m1: hybrids 🐈

3.1K 198 216
                                        

// 3rd person's POV //

Year 2063 sa Korea, ang taon na kung saan nagsimula magbago ang lahat.

Depression, halos lahat ng tao sa taong yan ay meron. Hindi biro maging depressed kaya halos lahat na ng gamot para labanan yun ay naubos na.

Isang scientist na ang pangalan ay Han Saeyoung ang naglakas loob na harapin at mag-isip ng solusyon para malutas iyon.

Base sa kanyang mga research, ang mga alagang hayop ang isa sa mga pinaka-epektibong paraan para mabawasan ang pagkadepressed ng isang tao.

Sa pagiging caring, clingy, masayang kasama, mapagkakatiwalaan at iba pang katangian ng mga hayop ang pwedeng dahilan kaya nila kayang magpangiti ng isang tao.

Year 2064 rin kung saan maraming aksidente ang nangyayari. Mapaggawa man yan ng tao o ng kalikasan, mahirap parin makaiwas at makaligtas.

Hayop ang isa sa mga mabilis maka-adapt sa mga nangyayari. Iba ang kanilang sense kung ikukumpara mo sa tao. Madalas, sila ang mas unang nakakaramdam ng mga pagbabago na nangyayari sa ating paligid.

"What if, kung ipagsama ko ang tao at ang hayop?" Isip ni Saeyoung.

At doon siyang nagsimula pag-aralan ang pagkakaiba ng mga genes ng hayop sa tao. Kung paano makukuha ng isang tao ang katangian ng isang hayop nang hindi ito mamatay.

Pero kailangan pa rin niyang subukan lahat ng kanyang pinag-aralan. Kailangan niya nang gumawa ng experiments.

It may sound like shit, but he asked for volunteers.

Lahat ng suicidal at gusto nang mamatay na tao ay kanyang tinawag. It also sound pathetic and weird, pero nakakagulat na maraming tao ang handang pag-exsperimentuhan para lang sa kanyang ginagawa.

Mga taong wala ng pake sa kanilang buhay at hahayaan nalang na paglaruan at gawin sila na kung ano man.

The project was called 'HSY's Hybrid'. Oo, ganun ka-simple lang dahil wala nang maisip si otor.

Weh, segway. Seryoso na eh tapos biglang eepal amp. HAHAHA.

Pero yun nga, hindi naging madali ang project na yun. Maraming tao ang agree na gawin iyon pero mas marami pa rin ang hindi. Parang pagpapatupad ng death penalty. May magandang balak pero buhay ang kapalit.

Halos tatlong taon ang tinagal sa paghahanap ng tamang paraan para magawa ang pinapangarap na hybrid ng scientist na yun.

Maraming buhay ang namatay at mas dumami ang kumontra dito kaya naman kumukonti na rin ang nagvovolunteer na maging lab rat sa project na ito.

Hanggang sa dumating na sa punto na naubos na ang nagvovolunteer kaya naisipan nila na kumidnap ng tao.

Maraming tao ang pinaghahanap pagdating ng taong 2067. Halos lahat sila namatay hanggang sa isang araw ay nakuha na rin ang tamang proseso.

Gamit ang isang tila malaking baby incubator, doon nila pinagtuturok ng kung ano-ano ang tao. Gas, injection at kung ano pa man ang kanilang ginawa para makuha yun.

Hybrid na aso ang pinaka-unang nagawa na matagumpay ni Saeyoung at ng kanyang mga kapwang scientists. Yes, masaya sila pero tinago nila iyon sa publiko.

"Kailangan pa nating gumawa ng hybrid sa iba pang hayop." Utos niya.

Genes ng pusa, ibon, rabbit, at ng kung ano pang hayop ang kanyang kinuha. Lahat ng iyon naging matagumpay.

Pero sa lahat ng kanyang pinag-eksperimentuhan, wala ni isa sa kanila ang masaya. Hindi nila ginusto na gawin silang hybrid lalo na't kinidnap lang sila para doon.

Nang matapos na ang lahat, inanunsyo ni Saeyoung ang kanyang matagumpay na proyekto. Umaasa siya na matutuwa ang mga tao pero kabaligtaran ang halos natanggap niya na reaksyon.

Takot. Takot ang naramdaman ng mga tao nang makita sila.

Dahil sa reaksyon ng karamihan, ang mga hybrid na ito ay nawalan na ng tiwala sa sarili. Hindi na sila yung dating sila. Hiya na lamang ang natira.

Halos 600 hybrids ang nagawa ni Saeyoung. At sa isang iglap, nagtulungan silang lahat para makatakas sa kamay ng baliw na scientist na iyon.

Nagwala sila sa loob ng lab at gamit ang kanilang mga bagong kakayahan na katulad sa mga hayop, nasira nila ang buong lab. Namatay rin si Saeyoung dahil sa pagkakakuryente niya sa isa niyang mga makina na ginagamit.

Tumakas lahat sila at naghiwalay-hiwalay ng kanilang mga landas.

Halos pare-parehas lang ang mga reaksyon ng mga tao sa tuwing nakikita sila sa daan. Lahat ay nagugulat, natatakot at madalas ay sisigaw. Ang ibang hybrid ay pinatay ng ibang tao dahil sila ay tinuring na 'salot' sa lipunan.

Pero mayroon pa ring mga tao na mababait ang loob na tanggap sila at mayroon pa nga na kinukupkop sila sa kanilang mga bahay. Sa mga taong yun naging epektibo at naging mapakinabangan ang paggawa sa mga hybrids.

Natuto magtago ang mga hybrids. Mayroong mga hybrids na nagsama-sama dahil rin sa takot nilang mahusgahan ng mga tao. Tinago nila lahat ng mga nakikitang parte ng mga hayop sa kanilang katawan at mas madalas na sa gabi lumalabas upang makaiwas sa mga tao.

2 years later

Taong 2069

Oops, hehehe.

Kumpara sa mga nakaraang taon, mas tanggap na ng lipunan ang mga hybrids. May iba pa nga na hindi na nagtatago at nakikipaghalubiro na sa ibang tao.

Nagkaroon na rin sila ng hybrid gathering every month kung saan nagsasama sila para pag-usapan kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid at kung may mga naapi bang ka-uri nila.

Yes, they are more caring compared to humans. They are more sensible about their surroundings.

Yung iba na may mga amo, sila yung mga pinakasweet at clingy na mga hybrids. Sila yung madalas na gustong magkaroon ng mga tao.

Naging interasado ang ibang scientists ng ibang bansa kaya kumuha sila ng genes ng mga hybrids na ito at nilagay sa dugo ng ibang tao. Hindi na katulad ng dati na kung saan ay kailangan pa nilang mangidnap ng tao para magawa lang iyon. Ang mas maganda ay wala na rin namatay dahil lang doon.

At ganun nagsimula ang mga hybrids.

***

Nasa next chapter na talaga si Hoseok HAHAHA. Introduction muna kung paano nagsimula ang mga hybrids para may main idea. Wenk wonk.

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon