"Jung Hoseok?" Patanong na sabi ng nurse dito sa ospital. Agad naman akong tumayo at nagtaas ng kamay.
"Ako po." Sabi ko at agad naman siyang tumingin sa akin.
"Sundan niyo nalang po ako." Utos niya at tumango naman ako bago tumingin kay Yoongi na kasama ko.
"Tayo na raw." Sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya.
"Tayo na?" Tanong niya habang nakangiti nang sobrang lawak.
"Oo, tayo na nga!" Iritado kong sabi kasi ang kulit niya hanggang sa marealize ko kung bakit siya nakangiti.
"UTOT MO!" Sigaw ko bigla kaya napatingin yung ibang tao sa akin. Natawa naman siya kaya napailing nalang ako at sinundan na agad yung nurse papasok.
"Jung Hoseok, tama ba?" Tanong nung doktor pagkapasok ko. Tumangi naman ako at sumagot. "Opo."
"Doctor Park Chanyeol pala." Pagpapakilala niya at nagshake hands naman kaming dalawa. "Maupo ka." Utos niya at sumunod naman ako.
Si Yoongi naman nakaupo lang doon sa isang upuan, nakikinig sa mga pinag-uusapan namin ng doktor.
"So ano ang problema mo?" Tanong niya.
"Ay nako, doc!" Biglang sabi ni Yoongi kaya parehas kaming napatingin sa kanya. "Maraming problema yan, lalo na sa utak niya. Dapat sa psychiatrist pumunta yan, hindi sa inyo eh. Bigla nalang yan tatawa tapos magagalit tapos mamaya ngingiti-ngiti nalang mag-isa. Rehab, kailangan din niya yun." Reklamo ni Yoongi kaya binatukan ko nalang siya.
"Pasenysa na doc, siya talaga may kailangan ng psychiatrist." Sabi ko naman kaya natawa si Doctor Park. "Pwede na ba tayong bumalik sa pinag-uusapan natin?"
"Ah sabi ko nga po. Ano kasi, allergic ako sa pusa." Pagsisimula ko.
"Sa pussy." Singit nanaman ni Yoongi, palibhasa mukha siyang singit.
"Tapos ang lala kasi ng allergy ko. Yung tipong malayo palang, naapektuhan na ako. Kapag may balahibo ng pusa nangangati na ako. Hindi ko talaga pinoproblema ito dati hanggang sa may dumating."
"Nagkaroon ka ng pussy?" Tanong ni doc Chanyeol bigla kaya nanlaki ang mata ko.
"Po?" Pagbibingi-bingihan ko.
"Sabi ko nagkaroon ka ba bigla ng pusa?" Pag-uulit niya. Maglilinis na talaga ako ng tenga, baka yun lang talaga ang may problema.
Shet, nagrhyme.
I'm a rappeo.
Umiling naman ako bago sumagot. "Ah, hindi po. May nakilala po kasi akong hybrid ng tao at pusa. Eh, babae siya. Ayun, parang nagkakagusto na ako sa kanya kaso di ko magawang makalapit sa kanya dahil sa allergy ko."
"So ang kailangan mo ay parang gamot para sa allergies mo?" Tumango naman ako sa tanong niya. "Teka, i-checheck up muna kita."
Kinausap muna ako ni Doctor Park at kung ano-anong tests ang binigay sa akin bago siya nagpakita ng isang gamot at inabot sa akin yung lalagyanan nun.
"May 30 pills sa loob niya. Bawat araw, maximum of 3 lang ang pwede mong kainin. I suggest na tig-iisa lang ang kunin mo bawat araw. Mag-antay ka rin ng mga 5-10 minutes para maging effective yung gamot." Pagpapaliwanag niya.
"Ano ba ginagawa niyan?" Tanong ko.
"I gave you an antihistamines. Dati, para lang yan sa kahit anong allergies pero itong binigay ko ay para lang sa may mga allergy sa pusa. Kokobop antihistamines yan."
"Tangina, Kokobop lang naintindihan ko." Bulong ko sa tenga ni Yoongi kaya tumawa naman siya nang mahina.
"Ako rin eh." Sabi niya pabalik.
"Itong Kokobop na to, binabawasan niya lang yung mga symptoms at matrigger yung allergens mo for 3 hours lang. Pero hindi ibig sabihin nun na kaya niyang tanggalin talaga ang allergy mo." Pagpapaliwanag niya habang tinitingnan ko yung gamot.
"Thank you, po. Pero may iba pa bang options bukod dito?" Tanong ko.
"May allergens shots tayo kaso gagamit ng kahit anong may kinalaman sa pusa yung iinjection sayo. Maganda doon, malaki ang chance na mawala ang allergy mo kaso baka mas matrigger yung allergens mo. Minsan nagkakaroon ng anaphylaxis yung pasyente at namamatay." Sagot niya sa tanong ko.
"Joke, never mind. Sabi ko nga sapat na ito. Thank you po ulit, hehe." Banggit ko muli.
"Saka ano, huwag kang sosobra sa tatlo ah at antayin ang limang oras bago ka uminom ulit. Baka ma-overdose ka. Kung may kailangan ka pa, ito number ko. Pwede ka ring pumunta dito para macheck up ka." Dagdag pa niya.
"Ah, sige po. Salamat doctor Park!" Sabi ko bago magbow.
"Chanyeol nalang." Sabi niya at ngumiti sa amin bago kami kumaway sa kanya at lumabas ng clinic niya.
"Makakasama ko na ba si Yami nito?" Tanong ko kay Yoongi habang naglalakad palabas nang nakangiti.
"Subukan mo na kaya, noh?"
"Oo nga, talino mo talaga." Sabi ko. Kumuha ako ng isang pill galing doon sa lalagyanan.
Nilunok ko yun sabay ng paglagok ko ng tubig at ngumiti.
"Ano lasa?" Tanong ni Yoongi habang nakatingin sa akin.
"Lasang gamot." Inirapan naman niya ako bago siya magsalita ulit.
"Wow, di ko naisip yun, shet. Di kasi halata." Sarkastikong sabi niya.
Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Yami.
["Hello?"] Sabi niya nang sagutin ang tawag ko.
"Yami! Nasaan ka ngayon?" Tanong ko sa kanya habang kami naman ni Yoongi ay naglalakad pauwi, tutal medyo malapit rin naman bahay ko doon.
["Nandito sa bahay namin, bakit?"] Tanong niya pabalik sa akin.
"Punta ka kila Taehyung. Ay hindi, ako nalang pupunta diyan sa inyo." Sabi ko habang nakangiti nang malawak.
["H-ha? Ikaw? Dito sa amin? Pupunta ka dito?"] Tanong niya kaya napakunot naman ako ng noo dahil sa tono ng boses niya.
"Bakit? Bawal ba? Ayos lang naman, may gusto lang kasi sana akong i-try." Malungkot kong sabi. Pa-awa effect ganun, malay mo pumayag bigla hehe.
["Hindi naman sa bawal pero huwag sa bahay talaga namin."] Sabi niya.
"Bakit?"
["B-basta. Magkita nalang tayo sa bahay nila Taehyung. See youu~"] Binaba niya kaagad yung tawag kaya napabikit balikat na lamang ako at dumiretso na kami ni Yoongi sa paglalakad pauwi.
Di ko namang maiwasan isipin kung bakit parang takot na takot si Yani na pumunta ako sa kanila. Na parang may mangyayaring masama sa kanya. Inaabuso ba siya? Sinasaktan ba siya? Ayos lang ba siya?
Nawala lahat ng iniisip ko nang makarating na kami sa tapat ng bahay ni Taehyung at nakita ko si Yami na nag-aabang doon. Di ko mapigilang ngumiti at tila lahat ng problema ko ay nawala.
"Yami!" Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at biglang tumakbo palapit sa akin pero agad naman siyang tumigil.
"Bawal nga pala ako lumapit sayo!" Sigaw niya at ngumiti habang tinatakpan niya yung bibig niya gamit yung kamay niya.
Medyo malapit siya sa akin pero di ako naapektuhan. Oo may konting kati pero di ko siya masyadong maramdaman. Yung tipong nawala bigla ang allergy ko dahil sa gamot.
Mas ngumiti ako at ako na ang tumakbo palapit sa kanya bago ko siya yakapin.
"Pwede na tayo magsama." Masaya kong banggit habang yakap-yakap ko siya nang mahigpit. Walang kahit anong nararamdaman mula sa allergy ko. Ito na nga yata ang simula ng storya naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Meow [Hoseok ff]
Fanfiction"AYAW KO NGA SA MGA PUSA. ALLERGIC AKO! I HATE PUSSIES!"-Hoseok -- Bangtangina series # 5 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. april 20, 2017 - may 13, 2018.
![Meow [Hoseok ff]](https://img.wattpad.com/cover/53298934-64-k380924.jpg)