m15: straight 🐈

1.2K 104 105
                                    

"Ayos ka na?" Tanong sa akin ni Taehyung pagbalik ko. Napatingin lang naman ako sa kanya at hindi agad sumagot. "Hyung, sumagot ka naman."

"Ah ako? Oo." Sagot ko nang matipid kaya napakunot si Taehyung ng noo at agad akong inakbayan.

"Ayos ka lang ba talaga? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong niya nang pabulong. Di ko alam, baka multo nga nakita ko kasi pagkakaalam ko namatay na dati pa si Saeyoung kaya imposible na buhay pa siya ngayon.

"Taehyung, diba patay na si Saeyoung? Yung nag-isip na gumawa ng mga hybrids." Bulong ko pabalik sa kanya.

"Oo bakit?" Tanong niya.

"Nakita ko yata siya kanina sa labas. Tumingin pa nga sa akin sabay ngisi eh." Sabi ko sa kanya at tulad ko ay nagulat siya.

"Seryoso ka ba? Baka nagmamalikmata ka lang. Patay na yun ah." Sabi naman ni Taehyung.

"Yun nga eh pero napanood mo ba yung balita na may ibang hybrids din na nakakita sa kanya? Paano kung siya nga yun? Paano sila Kookie at Yami? Natatakot ako para sa kanila." Nag-aalala kong sabi habang nakatingin sa kanya. Napatingin naman ako kila Yami at Jungkook na masayang kumakain.

"Hyung, takot ka naman palagi sa kahit anong bagay." Sabi ni Taehyung kaya napatahimik ako nang saglit habang tinititigan ko siya. "Hehe, joke lang." Pahabol niya sabay peace sign.

"Pakyu." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya bago umiling. "Pero seryoso, ano gagawin natin sa dalawa?"

"Hoseok hyung, walang masamang mangyayari sa kanila, okay? Ang mahalaga ay mag-enjoy muna tayo ngayon kasi birthday ni Kookie. Balik na tayo, inaantay na nila tayo." Sabi niya sabay tayo at naglakad pabalik sa salas.

"BALIK LANG, WALANG TAYO!" Sigaw ko kaya napalingon sa akin si Taehyung at inirapan. Natawa nalang ako bago nagbikit balikat at bumalik na rin sa salas. Siguro nga masyado nanaman akong nagiging paranoid.

Kung ano-anong kalokohan na ang pinagkakagawa namin. Naglaro kami ng games para matuwa yung dalawang hybrids na kasama namin. Kumain lang rin kami nang kumain hanggang sa mabusog kami at ayaw nang kumain pa ulit.

"Kookie~ Ano wish mo ngayong birthday mo?" Tanong ni Yami habang nakangiti. Di ko rin naman mapigilan na ngumiti sa tuwing nakikita ko siya. Di ko rin maipaliwanag yung nararamdaman ko kapag nandiyan siya.

"Wish ko?" Tanong ni Jungkook habang tinuturo yung sarili. Tumango naman si Yami na naghihintay ng sagot.

"Wish ko na sana mas maging masaya tayong lahat! Tapos ano, wish ko rin na sana maging kami ni Taehyung hyung ko~ hehe." Masaya niyang sabi bago lumapit kay Taehyung at niyakap siya.

"Maging tayo? Ano ibig mong sabihin na tayo?" Nagtatakang tanong ni Taehyung habang nakangiti.
"Oo, hehe. Yung palagi tayong magkasama kasi natatakot ako mag-isa. Saka gustong-gusto kita, hyunggg~" Sagot niya na nakasandal sa balikat ni Taetae.

"Gustong-gusto?" Tanong naman ni Yami.

"Oo, gusto ko si hyung. Ikaw ba hyung, gusto mo rin ba ako?" Tanong ni Jungkook na mukha talagang inosente at hindi alam ang pinagsasabi niya. Namula naman si Taehyung dahil sa biglang tanong niya.

"S-syempre, gusto rin kita Jungkook." Nahihiyang sagot ni Taehyung bago ngumiti. Weh, kilig si gago.

"Straight ba kayo?" Bigla kong tanong sa kanila.

"Straight? May curves ako hyung eh saka di pantay katawan ko. Hindi ako straight, Hoseok hyung." Sagot ni Jungkook agad-agad kaya napatingin kami ni Taehyung sa isa't isa sabay tawa.

"Bakit kayo tumatawa? Di naman talaga siya straight ah kasi wala namang straight na katawan." Sabi ni Yami kaya mas napatawa kami. Tumigil rin naman kami nang mapansin naming nakakunot na yung noo ng dalawa.

"Ang cute mo Yami. Ang inosente mo masyado. Ikaw rin Jungkook." Sabi ko na nagpipigil ng tawa.

"Di ko kayo gets." Sabi niya kaya naman ginulo ko nang kaunti yung buhok niya.

"Uulitin ko nalang tanong ko. Bakla ba kayong dalawa?" Tanong ko ulit kila Jungkook at Taehyung.

"Hindi. Straight ako." Sagot agad ni Taehyung. Defensive masyado.

"Straight raw, ulol. Baklang-bakla ka nga kay Jungkook." Sabi ko at natawa nang kaunti. "Ikaw ba, Jungkook?" Tanong ko naman.

"A-ako? Uhm, oo hehe. Parehas kami ni hyung na straight hehe." Sabi naman ni Jungkook na mugkhang nag-aalinlangan sa sagot niya.

"Weh? Talaga ba?" Pagtanong ko ulit habang nakataas yung isang kilay at nakangisi.

"Weh weh ka diyan, Hoseok hyung. Ibang topic nalang tayo. Kayo naman ni Yami." Pagsingit at pag-iiba ng usapan ni Taehyung.

"Weh lang, iba na yung weh weh. Ihi na yun eh." Sabi ko at tumawa nanaman pero mag-isa lang. Bumalik ulit sa ayos ang lahat nang matapos kong tumawa.

"Kailan magiging magsyota kayo ni Yami?" Tanong bigla ni Jungkook at ngumiti.

"Jungkook!" Pagsuway sa kanya ni Yami kaya napailing nalang ako bago sumagot.

"Liligawan ko muna si Yami." Tipid kong sagot bago lumapit kay Yami at inakbayan siya.

Weh kilig nanaman kayo.

Napansin ko nanamang namula si Yami kaya naman mas lumawak ang ngiti ko. Yung tenga naman niyang katulad sa puso, bumaba nang kaunti.
"Ikaw ba Yami, gusto mo ba ako?" Tanong ko sa kanya at tumango siya habang mas namumula. Ang cute puta.

Halata namang kinikilig si Jungkook sa amin na hinahampas na yung braso ni Taehyung habang nakangiti nang sobrang lawak rin kaya naman kitang-kita yung bunny teeth niya.

"Hoseok naman eh." Sabi niya nang mahina habang nakangiti pa rin pero di makatingin sa akin.

Napansin ko naman na binulungan bi Taehyung sa Jungkook kaya agad namang tumaas yung tenga ni Kookie saka hinawakan ang braso ni Yami. Inalog-alog niya ito nang dahan-dahan habang inaasar siya.

"Kiss kayo ni Hoseokie hyung! Kiss, kiss, kiss, kisssss~!" Sabi ni Jungkook kaya natawa nalang si Yami sa kanya.

"Bakit naman kami magkikiss ni Hoseok eh hindi ko naman siya boyfriend o asawa. Mali kaya yun." Inosente nanamang niyang sabi.

"Hindi PA." Pagtatama ko naman sa kanya.

"Eh, sabi kasi ni--" Lilingon sana si Jungkook kay Taehyung habang nagsasalita pero bigla nalang siya napahinto nang bumangga ang ulo niya sa nakaharang na ulo ni Taehyung.

Ay teka mali. Napahinto si Jungkook sa pagsalita nang lumingon siya at aksidenteng mabangga ng kanyang labi ang nakaharang na labi ni Taehyung. At ang mas nakakagulat ay nang hindi agad sila lumayo sa isa't isa dahil sa gulat.

"Oh my god." Bulong ni Yami na tumayo bigla ang tenga katulad ng kay Jungkook. Agad namang humiwalay yung dalawa sa isa't isa nang matauhan dahil sa boses ni Yami.

Napaiwas sila ng tingin sa isa't isa na parehas na pulang-pula.

"Straight pala ah." Sabi ko habang nakangiti na nakatingin sa dalawa.

***

TAEKOOK FIC TALAGA TO ANO BA KINIKILIG AKO AHHAHAHA charot

15 chapter na hihi nakakalahati na tayo so pataas na nang pataas yung intensity. *Coughs* Plot twists *cough* ;)

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon