok at pag-iyak. Si Kervyn na ang nag-donate ng dugo para kay Sherrika.

Please, God. Let Sherrika alive. I don’t know what will happen if she disappears in my life. Tinuturing ko sya na kapatid at ang pinaka-bestfriend sa pinaka-bestfriend ko.

Tapos na ang pag-ba-blood transplant. Haaay. Gumaan pa lalo ang kalooban ko.

“Itsuki.” sabi ni Kervyn.

“Is Sherrika alright? What happened? Is she in critical? God! Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nawala sya sa buhay ko.” nanginginig na sabi ni Itsuki. Alam namin na gusto na nyang umiyak pero pinipigilan nya lang. Biglang lumapit sa amin yung doktor.

“Are you Ms. Ortiz’s companions?” tanong sa amin nung doktor. Kanina kasi iba yung doktor na nag-asikaso kay Sherrika.

“Opo. I’m his boyfriend. Ayos lang po ba sya? Malubha po ba ang kalagayan nya?” sunod-sunod na tanong ni Itsuki sa doktor.

“Maayos na sya. Kaso she’s in state of comatose. Hindi pa natin alam kung kailan sya magigising. She’s really strong. Nakayanan pa ng katawan nya yung mga sugat at mga pasa at bali. Muntikan na syang mamatay ng dahil sa blood loss pero pasalamat tayo kay Mr. Montecarlo at nagbigay sya ng dugo kay Ms. Ortiz. Don’t worry. She’s fine. Really fine. Hintayin na lang natin syang magising.” paliwanag ng doktor.

“Nurse, kailan po pwede nang i-discharge ang asawa ko?” tanong ni Kervyn dun sa isang nurse.

“Sabi po ni Doc, by tomorrow, pwede na po syang i-discharge.” sagot naman nung nurse. Pagkatapos ay tumingin yung nurse kay Kervyn at napatulala. Aba!

“Ahm. Nurse, ayos ka lang?” inosenteng tanong ni Kervyn dun sa nurse. Grrrrr.

“Opo. Ayos lang po. Pwede po pa-picture?” todo-ngiting tanong nung nurse. Aba! Talagang ginagalit ako?!

“Itsuki, don’t worry. Sherrika is in safe condition na daw. Sorry. Ako may kasalanan nito.” sabi ko kay Itsuki.

“No. It’s not your fault. Sige na. Magpahinga ka na. Ako na muna ang magbabantay kay Sherrika. Tatawagan ko na din sina Tita Grace at Tito Gerald.” nakangiting sabi sa akin ni Itsuki. Haaay. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko! Pero hindi pa dito natatapos! May isa pa akong tatapusin.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon