m3: window 🐈

2.1K 161 189
                                    

"Magkakilaka kayo, hyung?" Tanong ni Jungkook. "Yehey!"

"Jusko Jungkook." Sabi ni Taehyung sabay hawak sa ulo niya.

"Bakit hyung, ano ginawa ko?" Tanong ni Jungkook kay Taehyung.

"Hoseokie hyung, uwi ka muna." Sabi ni Taehyung sa akin at tinulak ako palabas ng bahay. "Yung gamot mo ah!" Sigaw niya at sinara na ang pinto.

Kingina, nababahing ulit ako. Tapos ang kati nanaman ng katawan ko.

Triggered si acoe.

Pagkauwi ko, yung ate ko ulit ang bumungad sa akin at pinagtawanan ako. Bastos talaga itong kapatid ko.

"Masyado bang maraming pussy simula kahapon?" Tanong niya at tumawa ulit.

"Pakyu noona." Mura ko sa kanya at mas natawa pa siya.

"Oh, ito gamot mo." Sabi niya sabay abot sa akin ng gamot ko sa rashes ko kasi paubos na rin yung sa isa.

Umakyat ako sa kwarto ko at doon naglagay ng gamot. Nang matapos ay nagpalit na rin ako ng damit.

Binuksan ko naman yung kurtina ko at napatingin ako bintana ng bahay nila Taehyung sa 2nd floor. Kwarto talaga ni Taehyung yun at doon madalas sumisigaw para magtanong ng sagot sa akin.

Pagtingin ko, nakita ko si Taehyung na tumatawa. Nagtaka naman ako kaya nanood lang ako doon hanggang sa nakita ko si Jungkook na tumatawa rin.

Nakita ko rin yung Yami na yun. Napabahing na agad ako. Tingin lang sa mga pusa, nababahing na agad ako. Paano pa kaya kung makahawak ako?

Tawa siya nang tawa kaya yung tenga niyang pusa, sobrang nakatayo. Tapos kahit nasa malayo, nakikita ko yung pangil niya.

Kingina, masaya pa yata siyang nahihirapan ako.

Napansin ko naman na napatingin sa akin si Jungkook kaya agad siyang sumilip palabas ng bintana.

"HI HOSEOKIE HYUUUNG!" Sigaw niya at kumaway sa akin.

Hayop, ang cute cute ni Jungkook. Masyadong inosente para sa mundong ito.

"HI JUNGKOOKIEEE!" Sigaw ko pabalik at kumaway rin sa kanya. Tumawa naman siya at may sinabi sa kanila.

"HYUNG! KAWAY KA RIN KAY YAMI! DIBA MAGKAKILALA KAYO?" Sigaw niya ulit.

Nawala agad yung ngiti ko sa mukha at sinara yung bintana at kurtina.

"HYUNG, MAY GALIT KA BA KAY YAMI?" Rinig kong sigaw ulit ni Jungkook pero di ko nalang siya pinansin at bumaba na sa kwarto ko.

Napahiga naman ako sa sofa ng kama ko.

Kailan kaya yun aalis sa buhay ko? Kingina, alam naman ng tadhana na bawal ako sa pusa, bigla nalang may susulpot na hybrid tapos pusa pa.

"Nanadya ka ba ah?!" Sigaw ko. Nakatanggap naman ako bigla ng unan sa ulo ko. "Aray! Sino yun?!" Tanong ko.

"Ako, bakit?" Sabi ng isang lalaki kaya napalingon ako at nakita si Yoongi.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Lakas magpatugtog ng nanay ko ng music, natutulog ako. Nanginginig na yung pader namin sa bahay sa sobrang lakas ng music niya." Reklamo niya. "Ikaw, ano problema mo? Kausap mo sarili mo. Ba't mas malala itsura mo ngayon?"

"Yan na yata yung pinakamarami mong nasabi ah." Sabi ko.

"Gusto mo bang hindi na makapagsalita?" Pananakot niya.

Meow [Hoseok ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon