Chapter Thirty-Six: The Accidentally Heard Conversation

136 1 0
                                    

~~ Chapter Thirty-Six: The Accidentally Heard Conversation ~~

The next day. Hindi ako natulog kagabi kasi binantayan ko si Ansherrine na matulog. I know that she is so tired kaya pinagpahinga ko na lang sya. Biglang pumasok yung nurse-in-charge.

“Mr. Montecarlo--”

“Ssshh.” sabi ko sa nurse kasi natutulog pa si Ansherrine.

Nginitian na lang ako ng nurse at nilapag yung pagkain sa may table. Babalik na lang daw sya kapag kailangan ko ng uminom ng gamot. Naisipan ko naman na tsaka na lang ako kakain kapag nagising na si Ansherrine.

~ Ansherrine’s POV ~

Hmmm. Bakit ang pakiramdam ko may nanghahalik sa akin? Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Kervyn. Tsk. Kaya naman pala parang may nanghahalik eh. May nanghahalik nga talaga.

“Gising ka na?” tanong nya sa akin ng may wide smile. Ganito: ^___________^

“Sino ba naman ang hindi magigising kapag may nanghahalik sa iyo?” tanong ko sa kanya at tumawa na lang sya.

“Kain ka na.” sabi nya sa akin at inilagay nya sa may table na inilalagay sa may kama kapag nasa ospital ka. Sorry. I don’t know the term eh.

“Ikaw ang kumain at hindi ako.” sabi ko sa kanya at sinimulan ko syang subuan.

“Wow. Himala. Tumanggi ka sa pagkain.” sabi nya sa akin at sinubuan ko ulit sya.

“Ikaw naman ngayon ang kumain ng marami. Ang payat-payat mo na kaya.” sabi ko sa kanya.

“Paanong hindi ako papayat, eh kinakain mo lahat ng pagkain sa bahay.” sabi nya. Ang mean nya! >,<

“Hindi ko naman kinakain lahat!” sabi ko sa kanya. >,<

“Asus. Itinanggi pa. Oo na. Hindi na nga.” sabi nya sa akin at sinubuan ko ulit sya.

Pagkatapos nyang kumain, sinabi ko sa kanya na uuwi muna ako.

“Mamaya ka na umuwi, Wifey.” sabi nya sa akin.

“Kailangan kong magpalit ng damit.” sabi ko sa kanya.

“Ito na lang damit ko ang suotin mo.” sabi nya sa akin.

“Ayoko nga. Saglit lang naman ako eh.” sabi ko.

“Okay. In five minutes, kapag wala ka pa dito, magagalit ako sa iyo.” sabi nya. Aba. Kaya ko bang umuwi ng bahay in just a few minutes? Hindi ko kaya yun! Ano ako, may boots of travel o kaya naman town portal?

“Wala akong town portal or boots of travel para makauwi ng bahay in just a few minutes.” sabi ko sa kanya. Nang maglalakad na ako papuntang pintuan, bigla naman nya akong hinila at niyakap.

“I will miss you so much.” sabi nya sa akin. ^///^

“I will miss you so much, too.” sabi ko sa kanya at kumalas na sya ng yakap. He kissed me.

“Wag ka munang umuwi, para naman mahalikan pa kita.” sabi nya sa akin habang hawak-hawak nya ang mga kamay ko.

“Ikaw talaga. You’re a kiss addict.” sabi ko sa kanya.

“Of course. I am a kiss addict when it comes to you.” sabi nya sa akin.

Actually, ang gwapo nya ngayon. Wala syang salamin. Mas gusto ko ng wala syang salamin. Ang cute nya kasi kapag nakasalamin. Hahaha. Parang ewan lang. Cute na, gwapo pa. Saan ka pa? Haha.

“Sige na, Hubby. Mabilis lang talaga ako.” sabi ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad papalabas.

“Dalhin mo yung regalo mo sa akin nung Christmas. Babasahin ko.” sabi nya sa akin at tumango naman ako.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon