m19: boyfriend 🐈

1.1K 90 118
                                        

Pati ako nagulat sa nalaman ko. Hindi ko rin naman inaasahan na ganun ang kwento niya. Pero alam kong kailangan niya ng tulong ko. Kailangan palagi na akong nasa tabi niya.

Lalo na't umaaligid na si Saeyoung. Agad na kaming umalis nang makita ko siya. Kaligtasan pa rin ni Yami ang mahalaga para sa akin. Ako na ang masaktan, huwag lang siya.

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung araw na yun at mas nag-aalala ako kay Yami.

"Hyung!" Napalingon naman ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Taehyung na hingal na hingal.

"Oh, anyare sayo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya at natawa.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya. Umoo naman ako dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan namin. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung nalaman niyang ako talaga ang nag-ubos ng pagkain niya? Tangina, baka magfriendship over kami.

Pumunta kami sa malapit na café para doon mag-usap. Bumili kami ng sarili naming mga inumin bago umupo.

"Ano pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Tungkol kay Jungkook, hyung." Sabi niya at halos mabilaukan ako sa iniinom ko.

"Oh? Ano meron sa kanya? May nangyari bang masama?" Tanong ko ulit sa kanya kaya umiling siya.

"Hindi, hyung. Kasi simula yung aksidente kaming naghalikan..." Sabi niya at namula nang mabanggit yung pangyayaring iyon. "...nailang kami sa isa't isa. Pero hyung, okay na kami ngayon. Balik sa dati. Pero sa tingin ko mas naging touchy kami sa isa't isa hehe."

"So anong gusto mong gawin ko, Taehyung?" Tanong ko sabay inom doon sa binili ko. Natawa naman siya nang peke.

"Di ko rin alam kung bakit sinasabi ko sa iyo ito, hyung. Pero sa tingin ko, g-gay ako?" Napataas naman ako ng kilay.

"Tapos?"

"I mean, kapag nakikita ko kasi ngayon si Kookie ang bilis ng tibok ng puso ko. Tapos hindi ako matingin nang maayos sa kanya. Tapos mas gusto ko na siyang alagaan at yakapin. Ayoko siyang nawawala sa tabi ko. Tapos natutuwa ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti." Pagpapaliwanag niya.

"Gay for Jungkook, kumbaga?" Tanong ko at tumangi siya kaya natawa naman ako.

"Bakit ka natatawa, hyung? Mali ba yun? Masama ba yung nararamdaman ko?" Nag-aalalang tanong niya at umiling agad ako.

"Ano ka ba, Taehyung? HAHAHA! Ngayon lang kasi may humihingi ng tulong sa akin tungkol diyan. Saka ano masama sa pagiging bakla? Nagmahal ka lang naman ah." Sabi ko bago uminom.

"So t-tanggap mo ako, hyung?" Nag-aalalang tanong niya.

"Oo naman. Ano ba kinakatakot mo ah?" Tanong ko naman sa kanya.

"Si Jungkook. Paano kung hindi niya ako tanggapin?" Natawa nanaman ako sa sinabi niya.

"Halata naman baklang-bakla rin sayo si Jungkook." Sabi ko sa kanya at tumangi naman siya.

"Eh hyung, natatakot rin ako sa ibang tao. Paano kung hindi nila kami tanggapin?" Nag-aalala niyang tanong ulit.

"Taehyung. Huwag na huwag kang makikinig sa sasabihin ng iba. Besides, 2069 na. Wala na tayo sa mga 2010's na malaking issue ang pagiging bakla." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman ako bigla kasi feeling ko ang expert ko na sa ganito.

"Talaga, hyung?" Tanong nanaman niya at tumango ako. "So pwede mo ba akong matulungan?"

Pinag-usapan namin ni Taehyung kung ano ang dapat niyang gawin. Tumango-tango naman siya hanggang sa alam na niya at nakabuo na ng plano.

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon