Chapter Eighteen: An Unexpected Friend of Mine Visit Me!

166 0 0
                                    

~~ Chapter Eighteen: An Unexpected Friend of Mine Visit Me! ~~

After ng P.E namin, kaagad na kaming nagsibalikan sa may locker room. Habang naglalakad kami nina Shiro at Shawn papuntang locker room, narinig namin yung usapan ng nauuna sa amin.

“Kakaiba talaga yung Patricia na yun.”

“Lalandiin nya ba lahat ng lalaki dito sa school?”

“Ewan. Basta ako, hindi ako magpapalandi dun.”

“Hahaha. Asa ka pa. Sino kaya ang susunod na biktima nun?”

“Hahaha. Humanda ka na. Nakinig ko dun sa kabilang section na ang susunod na biktima nya ay kaklase natin.”

“Bakit ako lang ang maghahanda? Pati rin kaya ikaw! Hahaha. Andaya nito.”

“Hahaha. As if naman na papayag akong landiin nun.”

Nandito na kami sa locker room. Nagkatinginan kaming tatlo pero may meaning ang mga tingin namin. Binigyan ako ni Shawn ng kahit-may-asawa-ka-na-papatulan-ka-pa-rin-nun look. Pagkatapos ay binigyan ko si Shiro ng isang humanda-ka-na-rin-baka-ikaw-na-ang-susunod look. Pagkatapos ay tiningnan kami ni Shiro ng isang totoo-ba-yang-mga-sinasabi-nyo-mag-ingat-kayo-ha look. Ang astig na mga tinginan ‘noh?

Sa classroom. Naabutan ko si Ansherrine na nakikipag-chikahan sa katawagan nya na hindi ko naman alam kung sino. Baka si Sherrika.

“Are you sure? Sige. Papaalam lang muna ako.” sabi ni Ansherrine sa katawagan nya at tinakpan nya muna yung cellphone nya.

“Hubby, pwede ba akong lumabas mamaya with my friend?” tanong sa akin ni Ansherrine.

“Lalaki ba or babae ang friend mo? Saan kayo pupunta? Anong oras ka uuwi?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

“Teka. Dahan-dahan lang sa pagtatanong. Babae yung friend ko. Sa bar daw kami pupunta. Mga 11 o’clock nasa bahay na ako.” sagot nya sa mga tanong ko.

“Then it’s a no.” sabi ko sa kanya. Aba! Bar kaya ang pupuntahan nila! Mamaya, kung sino-sino pang lalaki ang manlandi at mambastos. Nakoo. Magkakaroon ng World War III.

“Ehh?! Bakit naman? Dali na, Kervyn. Ngayon na nga lang ulit ako pupunta sa bar eh. Behave lang naman ako. Tsaka puro mga babae kami.” sabi nya sa akin with a pout.

“If my answer is no, it is always a no.” sabi ko sa kanya at kinausap na nya ulit yung katawagan nya.

“Ayaw! Tssssh. Sige. Enjoy kayo. Bye.” sabi nya sa katawagan nya at nakita kong binaba na nya yung tawag. Pagkatapos ay tumingin sya sa akin at binigyan ako ng isang I-hate-you look.

~ Ansherrine’s POV ~

Ghad! I hate him! Pupunta lang naman kami sa bar eh! Hindi naman ako iinom kasi alam ko naman na buntis ako! Behave lang naman ako dun eh! Hmmmmmmmp! I really hate him. Di kami bati! Di ko sya papansinin! At wala syang kiss, hug at I love you within a week!

“Ansherrine. Alam ko na galit ka sa akin pero iniisip ko lang naman kasi si Kylxer eh. Baka mamaya kung mapaano sya at tsaka, pupunta kayo sa bar? Puro pa kayo babae. Wala pa yata kayong kasama na lalaki para magbantay sa inyo.”

Waaah! Wala akong naririnig! Wala akong naririnig!

“Ansherrine. Tumingin ka nga sa akin.” utos nya sa akin. Ayokong tumingin! Mawawala ang galit ko sa kanya. Tsaka, hindi pa sya nag-so-sorry sa akin!

“Ansherrine.” tawag nya ulit sa akin. Hindi ako lilingon! Aalis na sana ako sa upuan ko para makipagpalit ng seat pero bigla na lang akong hinila ni Kervyn at niyakap. Hindi ako rerespond sa hug nya! Mas lalong humigpit ang yakap nya! Anak ng tinapa! Gusto ko na din sya yakapin pero kailangang magpigil!

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon