m27: over 🐈

670 48 44
                                        

"One, two, three!" Sabay na bilang nina Jungkook at Yami bago sila tumalon parehas at dinikit ang kamay nilang may pintura sa dingding na nilagyan ni Taehyung ng papel. "Mas mataas sa akin, panalo ako!" Sabi ni Yami at nilabas ang dila.

"Anong panalo? Mas mataas kaya yung akin. Tingnan mo middle finger ko oh, nalagpasan sayo." Sabi ni Jungkook habang tinuturo ang marka ng kamay niya. "Malaki lang kamay mo at matangkad ka lang! Mas mataas yung akin!" Sabi naman pabalik ni Yami sa kaniya.

Sabay naman silang tumingin sa amin ni Taehyung na nanonood lang sa may upuan dahil baka paiyakin nanaman ni Jungkook si Yami katulad ng ginawa kanina. "Sino mas mataas?" Tanong nila sa amin kaya nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti.

"Jungkook/Yami." Sabay na sabi naming dalawa kaya npatingin nanaman kami sa isa't isa. "Si Yami kasi!" Sabi ko kay Taehyung. "Jungkook!" Paglalaban naman niya. Pantay kasi ang gawa nilang dalawa.

"Kayo nalang kaya maglaro. Tingnan natin kung sino mananalo sa inyong dalawa hehe." Sabi ni Yami bago kinuha ni Jungkook ang paint. Wala naman kaming nagawa ni Taehyung kung hindi sumunod sa gusto ng dalawa.

"One, two, three!" Bilang ng dalawang hybrids bago kami tumalon. Tatalon na sana ako nang biglang bumagsak si Taehyung sa akin kaya parehas kaming napahiga sa sahig, si Taehyung nakapatong sa akin.

"Oy! Anong ginawa mo! Ang bigat mo!" Reklamo ko kay Taehyung na hinahawakan ang ulo niya. "Biglang na-ano yung paa ko nung tatalon na sana ako. Ang sakit." Sabi niya nang biglang lumapit sa amin ang dalawa.

Agad na tinulungan ni Jungkook si Taehyung na tumayo habang nakatingin nang masama siya sa akin nang masama. Si Yami naman ay tinulungan ako na makaupo sa sahig habang nakatingin din nang masama kay Taehyung.

"Ano ginagawa mo kay Taehyungie hyung ko? Akin lang si hyung!" Tanong ni Jungkook at kinausap niya si Taehyung. "Yang hyung mo ang may gawa nun sa Hoseok ko!" Sigaw naman pabalik ni Yami. "Ayos ka lang?" Tanong ni Yami sa akin.

"Oo, ayos lang ako. Salamat. Kayo ni Jungkook, ayos lang ba kayo? Mukhang kanina pa kayo nag-aaway." Tanong ko naman kay Yami pabalik. "Kanina pa niya ako inaasar eh." Sagot niya at natawa naman ako.

"Mag-ayos nga kayong dalawa." Sabi ko habang ginugulo ang buhok niya. "Para kayong mga-- ACHOO!" Naputol ang sasabihin ko nang napabahing ako bigla. "Hoseok?" Tawag sa akin ni Yami.

"Achoo!" Pagbahing ko ulit hanggang sa maramdaman kong nagsisimula nanaman mangati ang katawan ko kaya kinamot ko ito kaagad. Bakit ngayon pa? Kung kailan kasama ko si Yami. "Excuse me mu-- ACHOO! Muna. Bumabalik nanaman-- ACHOO! Allergies ko." Sabi ko bago tumayo at nagmamadaling lumabas ng bahay ni Taehyung.

"Hoseok hyung!" Rinig kong sigaw ni Taehyung pero di ko nalang pinansin dahil mas pakati nang pakati ang katawan at ilong ko. Paglabas ko ng bahay ni Taehyung, madilim na at mukhang kanina pa nga akong nasa bahay niya.

Nagmamadali kong kinuha ang gamot ko sa bulsa at agad na kumuha ng isa at nilunok. "Achoo!" Pagbahing ko muli habang kinakamot ko ang braso ko. Naghintay ako ng mga ilang minuto pa bago tuluyang nawala ang pangangati at ang pagbabahing ko.

Napaupo nalang ako sa sahig at hinabol ang hininga ko habang tinitingnan ang lalagyanan ng aking gamot. "Bakit ang bilis mong mawala?" Tanong ko at natawa nalang dahil kinakausap ko ang gamot ko.

Binuksan ko ulit ito at kumuha ng isa. Tiningnan ko ito nang mabuti bago ko sinara ang palad kong may hawak nito. "Kung kukuha pa ba ako ng isa, matagal ba itong eepekto?" Tanong ko sa sarili bago tingnan ulit ang gamot na kinuha ko.

"Bahala na." Lumunok ulit ako ng isa pang gamot bago tumayo at pumasok muli sa loob ng bahay ni Taehyung.

"Sorry, inatake ulit." Sabi ko sa kanila nang makapasok na ako ulit. "Akala ko naman hyung nagalit ka sa akin kaya bigla kang umalis." Malungkot na sabi ni Taehyung sa akin kaya natawa nalang ako. "Okay ka na?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Sorry, Hoseok hyung." Sabi bigla ni Jungkook sa akin kaya napakunot ako ng noo. "Bakit?" Tanong ko. "Kasi sinamaan kita ng tingin kanina." Pagpapaliwanag niya.

"Sorry rin, Yami kasi kanina pa kita inaasar." Paghihingi naman niya ng tawad kay Yami bago sila nagkabati na talaga at niyakap ang isa't isa. "Very good." Sabi ni Taehyung kay Jungkook bago siya ngumiti nang sobrang lawak at niyakap siya.

"Mauuna na akong uuwi." Sabi ni Yami kaya agad ko siyang pinigilan. "Huwag muna! Sumama ka sa akin, dinner ka sa bahay namin." Sabi ko kaagad.

"Sumama ka na, Yami. Tikman mo gawa ng nanay ni Hoseok." Sabi ni Taehyung at ngumiti. "Ano ba gawa ng nanay ni Hoseok?" Tanong niya kay Taetae.

"Si Hoseok mismo." Sagot ni Taehyung at tumawa. "Oy Taehyung!" Sigaw ko kaya mas natawa siya.

"Ha? Di ko gets? Bakit ko titikman si Hoseok eh di naman siya pagkain?" Inosenteng tanong ni Yami. "Ako rin, di ko gets." Sabi ni Jungkook. Napakainosente nilang dalawa pagdating sa mga ganung bagay, jusko.

"Tara na nga, Yami." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Nagpaalam kaming dalawa kila Taehyung at Jungkook bago kami dumiretso sa bahay ko na katapat lang ng kanila.

"Ma, kasama ko si Yami. Dito siya kakain ngayong gabi." Sigaw ko pagkapasok ko. "Ha? Si Yami nandito? Yamiiii!" Sigaw ni noona nang makita si Yami at agad niya itong niyakap.

"Sakto lang. Halika na kayong dalawa. Sa akin tatabi si Yami." Sabi ni noona kaya natawa nalang si Yami. Pumunta kami sa dining area at saka umupo na. Katabi ko si mama habang katabi nga ni Yami ang noona ko. Nagsimula na rin naman kaming kumain.

"Oh ano, Yami? Masarap ba luto ko?" Tanong ni mama kay Yami. "Ah opo tita! Sobrang sarap po. Nabusog po ako, salamat po." Sabi niya habang nakangiti.

"Mabuti naman kung ganun. Dito ka nalang rin matulog, tutal madilim na. Bukas ka na ng umaga umuwi." Sabi ni mama na parehas naming ikinabigla.

"Ay kahit huwag na po tita. Kaya ko naman pong umuwi. Saka si Hoseok po baka--" Agad ko namang pinutol ang sasabihin ni Yami. "Ayos lang, Yami. Delikado kung lalabas ka oa ng ganitong oras." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Sigurado ka? Di ka ba aatakihin ulit ng allergy mo?" Tanong niya at ngumiti ako habang tumatango. "Sigurado ako." Sagot ko.

Doon siya sa kwarto ng kapatid ko matutulog. Bago ako humiga, agad akong kumuha ng dalawang tableta ng aking gamot at nilunok nang magkasunod. Goodnight, Yami.

***

Napublish ko na pala ang TaeKook fic ko hehe. Just check my profile. ;)

Last 3 chapters

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon