Chapter Thirteen: The Good News and The Bad News

484 0 0
                                    

~~ Chapter Thirteen: The Good News and The Bad News ~~

One week had passed. Same routine everyday. Sa umaga, papasok sa school. Sa school naman, mag-re-review. Pagka-awasan na, uuwi ng bahay, aasikasuhin si Kenneth, mag-re-review ulit, kakain, tutulog. Paulit-ulit lang. Two and a half weeks na lang ay Science Quiz Bee na.

Saturday. This is the day. This is the day na magpapacheck up ako sa ob-gyne. Kasama ko ngayon sina Mommy at Mama. Habang nasa biyahe kami, nag-uusap si Mommy at Mama. Kapag daw babae ang magiging apo nila, papangalanan na daw nila ng ganito, ganoon. Pero hindi ako papayag na sila ang magpapangalan sa anak ko! Dapat ako at si Kervyn!

Biglang sumakit ang ulo ko. Nahihilo na din ako. Napansin ako nina Mommy.

“Cassandra, ayos ka lang ba? Namumutla ka.” sabi sa akin ni Mama.

“Ayos lang po ako. Medyo nahihilo lang po ako ng kaunti.” sagot ko naman kay Mama at ipinikit ko muna ang mga mata ko para naman mawala ng kaunti yung hilo ko. Baka kasi mamaya, pagod lang ako. Bigla akong nakaramdam na parang gusto kong sumuka.

“Mama, Mommy, itigil nyo muna ang sasakyan.” sabi ko sa kanila at sinabihan muna ni Mommy yung driver namin na tumigil muna.

Pagkababa ko, bigla na lang ako sumuka. Hindi ko alam kung bakit. Ansama ng pakiramdam ko!!!

“Anak! Cassandra! Teka! Ano bang nangyayari sa’yo?” nagpapanic na tanong ni Mama.

“Ma, nahihilo na talaga ako.” sabi ko at biglang black out.

~ Kervyn’s POV ~

Pagkatawag na pagkatawag sa akin ni Mommy, dali-dali akong pumunta ng ospital. Nasa ospital daw si Ansherrine. Bigla na lang daw nahimatay.

Pagkarating ko ng ospital, nakita ko sina Mommy. Dali-dali akong lumapit sa kanila at nagtanong.

“Mommy. Anong nangyari? Ayos lang ba si Ansherrine?” sunod-sunod na tanong ko. Nakita ko na umiiyak si Mama.

“Anak. Cassandra is pregnant. She’s one week pregnant. Ang sabi ng doktor, pagpahingahin muna sya.” sabi ni Mommy sa akin.

“Mama. Bakit po ikaw umiiyak?” tanong ko kay Mama. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa narinig ko. Ansherrine is pregnant and I am going to be a daddy!!

“Tears of joy lang, Iho. Magkaka-apo na kami!” sabi ni Mama at nagtatalon naman sila ni Mommy.

“Anak!! Dapat babae ha?! Ayoko ng lalaki! Gusto namin babae!” sabi ni Mommy sa akin.

“Mommy, one week pregnant pa lang si Ansherrine, so, hindi pa natin alam kung babae ba o lalaki ang magiging apo ninyo.” sabi ko sa kanila.

“Basta! No matter what happens! Babae ang magiging apo namin!” sabay nilang sabi. Duet?

Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na yung doktor na nag-check kay Ansherrine.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon