Chapter Two: Lover's Quarrel and Reconcilation

377 2 0
                                    

“Ako? Mabigat ako? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong nya sa akin.

“Hindi. Kasi sexy ka.” sabi ko sa kanya.

“Tssss. At paano mo naman nasabi?” tanong nya ulit sa akin. Sige, tanungan na lang tayo dito.

“Eh kasi po, yung uniform mo, lahat ng sinusuot mo, kita ang curves mo!” hindi naman sa manyak ako, pero halatang-halata kasi yung curves nya kahit na ano man ang isuot nya.

“Ang manyak mo!” kasasabi ko lang na hindi ako manyak eh.

“Tsss. Bahala ka kung anong gusto mong isipin.” sabi ko sa kanya sabay labas ng kwarto. Baka kasi mamaya, kung ano ang isipin nila eh.

Sa kusina. Naabutan ko si Manang na naghihimpil ng mga pinagkainan namin.

“Manang, tulungan ko na kayo dyan.” volunteer ko.

“Naku, Iho, wag na.” tanggi sa akin ni Manang.

“Manang naman eh. Kahit ako na lang ang magpunas at maglagay sa mga lalagyan.” sabi ko kay Manang.

“Sige, Iho. Kung yan ang gusto mo.” sabi ni Manang at nagimula na akong magpunas ng mga kutsara at tinidor.

Pagkatapos kong punasan ang mga kutsara at tinidor, nilagay ko na ito sa lalagyan at sinimulan ko naman yung mga baso at tasa. Punas, punas, punas. Punas, punas, punas.

*baaaaam* <--- tunog yan ng nabasag na baso ha! XD

“Naku, Iho. Wag mo nang simutin, baka magkasugat ka at—” patay. Nahiwa na nga ako. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.

“Manang, ako na ang bahala dito sa sugat pati sa nabasag. Pagpatuloy mo na lang po ang paghihimpil.” sabi ko kay Manang at pumunta na kaagad ako sa may restroom at kinuha ang first aid kit.

Pagkatapos kong gamutin ang sugat ko, bumalik na kaagad ako sa kusina para linisin ang nabasag. Pero nadatnan ko ito na linis na. Si Manang ba ang naglinis?

“Manang. Sino naglinis nung nabasag?” tanong ko kay Manang.

“Iho, yung ka-roommate mo. Si Hikari ba yata ang pangalan nun? Pasensya na at hindi ko matandaan ang pangalan nya.” sabi ni Manang sa akin.

“De, okay lang po.” sabi ko kay at pinagpatuloy ko na ang pagpupunas.

Pagkatapos ng maraming pagpupunas, nagpunta ako sa garden. Nandun pa din kasi sila eh.

“Oh, anong nangyari sa kamay mo?” tanong nila sa akin.

“Wala. Nevermind this.” sabi ko sa kanila.

“Hindi kasi nag-iingat eh. Yan tuloy, nagkasugat.” pabulong na sabi ni Hikari.

“Ha? May sinabi ka?” actually, narinig ko talaga. Haha.

“Ang sabi ko, HINDI KASI NAG-IINGAT EH. YAN TULOY, NAGKASUGAT! Oh, narinig mo na?” kailangang isigaw?????

“Oo. Narinig ko na. Rinig na rinig ko nga eh.” sabi ko sa kanya. Add some sarcasm in that.

“Hindi pa ba tapos ang LQ nyo?” biglang tanong sa amin ni Ansherrine.

“LQ?!!! Are you kidding me?!” – Me and Hikari. Tsk. Pakigaya sya ah.

“Bakit ka ba nakikigaya?!” – Me and Hikari. AGAIN.

“Wag ka ngang makisabay!” – Me and Hikari. AGAIN AND AGAIN.

(.><) -------------------^^^------------------ (><,)

Pero ganito ang nagiging heartbeat ko kapag nakatitig ako sa kanya!!

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon