Do Destiny really exist?
Aasa ka nalang ba at maghihintay na ibigay sayo ni universe ang taong para sayo?
Pinaniniwalaan mo ba yong "Kung para kami sa isa't isa gagawa ng paraan ang universe para pagtagpuin kami" kahibangan ang tawag don.
Destiny is not a matter of chance,
It is a matter of choice.
It is not a thing to be waited for,
It is a thing to be achieved.
Pagmamahal?
San nga ba nagsimula at san din magtatapos?
Na kapag natagpuan mo na siya happy ending na?
It's a BIG mistake!
Hindi fairtytale ang buhay na laging happy ending, dahil sa tunay na buhay puro pagsubok.
Kanya- kanya tayong pagsubok na mararanasan, umiyak, magparaya, makipaglaban at meron pa ngang hanggang sa magpatayan gagawin para sa taong mahal nila, pero ano nga bang pagmamahal ang tinutukoy ko?
Maghintay? Umasa? Magsacrifice?
Masaktan? Lumuha? Masawi?
Kapag ba nasasaktan ka nagmamahal kana?
Hindi ganun kasimple ang pagmamahal para sakin.
Pag-nagmahal ka ba susunod ka nalang sa agos ng buhay at maghintay sa taong inilaan para sayo?
Kung ganyan ka, ngayon palang sinasabi ko na sayo ang salitang "TANGA KA", umaasa ka kasi sa mga sabi-sabi. Dapat ikaw mismo ang maghanap ng taong para sayo.
Totoong buhay ito, hindi fairytales na kapag kayo talaga gagawa ang bathala ng paraan para pagtagpuin kayo, dahil sa totoong buhay dapat ipaglaban mo ang taong gusto mo dahil walang bathala na gagawa ng mga tulad ng sa fairytales.
Nagpapaniwala kasi tayo sa fairytales. Hindi na tayo bata!.
Masyado lang yang paasa, walang happy ending sa tunay na buhay.
I believe in magic but I don't believe in happy ending!
I believe in love but I don't believe in Destiny.
Destiny? Maybe I believe at the first place, yes I did. Pero nasan na? NAWALA!
Dahil kung totoo ang Happy ending at Destiny oh bakit hanggang ngayon wala parin siya?
Pag-ibig para lang yang bike, kung hndi mo kayang pag-aralan wag mo ng subukan dahil masasaktan kalang.
Para lang yang movie, maraming choices, pwede kang mamili kung anong gusto mong panuurin, pero isa lang ang pwede mong piliin dahil kapag pinagsabay-sabay mong i-play mahihirapan kalang intindihin at magmumukha kapang tanga, at kapag natapos ka sa una edi simulan mo na ulit yong isa pa.
Pero maling- mali ako, dahil ang pagibig ay hindi basta bike o movie. Dahil ang pagmamahal ay walang kaparehas, walang ibang kahulugan at ikaw lang ang makapagbibigay ng tunay na kahulugan nito.
Para lang itong mantsa na kapag nakadikit na sa damit mo mahirap ng alisin.
Pero bakit hindi mo maiwasang magmahal ng isa lang? Bakit kailangang dumating pa sa pangalawa? Hindi ba pwedeng siya nalang?
Kailangan ba pagnagmahal ka matira ang matibay?
Kailangan ba laging may iiyak? May masasaktan? May magdurusa?
Pero gaya nga ng sabi ko, tayo din nag gumagawa ng sarili nating buhay. Hindi si Bathala at lalong walang kinalaman si destiny. Tayo at Tayo lang!.
Love is always happiness and sadness, kakambal na daw kasi ni Happiness si Sadness.
Masayang ka ngayon tapos bukas susugod si Lungkot!
Pero diba there's a rainbow after the rain?
Kung magpapatalo ka sa lungkot mo tuluyan kanang iiwan ni Happiness.
I believe in his promised "Hindi Kita iiwan" pero nasan na? Disappeared altogether?
Umasa, Umiyak, maghintay, para sa ano?
Pero ganto ang love, masasabi mo nalang na nagmamahal ka kapag nagawa mo na ang mga bagay na yan.
Na kaya mong isacrifice ang sarili mong kaligayan para sa taong minamahal mo.
Siya man ang nagbigay sayo ng kahulugan ng sadness, siya naman ang nagbigay sayo ng kahulugan ng Happiness.
Muntikan na akong hindi maniwala sa Destiny pero dahil sa kanya natuto ulit akong maniwala.
BINABASA MO ANG
MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]
Teen FictionMagic of Love// Completed// Self- Published// ~ Do Destiny Really Exist? Hanggang Paglaki Tayo Parin HUH? Yan yong eksakto niyang sinabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay parin ako na panghawakan niya ang mga binitiwan niyang salita! Do Destiny...