Chapter Forty-Five: My Husband's Birthday Party

142 1 0
                                    

~~ Chapter Forty-Five: My Husband’s Birthday Party ~~

~ Ansherrine’s POV ~

Birthday na nya! Yehey! At birthday party na din nya mamaya! Ang ganda ng isusuot ko! Pang-prinsesa! At sya naman, pang-prinsipe! Talagang bagay na bagay kami ng asawa ko. ^_^

Habang abala ang lahat sa paghahanda, ako naman, nakaupo lang sa isang tabi. Nagmamasid-masid. Nandito kami sa villa nila Kervyn. Dito kasi gaganapin ang birthday party nya. Invited kasi lahat ng napasok sa Kurumi Academy. Pati teachers, shareholders, business partners, at kung sino-sino pa na galing sa company nila. Talagang sosyalin ang birthday nya!

“Wifey.” tawag sa akin ni Kervyn.

“Yes?” tanong ko sa kanya with a malapad smile. ^_____^

“You should be careful mamaya. Malapit ka nang manganak.” sabi nya.

“Opo, Hubby.” sabi ko sa kanya. Tumabi naman sya sa akin.

“Hindi mo ba ako babatiin?” tanong nya sa akin. Di ko pa kasi sya nababati ng happy birthday.

“Hindi. Bakit naman kita babatiin?” tanong ko sa kanya. Actually, may plano kasi ako. Kaso ayokong sabihin sa inyo kasi baka sabihin nyo sa kanya.

“Birthday ngayon ng asawa mo pagkatapos, wala ka man lang gagawin or hindi mo man lang sya babatiin?” sabi nya.

“Asusssss. Naman. Hindi pa naman tapos ang birthday mo ah. May gabi pa.” sabi ko.

“Ewan ko sa’yo.” sabi nya sabay walk-out. Ang hilig namin mag-walk-out ‘noh?

Lunch time. Nandito kami sa dining area ng villa nila, nakain.

“Cassandra, may naihanda ka na ba para sa asawa mo?” tanong sa akin ni Mommy.

“Wala pa po.” sabi ko.

“Mommy, maaga syang uuwi ngayon. Hindi ko na patatapusin ang party.” biglang sabi ni Kervyn at napa-nga-nga ako. Tsk. Galit nga.

“Bakit naman? Bithday mo ngayon pagkatapos pauuwiin mo ng maaga si Cassanda mamaya. Sino ang makakasama mo mamaya?” tanong ni Mommy.

“Nandyan naman po sina Itsuki.” sabi ni Kervyn. Ni hindi man lang tumingin sa’kin. Hmp. I hate him.

Pagkatapos ng lunch time, lumabas muna ako. Nakakainis sya. I hate him.

“Hey, nag-away ba kayo?” biglang tanong sa akin ni Sherrika.

“Parang ganun na nga. Kasi kanina, hindi ko pa kasi sya nababati ng happy birthday.” sabi ko.

“Dapat binati mo na. Birthday nya ngayon pagkatapos magkaaway kayo? Paano na ang party mamaya?” tanong sa akin ni Sherrika.

“Hindi ko alam.”

“Maraming dadating mamaya na bisita. Makipag-ayos ka na para naman hindi sya badtrip mamaya.” suggestion ni Sherrika sa akin.

“Bahala na.” sabi ko.

~ Someone’s POV ~

“Angelo, please, let’s stop this. Ayoko na. Nahihirapan na ako. May boyfriend na ako at ang pinsan mo yun.”

“Hime-sama, bakit kailangan mong gawin sa akin ‘to? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko para sa’yo?”

“I’m sorry, Angelo. I’m really sorry.”

“Bakit sya pa? Pwede namang ako ah. Ano bang meron sya na wala ako? Ginagawa ko naman ang lahat. Nag-aaral ako ng mabuti, hindi ako lumalapit at tumitingin sa ibang babae. Lahat ginagawa ko para sa’yo. Alam ko naman na pinagkasundo lang tayo pero alam mo naman ang nararamdaman ko para sa’yo.”

TRN2: My Husband is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon