m28: collapse 🐈

720 49 22
                                        

Nagising nalang ako sa alarm ko na sinet ko na 30 minutes mas maaga bago mawala ang effect ng gamot ko sa akin. Kahit inaantok pa, pinilit kong minulat ang aking mata at pinatay ang alarm bago ako tumayo at bumangon sa kama.

4 a.m. palang ng madaling araw kaya tahimik at tulog pa lahat sila sa bahay. Binuksan ko ang ilaw at naglakad nang dahan-dahan papunta sa CR. Binuksan ko naman ang maliit na cabinet ko doon at kinuha ang gamot ko.

Nangako ako kay Yami, palagi ko na siyang sasamahan. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong mawalay rin ako sa kaniya. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, di na talaga ako papayag na mahiwalay pa ako sa kaniya.

Naglagay ako ng isang gamot sa akin kamay. Hindi, kailangan ko pa ng mas marami para makasama ko pa nang mas matagal si Yami. Naglagay ako ng dalawa sa kamay ko pero di ko napigilan ang pagbuhos ng gamot.

 Naglagay ako ng dalawa sa kamay ko pero di ko napigilan ang pagbuhos ng gamot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di ko na alam kung ilan ang nabuhos ko. Siguro dala ito ng paggising ko nang sobrang aga. Kung ilan man ang nabuhos ko sa kamay ko, agad ko iyong nilagay sa aking bibig at nilunok nang sabay-sabay bago ako uminom ng sobrang daming tubig. Napaubo ako nang kaunti dahil sa dami ng akin nalunok pero hindi ko nalang ito masyado pinansin. Agad rin naman akong bumalik sa aking kama at natulog.

"Hoseok, gising na." Unti-unti akong nagising sa narinig kong boses na may kasabay na pag-alog sa aking braso nang mahina. Tiningnan ko ang taong gumigising sa akin at nakita ko si Yami. "Good morning, Hoseok." Nakangiti niyang sabi. Kung ganito lang pala gigising sa akin araw-araw, hindi na ako magrereklamong magising nang maaga.

"Good morning, Yami." Bati ko pabalik sa kaniya nang nakangiti nang malawak. "Kain ka na. Nakahanda na ang almusal. Tumulong ako kay tita sa pagluto." Sabi niya at dahan-dahan naman akong tumayo.

"Anong oras kang nagising?" Tanong ko. "Mga 6 hehe." Sagot niya at tumango nalang ako. Magkasabay kaming pumunta ni Yami sa dining area. Kahit malayo palang ay naamoy ko na ang pagkain kaya mas lalo akong nagutom. Sabay-sabay kaming apat na kumain at pagkatapos ay naligo na ako.

Agad rin naman kaming umalis ni Yami sa bahay at sumakay ng taxi papunta sa bahay niya. "Hoseok, okay ka lang?" Tanong ni Yami nang mapansing hinihilot ko aking ulo. "Ah oo. Baka dahil sa amoy lang ng sasakyan." Sabi ko kaya pinahina ni Yami ang aircon sa driver.

Di ko alam pero sumasakit ang ulo ko. Pero di ko rin gusto ang amoy ng taxi. Masakit sa ilong at nakakahilo talaga.

Di rin naman nagtagal at nakarating na kami sa bahay ni Yami. Pagkapasok namin sa bahay niya ay naramdaman kong tila bumabaliktad ang tiyan ko. Agad kong hinanap ang lababo at sumuka. Tinulungan naman ako ni Yami. "Hoseok! Ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Yami nang abutin niya sa akin ang isang malagamgam na tubig.

"Oo. Carsick lang siguro ito. Ang bilis din nagdrive ng driver kanina eh." Sagot ko. Napansin ko naman ang nag-aalalang itsura ni Yami. "Huwag ka mag-alala, mawawala rin ito maya-maya." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

"Maliligo lang ako, Hoseok. Okay lang ba na hintayin mo ako saglit? Babalik din ako kaagad." Sabi niya at tumango ako. Ayaw kong ipag-alala si Yami. Naranasan ko na yun at ayaw kong maranasan din niya iyon. Tumayo si Yami at naligo na habang ako ay may kaunting paghihilong nararamdaman.

Ilang minuto rin ang lumipas at kasabay nito ang paglipas ng paghihilo na nararamdaman ko kanina. Oo, carsick lang yun. Di naman siguro yun dahil sa pinagkakagawa ko diba? Alam ko ang maaaring mangyari sa akin pero desperado na akong makasama si Yami. Kung may mangyari man sa akin, akin na yun. Di yun magiging kasalanan ni Yami iyon dahil choice ko itong ginagawa ko.

"Okay ka na?" Tanong ni Yami nang matapos siyang maligo at magbihis. "Oo naman. Ako pa. Sabi ko sayo mawawala rin yun eh." Natawa naman si Yami sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko. Nakitawa naman ako sa kaniya. "Alis na tayo?" Tanong ko at tumango siya.

"Saan mo gusto pumunta susunod?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng isang toy store. Binilhan ko siya ng isang stuffed toy na pusa dahil kakulay ng tenga niya ang isa doon at binilhan niya ako ng pusa rin pero iba ang design.

"Bakit pusa rin? Allergic ako dito ah." Sabi ko sa kaniya at ngumiti. "Alam ko hehe. Para maalala mo ako kasi pusa saka para mawala ang pagkaasar mo sa mga pusa talaga. You hate pussies daw eh." Natawa naman ako habang naglalakad. "Saan mo napulot yang sinabi mo?" Tanong ko. "Kay Taehyung."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Patuloy lang kaming naglalakad habang magkahawak ang aming mga kamay at nakangiti nang sobrang lawak. Ang saya namin, sobrang saya. Sana ganito kami palagi. Mas dumikit naman sa akin si Yami at niyakap ang aking braso habang nakasandal siya sa aking balikat.

Napahinto nalang ako sa paglalakad nang bigla siyang huminto at may tinuro. Tumingin ako kung ano man ang tinuturo niya at nakakita ako ng tulay. "Punta tayo doon sa may tulay, Hoseok. Gusto ko makita yung ilog." Sabi niya kaya naglakad kami papunta doon sa bridge.

"Gusto mo ba magbeach tayo soon? Mas maganda yung dagat kaysa sa ilog dito." Tanong ko at mabilis siyang tumango habang naglalakad kami sa may gilid ng tulay. "Gusto ko rin makahawak ng white sand! Sa Busan daw, maraming beach. Sa Jeju rin! Kaso malayo Jeju eh." Sabi niya habang nakatingin ako sa kaniya.

"Try natin hiking para maiba." Sabi ko at tumawa kami. Hinawakan ko naman ang kamay niya bago ako nagsimulang tumkbo at sumunod naman siya. Tumakbo kami nang nakangiti nang malawak at huminto sa may gitna nang tulay para mas makita niya ang ilog nang mabuti.

"Wow." Sabi niya habang malakas na umiihip ng hangin. Dahil dito nilipad ang kaniyang bonet na suot-suot ang lumabas ang tenga niya. Natawa nalang kami parehas at tumingin lang sa ilog. "Picture tayo." Sabi ko at tumango naman siya bago kami nagpicture nang magkasama. Pinicturan ko rin siya nang palihim at kaagad na ginawang wallpaper iyon.

Ilang minuto rin kaming nakatayo lang doon at nakatingin sa may ilog nang tahimik, pinagmamasdan kung gaano kaganda ang araw namin ngayon. "Balik na tayo? Nagugutom na ako eh." Sabi ko. Tumingin siya sa akin at tumango nang kaunti habang nakangiti. Napangiti naman ako pabalik bago ko hawakan ang kamay niya at naunang maglakad habang nakasunod siya sa likuran ko.

Habang naglalakad nang nakangiti, bigla kong naramdaman na may kumirot nang kaunti sa aking dibdib. Hindi ko nalang ito pinansin pero biglang bumabagal at gumegewang ang paglakad ko. "Hoseok?" Tawag niya sa akin.

Gusto kong lumingon pero hindi ko magawa. Biglang nagsimulang sumakit ulit ang ulo ko at nanlalabo na ang mata ko. Inaatake na rin ako bigla ng pagkaantok. "Hoseok? Bakit?" Tanong ni Yami na bumitaw sa pagkahawak ng kamay namin at pumunta sa harapan ko, hawak-hawak na ngayon ang pisngi ko.

"Yami." Mahina kong pagtawag sa kaniya. "Hindi maganda ang pakiramdam ko." Sabi ko at bigla ko nalang naramdaman ang sarili ko na bumagsak sa sahig ng tulay.

" Sabi ko at bigla ko nalang naramdaman ang sarili ko na bumagsak sa sahig ng tulay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katulad ng sinabi ko kanina, walang kasalanan si Yami. Choice ko ito.

***

Last 2 chapters

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon