m26: empty 🐈

675 51 30
                                    

Hello! Happy 1st anniversary sa Meow! Nung April 20, 2018 pa talaga pero ayun nga HAHAHA

Mahigit isang taon ko na itong sinusulat kaya tatapusin ko na talaga ito hahaha sobrang lapit na hehe.

Abangan niyo yung ending :---)

***

["Hoseok, pupunta ako kila Kookie mamaya. Bisitahin nalang kita pagkatapos ko pumunta sa kanila. Gusto raw kasi ni Kookie makipaglaro."] Pagpapaalam ni Yami sa akin sa kabilang linya. Dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang makaalis sila ni Jungkook sa ospital.

"Pupunta ka? Oh sige lang. Mag-ingat ka papunta dito sa amin." Sabi ko kay Yami habang hinahanap ko kung saan nakalagay ang gamot ko. Pumasok ako sa loob ng CR ko at binuksan ang maliit na cabinet doon. Nakita ko ang lalagyanan ng gamot ko at nang tingnan ko iyon ay wala na itong laman.

["Sige Hoseok! Kita nalang tayo mamaya!"] Masayang sabi ni Yami sa kabilang linya. "Ay teka lang Yami! Huwag ka nalang pala muna bunista sa bahay namin mamaya hehe." Sabi ko na ikinatahimik bigla ni Yami. Kahit naman gusto ko siya makita, bawal kasi may allergy ako at naubos na ang gamot ko.

["Bakit?"] Tanong niya. Halata sa tono ng boses niya na nalungkot siya dahil sa sinabi ko. "Naubos gamot ko eh hehe. Saka aalis din ako maya-maya para bumili saka magpapacheck-up nalang din ako." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. ["Awe, sige. Next time nalang! Bye!"] Sabi niya bago ko binaba ang tawag namin.

Nagsuot ako ng panlabas na damit bago ako nagpaalam sa nanay at noona ko na aalis ako para bumili ng gamot. Habang naglalakad, dinaanan ko muna ang bahay ni Taehyung. Nagdoorbell ako at maya't maya ay bumungad sa akin si Taehyung.

"Hyung!" Masayang sabi ni Taehyung pagkabukas niya ng pinto. "Hello hyuuuunggg!" Sigaw bigla ni Jungkook na sumulpot sa likod ni Taehyung habang nakayakap siya sa bewang nito. Simula nung nangyari yung kay Saeran, di na iniwan ni Taehyung si Jungkook mag-isa.

"Hyung! Pupunta si Yami dito mamaya! Sama ka sa amin!" Masayang sabi ni Jungkook habang tumatalon-talon. Ang cute pota. Sarap itago sa bulsa. "Hindi ako makakasama eh." Malungkot kong sabi at tumawa naman si Taehyung.

"Kaya ka pala bumista, hyung. Oo, alam ko na sasabihin mo. Babantayan ko si Yami, huwag ka mag-alala. Kung may mangyayari man, tatawagan kaagad kita." Sabi ni Taehyung at nag-apir naman kaming dalawa. Kilalang-kilala niya talaga ako. "Sige, salamat Taehyung." Sabi ko bago ako nagpaalam sa kanilang dalawa at dumiretso na sa pupuntahan ko.

Sa totoo lang, niyaya ng nanay ko si Yami na makitira sa amin para may mag-alaga at magbantay sa kaniya. Noong una akala ko papayag siya pero umayaw siya para sa akin dahil alam niyang may time limit ang gamot ko. Saka gusto raw niya maranasan mamuhay mag-isa sa isang bahay. Masaya na raw siya na wala na raw manghaharass sa kaniya dahil nakulong na yung tatay-tatayan niya.

"Kanino po sila?" Tanong ng nurse sa akin. "Kay Dr. Park Chanyeol po." Sagot ko at sinamahan naman niya ako papunta sa kaniya. "Maghintay nalang po kayo diyan, may pasyente pa si doc. Pakifill-up nalang po nito, tatawagin ko nalang po kayo kapag kayo na po next." Sabi ng nurse sa akin at nagpasalamat naman ako. May inabot naman siya sa akin na form at binalik ko naman iyob kaagad sa kaniya nang matapos ako.

Mga mahigit kalahating oras akong nag-antay nang tinawag na ako nung nurse. "Jung Hoseok?" Sabi niya at pumasok naman ako sa loob. "Hi doc hehe." Bati ko kay Dr. Park nang makapasok ako. "Ikaw nanaman? Joke lang haha. Chanyeol na nga lang itawag mo sa akin, diba?" Sabi niya bago kami tumawa.

"Oy Baekhyun, yung pinto saraduhin mo!" Sigaw bigla ni Chanyeol kaya sumilip yung nurse. "Kiss ko muna." Sabi nung Baekhyun at tumawa. "Oh sige mamaya." Sabi ni Chanyeol at tumawa ulit. Agad naman sinarado nung nurse ang pinto.

"Pagpasensyahan mo na yun. Ganun talaga yun, bading para sa akin." Sabi ni Chanyeol. "Anyways, ano nanaman meron sayo ah? Lumala ba allergies mo?" Tanong niya sa akin.

"Ah hindi naman. Naubusan lang ng gamot. Saka papacheck-up lang sana ako kung may nagbago ba sa akin or may naging side effects yung gamot sa akin." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Ginawa naman niya ang trabaho niya bilang doktor, chineck-up ako, tiningnan ang paghinga ko, nagtanong-tanong kung may masakit ba sa akin. "Wala naman naging side effects yung Kokobop antihistamines sayo which is a good sign." Sabi ni Chanyeol habang may sinusulat at nang matapos ay inabot niya iyon sa akin.

"Salamat, Chanyeol." Sabi ko at ngumiti naman siya sa akin bago ako tumayo at binuksan ang pinto. "Tapos ka na?" Tanong sa akin ni nurse Baekhyun at tumango naman ako. Pumasok siya sa loob ng room ni Chanyeol at sinarado ang pinto. "Lunch tayo, Yeollie!" Rinig kong sigaw niya. Natawa nalang ako bago ako lumabas ng ospital.

Pumunta naman ako sa pinakamalapit na drugstore at binigay ang reseta ng doktor. "Pwede po bang makahingi ng limang ganiyan?" Tanong ko doon sa babae sa may counter. "Lima? Sabi rin po ba yan ng doktor sa inyo?" Tanong sa akin.

Umiling naman ako habang kinakamot ang batok ko nang nakangiti. "Hindi hehe. Para marami lang ang supply." Sagot ko sa kaniya. "In 3 months po mae-expire na kaagad yung product. Sure po kayong lima?" Tanong muli sa akin nung babae at tumango ako.

"Opo, lima. Araw-araw ko rin po iniintake yung gamot eh." Sagot ko at tumango naman ang babae. Binigyan niya ako ng limang lalagyan ng Kokobop katulad ng hinihingi ko. Binayaran ko ang pinamili kong gamot bago ako lumabas at saktong tumawag si Taehyung sa akin.

["Hyung! Si Yami!"] Sigaw ni Taehyung kaya nilayo ko nang kaunti ang phone ko sa tenga ko. "Bakit? Ano nangyari sa kaniya?" Nag-aalala kong tanong. Ayaw ko nang may mangyari ulit na masama sa kaniya.

["Pinaiyak siya ni Jungkook kanina hehe."] Napakunot naman ako ng noo at kusang nawala ang takot ko na baka may nangyaring masama. "Ano ginawa ni Jungkook?" Tanong ko sa kaniya. ["Sabi ni Jungkook na nilalayuan mo raw si Yami at ayaw mo na siyang makita. Nagtampo yata sayo kanina kasi di ka sumama."]

Natawa naman ako sa sinabi ni Taehyung. "Sige sabihin mo pupunta na ako." Sabi ko at binaba ang tawag nang nakangiti.

Huwag kang mag-alala, Yami. Palagi mo na akong makakasama ngayon. Bawat oras, nasa tabi mo na ako.

***

Last 4 chapters

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon