Chapter Thirty-Four: Part Three of It's Christmas Time!

125 0 0
                                    

~~ Chapter Thirty-Four: Part Three of It’s Christmas Time! ~~

~ Kervyn’s POV ~

Nandito na kaming lahat sa may dining area ng villa. Ewan ko ba kung ano ang mga nangyari sa mga ito kasi ang lalapad ng mga ngiti nila. Habang nag-si-si-kainan sila, kami ni Ansherrine, nakaupo lang at nakikipaglaro kay Kenneth.

“Hubby, gutom na ako.” sabi ni Ansherrine sa akin.

“Oh, eh di, kumain ka na.” sabi ko naman sa kanya at nag-pout sya.

“Kuha mo naman ako.” sabi nya sa akin habang naka-pout.

“Ikaw na. Kaya ka nataba eh, lagi ka na lang nakaupo at nakahiga. Mag-exercise ka naman.” sabi ko at tumayo sya at naglakad papunta sa may dining area. Nagalit?

“Kenneth, dito ka lang muna, ha. Susundan ko lang si Mommy.” sabi ko kay Kenneth at tumango naman ito.

Pagkapunta ko ng dining area, hindi ko nakita si Ansherrine kaya nagtanong ako kina Mama.

“Ma, si Ansherrine?” tanong ko kay Mama.

“Lumabas yata, Iho. Naku, sundan mo nga. Galit yata yun eh.” sabi sa akin ni Mama.

Lumabas naman ako at hinanap sya. Wala sya sa may garden, sa may veranda, sa may beach. Nasaan na sya? Nagpunta ako sa kweba kung nasaan kami kanina. Pagkapasok ko ng kweba, may nakinig akong natawa. Hala?

“Ang kyut naman.” narinig ko. Tiningnan ko naman at ayun nga sya, nagbabasa.

“Nandito ka lang naman pala. Kung saan-saan pa kita hinanap.” sabi ko sa kanya. Lumingon naman sya.

“I hate you.” sabi nya sa akin habang naka-pout.

“I love you.” sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko sya.

“I hate you.” ulit nya.

“I love you.” sabi ko naman ulit.

“I hate you. I hate you. I hate you.” paulit-ulit na sabi nya sa akin.

“I love you. I love you more. I love you more than my life. I love you forever.” sabi ko naman at natigilan na sya. Nag-ba-blush sya.

“I love you, too.” sabi na nya sa akin. Ayun. Mag-a-i-love-you din naman pala sya, pinatatagal nya pa.

“What are you reading?” tanong ko sa kanya. Yakap-yakap ko pa rin sya.

“Ito oh.” sabi nya sa akin at ipinakita nya.

-----------------------------

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon