Chapter Eleven: The House Blessing and The Disowned Son

730 0 0
                                    

~~ Chapter Eleven: The House Blessing, The New Nanny of Kenneth and The Disowned Son ~~

~ Kervyn’s POV ~

The next day. Friday na. Bukas na ang house blessing. Marami ang pupunta panigurado. Sina Mommy, Daddy, Mama, Papa, Kuya Renz, Ate Kiarra, Misha, John Christian, Sherrika, Itsuki, Shawn, Hikari, Neil, Krizza, Shikri, Michael, Shiro at Arriane. Isama mo na din sina Tito Shinichi, Tita Krisha, Mommy at Daddy nina Hikari and Neil, Mommy at Daddy din ni Shawn, Mommy at Daddy ni Sherrika, at pati syempre, si Syuu. Hindi makakapunta ang parents nina Misha at John Christian kasi wala naman sila dito sa Pilipinas. Pero hindi ko lang alam kung totoo. Baka kasi pumunta sina Tita Irish and Tito Christian. Magdagdag ka na rin ng iba pa. Yung mga kakilala ni Ansherrine sa other sections. Sina Ken at Airalene. Ahhh! Basta! Maraming pupunta!

Sa school. Habang nagkaklase, ang tahimik ng katabi ko. Madalas naman nakikipag-chikahan pa sya sa bestfriend nya. Hindi na nga pala si Shiro ang katabi ko. Ang asawa ko na. Dumating na si Shawn kahapon eh. Hindi ko alam kung paano yan nakauwi kahapon, eh nung the day before last lang sila umalis ng kanyang mommy.

Recess. Ang tahimik pa rin nya. Kami nina Shiro, Sherrika at Shawn, daldalan ng daldalan. Mukhang masama ang pakiramdam nya. Kakaunti pa lang ang nababawas sa pagkain nya. Favorite pa naman nya yung kinakain nya.

“Huii! Bestfriend! Ayos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo ngayon?! Inaway ka ba ni Kervyn, ha? Sabihin mo lang sa akin at reresbakan natin!” sabi ni Sherrika. At napadamay pa ako.

“Ayos lang ako. Don’t worry about me. Hindi naman kami nag-away eh.” sabi nya at kumuha sya ng isang chocolate cookie at kinain ito.

Awasan na. Naisipan kong dumaan muna sa mall. Magkasabay na umuwi si Sherrika at Ansherrine. Parang wala sya sa sarili nya ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

Sa mall. Habang naglalakad ako, tinanggal ko muna ang salamin ko. Para naman maiba ang itsura ko. Habang papunta ako sa Blue Magic, nakita ko yung mga babae, tinginan sa akin. Anong meron?

“Oh my gosh! He’s so damn cute!”

“Is he already taken?”

“Maybe he’s not. Can’t you see that he’s not with some other girl?”

“Let’s go! Let’s ask him if he’s free tonight.”

At lumapit naman sila sa akin. Geez. I don’t like these kind of girls. Sila pa mismo ang lumalapit sa lalaki.

“Hey, Mister. You’re so cute. Are you free tonight?” tanong sa akin nung isa sa kanila. Inpeyrness, maganda naman sya kahit papaano pero pinakamaganda ang asawa ko.

“I’m sorry. I’m already taken and married. My wife is waiting for me at our house tonight.” sabi ko sa kanila with matching taas ang kamay ko kung nasaan nakasuot ang wedding and engagement ring namin.

“Oh, really? Just two hours only or one hour. Just hang out with us for a bit.” sabi naman nung isa sa kanila. One word to describe them: Malandi. Kasasabi ko lang na may asawa ako pero ayaw pa ring tumigil.

“Hooiii! Kervyn!” sigaw naman nung kung sino na alam ko na kung sino kasi boses pa lang nya, malalaman mo na kung sino.

“What?! Is Ansherrine with you?!” tanong ko kay Sherrika.

“Yes! Here she is! Your loving and beautiful wife!” sigaw naman ni Sherrika. Tinginan tuloy ang mga tao sa amin.

“Daddy!” biglang takbo naman papunta sa akin si Kenneth. Bigla namang nagsi-layuan yung mga babae. Yan kasi, mga hindi nakikinig sa sinasabi ko.

“How’s your day, Kenneth? Do you like your new nanny?” tanong ko sa anak ko. Well, hindi ko naman talaga anak pero feeling ko lang talagang ituring sya na anak ko.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon