Sobrang bilis ng pagkilos ng araw. Parang nung isang araw, birthday lang ni Jin tapos ngayon Pasko na. Si Taehyung naman yung susunod na magcecelebrate.
Kakaunti lang rin naman ang ganap noong mga nakaraang araw. Purong school works lang rin ako kaya naging busy.
"Three, two, one! Merry Christmas!" Sigaw naming lahat at nagsigawan. Napatingin naman kaming magtrotropa kay Jimin nang makitang tumatalon. Sumama na rin yung mga kaibigan namin sa lower grade sa celebration namin ng Pasko.
"Oy, ba't ka tumatalon?" Tanong ni Namjoon sa kaniya.
"Para tumangkad! Diba tatalon dapat?" Tanong niya kaya nakatanggap siya ng batok mula sa akin.
"Loko, sa new year yun hindi sa Pasko!" Sermon ko sa kaniya kaya natawa nalang siya na parang batang gustong umiwas sa gulo at wala ng ibang magawa kundi tumawa nalang.
"New Year lang ba? Akala ko pati rin sa Pasko hehe." Dagdag niya kaya tawang-tawa naman si Jin sa kaniya.
"Ganun talaga kapag desperado ng tumangkad. Buti pa ako, kontento na sa height ko." Sabi bigla ni Yoongi at inubos ang inumin niya.
"Weh kontento nga ba? Sa akin pa nga lang di ka na makontento eh kaya may iba ka pa." Sabi ko bigla at hinampas ako ni Namjoon.
"Loko ka Hoseok, may girlfriend ka na." Pagpapaalala ni Namjoon sa akin at tumawa.
May girlfriend nga pero boyfriend wala hehehe charot.
"JOKE LANG KASI!" Sigaw ko at tumawa. Nagpatuloy lang naman kami sa kainan at pagkatapos ay nagbigayan ng mga regalo namin.
"Late na ba kami?" Napalingon naman kami sa nagsalita at nakita si Jungkook at Yami. Agad namang pununta si Kookie kay Taehyung at si Yami sa tabi ko.
Nagpatuloy naman kami sa pagbibigayan ng regalo. Nakatanggap ako ng damo galing kay Jin, picture ni Taehyung, sulat ni Namjoon, 25 cents kay Yoongi, mug naman kay Jimin at carrot kay Jungkook. Grabe yung katinuan ng mga regalo nila.
"Uhm, Hoseok. Merry Christmas nga pala. Ito regalo ko." Sabi ni Yami sa akin at may nilabas na panyo na may kasamang sulat. "Di ko na nabalutan eh, sorry. Saka wala akong maisip na pwedeng ibigay sayo." Dagdag niya at niyakap ko kaagad siya.
"Ayos lang yun, ano ba. Salamat dito." Sabi ko at agad na binasa ang sulat at tinago ang panyo.
"Saka may isa pa akong regalo." Dagdag niya ulit.
"Isa pa? Ano yun?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Bigla niyang pinasok ang kamay niya sa loob ng bulsa niya at may nilabas na ribbon.
Tiningnan ko naman siya at pinanood kung paano niya tinali ang ribbon sa ulo niya at ngumiti.
"Merry Christmas, Hoseok! Ako ang isa mong gift hehe." Nahihiya niyang sabi kaya agad ko ulit siyang niyakap at hinalikan sa kaniyang noo.
"YUCK PDA! GET A ROOM!" Sigaw ni Jin at tumawa ang lahat. Ngina, di ko alam kung tumatawa ba sila dahil sa sinabi niya o dahil nag-english siya.
"YUCK SINGLE, GET A SYOTA!" Sigaw ko naman pabalik kaya mas lalo silang nagtawanan.
Bigla ko namang kinuha ang isang bracelet na may design ng pusa at binigay kay Yami.
"Gago guys, pati yung bracelet may pussy." Sabi ni Yoongi kaya napatingin ako sa kanya nang masama kasi ang epal niya. Binatukan naman siya ni Namjoon para manahimik.
"Awee. Salamat Hoseok! Susuotin ko ito palagi kasi galing ito sayo." Masaya niyang sabi at agad na sinuot yun.
"Guys, may gustong sabihin si Jungkook." Sabi bigla ni Taehyung kaya napatingin kami sa kanila.
"Kasi maaga pa naman, naisipan ko na lumabas tayo tapos pumunta sa Namsan Tower. Di pa kasi ako nakapunta doon." Nahihiya niyang sabi kaya agad siyang nagtakip ng mukha sa balikat ni Taehyung.
"Tara! / Game! / Shet! Gusto ko!" Sabay-sabay naming sabi kaya agad na nanitsit si Namjoon. "Tara alis na tayo ngayon."
Agad kaming sumakay sa sasakyan ni Jin na pagmamay-ari ng pamilya nila. Tuwang-tuwa naman si Jungkook kasi pumayag ang lahat.
Medyo malayo-layo ang Namsan Seoul Tower kaya medyo nakatulog kaming lahat sa sasakyan maliban sa driver.
"Oy kain muna tayo." Sigaw ni Jin kaya halos lahat kami ay nagising.
"Kakakain lang natin kanina ah?" Tanong ni Namjoon.
"Oh sige, kakain kaming lahat, ikaw lang hindi." Nilabas ni Jin yung binili niyang mga pagkain sa isang fastfood at binigyan kaming lahat maliban kay Namjoon.
"Uy, sorry na." Paghihingi ni Namjoon ng tawad kay Jin.
"Huwag kang mamasko sa akin, di kita bibigyan ng tawad pwe." Pagtataray ni Jin habang lahat kami dito ay nanonood na lang sa kadramahan nilang dalawa.
"Sorry na, baby." Sabi ni Namjoon at ngiti sa kaniya.
"Ay hihi, sige na nga baby. Pinapatawad na kita." Sagot naman ni Seokjin kaya lahat kami ay nabilaukan sa pinagkakain namin.
"LANDI MO JIN! BWISET! AHAHHAHA!" Sigaw ko ulit kaya nagtawanan nanaman sila.
Kumain muna kaming lahat sa loob ng sasakyan, tutal malapit na rin kami sa pupuntahan namin. Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin kami at dumiretso na sa tower.
"Yami, dito ka lang sa tabi ko ah. Huwag kang aalis, marami pa namang tao ngayon." Sabi ko sa kaniya at tumango naman.
"Guys! Nandito ba si Jungkook?" Biglaang tanong ni Taehyung na hingal na hingal.
"Ha? Wala! Diba kasama mo siya? Saan ba kayo galing?" Nag-aalalang tanong ni Jimin.
"Nag-cr kasi kami, eh isa lang yung cubicle kaya pinaantay ko siya sa labas. Paglabas ko ng CR, wala na siya. Naghintay ako doon ng ilang minuto pero wala pa rin. Imposible naman siyang mawala ng ganun-ganun lang!" Nagpapanic niyang paliwanag.
"Diba may tracker ka ni Jungkook? Natingnan mo na ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Yun nga rin problema ko, Hoseok. Di ko rin makita kung asan siya! Mawawala lang naman yun kapag in-off or nasira yun eh. Hindi nga niya hinahayaan magasgasan yun eh. Kinakabahan ako. Nawawala si Jungkook." Sabi ni Taehyung. Sakto rin naman na biglang may breaki g news na ipinalabas sa isang malaking TV malapit sa Namsan Seoul Tower.
"Kakapasok lang ng balita. Sunod-sunod ang pagrereport tungkol sa mga nawawalang hybrids. Walang ebidensya na naiwan kung sino at paano sila nakuha. Habang nagkakaroon ng imbestigasyon ay maaari sanang bantayan niyo nang maigi ang mga malapit sa inyo na hybrids."
Napahinto ako ng ilang segundo dahil sa balita bago ako gumalaw at kumibo.
"Yami." Bulong ko at tiningnan siya pero mas nagulat ako nang hindi ko siya makita.
"Yami?" Tanong ko at tininganan ang buong paligod pero hindi ko siya nakita. "ASAN SI YAMI?!" Sigaw ko at nagsimula na rin silang maghanap pero ni isa sa kanila ay walang nakita.
Nawawala sila Jungkook at Yami. Nawawala ang mga hybrids.
***
MERRY CHRISTMAS! Sorry sa late na pamasko huhu. Nasira wattpad ko :(
Last 10 chapters
BINABASA MO ANG
Meow [Hoseok ff]
Fanfiction"AYAW KO NGA SA MGA PUSA. ALLERGIC AKO! I HATE PUSSIES!"-Hoseok -- Bangtangina series # 5 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. april 20, 2017 - may 13, 2018.
![Meow [Hoseok ff]](https://img.wattpad.com/cover/53298934-64-k380924.jpg)