Chapter Thirty-Three: Part Two of It's Christmas Time!

141 0 0
                                    

~~ Chapter Thirty-Three: Part Two of It’s Christmas Time! ~~

“Bestfriend, di ba captain ka ng Taekwondo Club?” tanong ni Ansherrine kay Sherrika na katabi si Itsuki.

“Oo. Bakit? Gusto nyong sumali? Nangangailangan pa kami ng dalawang members.” sabi ni Sherrika.

“Wag na. Baka mabali ang buto ko nang wala sa oras.” sabi ni Ansherrine sa kanyang bestfriend.

“Sige. Sabi mo eh.” - Sherrika.

“Woooh! Kapagod kumanta!” sigaw ni Misha.

“Ikaw kasi eh. Nagpupumilit pa na kumanta.” - Christian.

11:59 p.m. Lahat naka-ready na. Pagkain, mga regalo at kung ano-ano pa na kaartehan ng mga magulang namin.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

“Merry Christmas!” sabay-sabay naming bati.

“Merry Christmas, Mommy, Daddy.” bati ko kina Mommy at Daddy.

“Merry Christmas din, anak.” sabi sa akin ni Mommy pagkatapos ay niyakap nya ako.

Pagkatapos kong batiin sina Mommy at Daddy, binati ko na din sina Mama at Papa at pati na rin sina Tita at Tito at ang Endless 14.

“Merry Christmas.” bati ko kay Ansherrine.

“Merry Christmas, too.” sabi nya at hinalikan ko sya.

“Yun na ba ang gift mo sa akin?” tanong nya.

“Hindi. Kung kiss ang gift ko sa’yo, gusto mo pa ba?” tanong ko naman sa kanya at bigla syang nag-blush.

“Tsss. Sasabihin mo lang naman sa akin kung gusto mo pa at pagbibigyan kita.” sabi ko sa kanya at hinalikan ko sya ulit.

“N-n-naman eh. W-w-w-wag ka n-n-ngang ganyan.” nauutal nyang sabi sa akin. Hahaha. Nauutal na sya. Ibig sabihin, nahihiya na sya.

~ Ansherrine’s POV ~

Para naman syang ewan eh! Yan tuloy, nautal ako! Di ko inexpect na mauutal ako ng ganun! Nakakahiya tuloy! >///<

“Wag ka nang mahiya. I’m your husband afterall so don’t be shy about asking for a kiss.” - Kervyn. Naman eh! >/////<

“Naputulan ka na yata ng dila dyan. Gusto mo pa ba o hindi?” tanong nya sa akin. What a question to ask! Pagkatapos nya akong tanungin, hinila nya ako papunta sa may labas ng villa, sa may veranda ng villa na pagkalaki-laki. Dinala nya ako sa may pagkamadilim na parte ng veranda.

“Anong gagawin natin dito? Hahanapin nila tayo.” sabi ko sa kanya pero hindi nya inintindi yung sinabi ko at hinalikan na lang nya ako.

~ Hikari’s POV ~

“Tara sa may taas.” aya sa akin ni Shawn.

“Ano namang gagawin natin dun?” tanong ko sa kanya. Naku ha. Kung ano man ang inisip nya na masama, wag na nyang ituloy.

“Basta. Tara.” sabi nya at hinila nya ako papunta sa taas.

Nang makarating kami sa may taas, pumasok kami sa isang kwarto. Pagkabukas ng pinto, napakadaming rose petals ang nakakalat sa sahig pagkatapos sa gitna ay may isang malaking teddy bear na may hawak na isang maliit na gift box. Dahan-dahan akong lumapit sa teddy bear at kinuha ang gift box. Pagkabukas ko ng box, nakita ko ang isang necklace na may pendant na isang araw na puro pink stone. I’m speechless.

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon