m8: call 🐈

1.6K 119 143
                                        

"Masama ba ako?" Tanong ko sa ate ko habang nakahiga ako sa sofa.

"Ikaw? Oo, syempre. Di mo ako katulad na sobrang bait." Tiningnan ko naman siya nang masama.

"Ikaw? Mabait? Pinagloloko mo yata ako." Sabi ko sabay tawa.

"Wow, santo ka ba ah? Amen!" Sabi naman ni ate kaya binatukan ko siya at binatukan niya ako pabalik.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at agad na pinindot yung isang button.

"Call yung tanginang tropa." Sabi ko.

"Calling tanginang tropa." Sabi naman pabalik nung device. Binitawan ko naman yung button at agad na humiga sa kama.

Habang nagriring, iniisip ko na rin ang sasabihin ko. Magsosorry ba ako? Hindi, kay Taehyung dapat. Napasilip naman ako sa bintana ko at nakita na na nakababa yung kurtina ni Taehyung kaya hindi ko makita yung loob ng kwarto niya.

"Hello? Kim Namjoon speaking." Rinig kong sagot ni Namjoon sa tawag.

"Hi." Tipid kong sabi.

"Eow phoecxz." Bati ni Yoongi.

"Wow Yoongi, 2069 na pero jeje ka pa rin. Nung mga 2010's pa kaya yan." Sabi ni Jin at naramdaman ko naman na umiling siya.

"Pake mo ba ah? May freedom naman tayo ah. Baka di mo alam yun." Sagot sa kanya ni Yoongi.

"Excuse me, pero baka ikaw pa yung may hindi alam kung ano yun. Gus--" Naputol naman yung sasabihin ni Jin nang magsalita si Namjoon.

"Oy manahimik nga kayo. May mali." Sabi niya.

"Oh?" Sabay na sabi nila ni Yoongi at Seokjin.

"Si Hoseok, tahimik masyado."

"Luh, tahimik naman ako palagi ah!" Paglalaban ko at tumawa silang lahat. "Ba't kayo tumatawa? Tahimik nga kasi ako!"

"Kailan pa?" Tanong ni Jin.

"Dati pa!" Sagot ko sa kanya.

"Sabi ko sa inyo may mali sa kanya eh." Sabi naman ni Namjoon.

"Tahimik mo ngayon, dati kapag tumatawag tayong apat ikaw yung may maraming kwento. Tapos ikaw yung sisigaw kapag kakasagot palang sa tawag. What's up? What's down, huh?" Mahabang saad ni Yoongi at napatawa naman ako nang mahina.

"Loko." Tangi kong nasabi.

"Wow, daming sinabi ni Hoseok. Ubos na laway ni Yoongi, yun lang nasabi niya. Very good." Sarkastikong sabi ni Jin.

"Eh, kasi..." Sabi ko.

"Kasi?" Tanong nila.

"Napapaisip ako." Sagot ko naman.

"Na?" Sabay-sabay ulit nilang tanong.

"Tungkol sa akin." Sagot ko.

"Tangina Hoseok, diretsuhin mo kaya kami hindi yung isa-isa mong sinasabi." Reklamo ni Namjoon.

"Oo nga." Pagsang-ayon nung dalawa.

"Masama ba ako ah? Seryoso ako ngayon kaya ayos-ayusin niyo yung sagot niyo o sisipain ko kayo isa-isa." Tanonh at pagbabanta ko sa kanila.

"Kabayo nga naman, naninipa." Sabi ni Yoongi.

"Hybrid yata itong si Hoseok. Hybrid ng kabayo. HAHAHAHAHA." Sabi naman ni Jin bago tumawa nang malakas kaya natawa rin yung iba.

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon