[Yami's POV]
"Jungkook, ayoko nga." Sabi ko sa kanya habang umiiling ako.
"Yami naman eh." Sabi naman niya. Tinitigan ko naman siya. Kanina pa niya ako pinipilit na puntahan si Hoseok doon sa school niya para magsorry uliit.
"Jungkook, alam mo naman yung nangyayari sa tuwing pumupunta ako diba? Malaki galit sa akin ni Hoseok." Pagpapapalalala ko ulit sa kanya. Panglima na yata ngayon.
"Dapat pumunta ka!" Pagpupumilit ulit sa akin ni Jungkook.
"Hindi!" Sabi ko.
"Hindi!" Sabi naman niya.
"Hindi!" Sabi ko ulit.
"Hin--" Naputol naman ang sasabihin niya nang may lumabas doon sa tinitirhan ko.
"Pumunta ka nalang kasi. Hindi naman lalapit yang si Jungkook dito kung may mangyayaring masama diba?" Sabi ni ate.
Hindi ko talaga siya literal na ate, ampon lang rin naman ako dito. Saka nag-iba na rin trato nila sa akin dito. Hindi na katulad nung dati na mamahalin talaga nila ako. Ngayon kasi ginawa nila ako--
"TARA NA, YAMI!" Masayang sabi ni Jungkook na hinihila ako. Natawa nalang ako sa kanya kaya sumunod ako sa kanya.
[Hoseok's POV]
"Hindi na yata yun pupunta." Sabi ko kay Taehyung.
"Pupunta yan." Sagot niya pabalik sa akin.
"Hindi."
"Oo."
"Hindi."
"Oo."
"Eh kung oo edi sana nandito na sila! Tingnan mo oh, halos isang oras na tayong nag-aantay sa wala!" Reklamo ko.
"Mag-antay ka pa."
"Eh Taehyung naman, natatae na ako." Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.
"Ah kaya pala mabaho." Sabi niya kaya binatukan ko siya nang mahina.
"Gago, wala pa ngang tae eh. Di ko pa nilalabas. Ano, nilapit mo ba mukha mo sa pwet ko kaya mo naamoy?" Sabi ko sa kanya at tumawa.
"Oo eh, paano mo nalaman?" Sagot niya sa tanong ko. "Joke lang hehe, asa ka. Ang baboy mo, hyung." Dagdag niya.
"Joke lang rin kasi yun." Sabi ko at natawa naman kami parehas. "Di na yun darating." Pahabol ko bago ako tumalikod at naglakad palayo.
"OY HYUNG, AYAN NA SILA OH!" Sigaw ni Taehyung kaya tumakbo ako pabalik at tumingin sa labas.
"Asan?!" Paghahanap ko sa kanila pero wala akong makita.
"Joke lang, wala pa talaga hehe. Dito ka lang kasi." Sabi niya kaya tinitigan ko muna siya bago ako naglakad ulit palayo.
"OY HYUNG, NANDITO NA TALAGA SILA!" Sigaw niya pero di ako lumingon at naglakad pa rin palayo.
"OY HYUNG!" Tawag niya ulit sa akin. "SERYOSO NA KASI AKO!" Sigaw niya ulit.
Katulad kanina, di na ako lumingon at patuloy lang sa paglalakad. Pwe, paasa yang si Taehyung eh. Di na ulit ako magpapauto kahit ano sabihin niya.
Tag no yung kaibigan mong-- joke lang hehe.
"KOOKIE, YAMI! AYAW NIYA MANIWALA NA NANDIYAN KAYO!" Rinig kong sigaw ni Taehyung. Best actor talaga, tinawag pa kunwari yung dalawa kahit wala naman talaga para lang maniwala ako.
BINABASA MO ANG
Meow [Hoseok ff]
Fanfiction"AYAW KO NGA SA MGA PUSA. ALLERGIC AKO! I HATE PUSSIES!"-Hoseok -- Bangtangina series # 5 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. april 20, 2017 - may 13, 2018.
![Meow [Hoseok ff]](https://img.wattpad.com/cover/53298934-64-k380924.jpg)