Napangiti rin naman ako nang ngumiti sa akin si Hoseok. Parang sa lahat ng beses na nakikita niya ako, ngayon lang siya ngumiti sa akin.
"Noora! Halika na!" Sigaw niya. Napakunot naman ako ng noo at nagtaka kung sino si Noora.
"Teka, yung sintas ko kasi!" Sigaw ng isang babae sa likuran ko. May nakita akong tinatali yung sintas niya at agad na tumakbo palapit kila Hoseok.
Napatingin naman ako kay Hoseok at ngayon ay sa akin na talaga siya nakatingin lalo na't nakakunot na ang noo niya.
Agad namang nawala yung ngiti ko sa mukha at tumakbo palayo sa school nila.
[Hoseok's POV]
Pinanood ko naman si Yami na tumakbo palayo.
"Ikaw ba yung tumawag sa akin?" Tanong ko kay Noora nang makalapit na siya sa akin.
"Ha? Hindi! Nagtatali lang ako ng sintas nang tawagin mo ako." Sagot niya sa akin. Naguluhan naman ako. Ang pagkakaalam ko, may tumawag sa akin at paglingon ko nakita ko si Noora. Napansin ko nalang si Yami nang malagpasan siya ni Noora at ayun, biglang tumakbo.
"Uy Hoseok! Ayos ka lang?" Tanong ni Noora habang kumakaway sa harap ko.
"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko. Natawa naman siya sa akin.
"Sabi ko nauna nang pumunta yung mga kaibigan mo sa klase niyo. Ayun na sila oh." Sabi niya sabay turo sa kanila kaya napatingin ako. "Sabog ka ba?" Tanong niya.
"Ah, siguro." Sagot ko sabay tawa nang mahina. "Una na ako, mamaya nalang." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya at tumakbo na kila Namjoon.
"Oy!" Sigaw ko sabay akbay kay Jin nang maabutan ko sila. Napatingin naman lahat sila sa akin. "Nang-iiwan kayo bigla, mga bastos." Dagdag ko.
"Luh? Bastos ba ginawa namin kung iniwan ka namin dahil alam naming gusto mong makipaglandian doon kay Noora." Sabi ni Yoongi.
"Talaga?" Tanong ko sabay ngiti.
"Malamang, ikaw pa. Para-paraan lang yan." Sagot ni Yoongi at nag-apir naman kaming dalawa. True friends nga naman.
"Oy Hoseok, nabigay ko na kay Yami yung pagkain na binili mo para sa kanya kanina." Sabi bigla ni Namjoon.
"Nahanap mo siya?" Tanong ko.
"Oo, nandoon lang naman siya nakatambay sa labas ng school ah." Napahinto naman ako sa paglalakad.
"So pagkatapos niyang umikot-ikot kanina para maghanap ng pagkain, tumambay lang siya sa labas? Ano siya? Pulubi?" Tanong ko.
"Bakit? Di mo ba napansin nandoon lang siya kanina pa?" Tanong ni Jin at umiling naman ako.
"Hindi." Sagot ko.
"Wow, bulag." Sabi ni Yoongi at nagkunwaring umubo.
"Bulag mo 'to. Ayoko rin naman siyang makita eh. Kanina ko pa pinipigilan kamutin yung pangangati ng katawan ko. Nakikita ko pa nga lang, gusto ko nang bumahing. Sa tingin mo ba gugustuhin ko na makita siya, ha?" Tanong ko sa kanila.
"Oo!" Sabay-sabay nilang sabi kaya napanganga nalang ako.
"May langaw nang papasok sa bibig mo, saraduhin mo." Sabi ni Jin kaya sinara ko nga. Nagsimula nanaman ulit kaming maglakad.
"May gustong sabihin yung tao sayo, lumapit ka kaya." Sabi ni Namjoon.
"Ako lalapit? Tapos ano? Mangangati at mababahing nanaman ako na parang walang katapusan? Ulol." Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Meow [Hoseok ff]
Fiksi Penggemar"AYAW KO NGA SA MGA PUSA. ALLERGIC AKO! I HATE PUSSIES!"-Hoseok -- Bangtangina series # 5 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. april 20, 2017 - may 13, 2018.
![Meow [Hoseok ff]](https://img.wattpad.com/cover/53298934-64-k380924.jpg)