MOL CHAPTER 21

239 15 6
                                    

Kaya pala marami silang pagkakatulad ni Knick dahil siya ni Knick, sabi ni Caeden sa isip niya!

Umiiyak na sila parehas.

"Bakit itinago mo to samin Nathan? Naging mabuti naman ako sayo huh?" umiiyak na sabi ni Phia, sobrang masama ang loob niya dahil sa ginawa sa kanila ni Nathan. Pinagkait sa kanya ang araw na dapat kasama niya na si Knack.

"Pano ko magagawa ang plano ko diba?" nakangiti paring sabi ni Nathan "Hindi niyo ba alam Phia na ang ama mo ang nagbigay sakin ng bahay at ikaw naman Caeden, ang ama ko ang nagpapaaral sakin, hindi ba halata?" tawa parin siya ng tawa

"Bakit kaba ganyan Nathan? Hindi ka ba pa kontento sa mga nakukuha mo sa magulang namin? At pati kami dinadamay mo. pakawalan mo kami" galit na galit na sigaw ni Caeden.

"Hindi lang naman kayo ang nauto ko, lahat kayo! Naniwala kayo na isa akong sikat sa Korea, BOBO kayo" tumatawa- tawa pa si Nathan habang sinasabi yon

"Kaya pala ang bilis niyang matuto nong tinuturuan kita dahil sanay ka naman talagang magtagalog. Walang hiya ka. Sinungaling ka" Umiiyak na sigaw ni Phia, galit na galit siya sa sarili niya dahil napaniwala siya nito. Inuto lang siya ng taong pinagkatiwalaan niya ng sobra. "Pakawalan mo kami Nathan" sigaw niya pa ulit

"Wag na kayong umasa, dahil walang makakalabas ng buhay sainyong dalawa" halos maubos na ang luha ni Phia dahil sa iyak, ngayon pa na natagpuan niya na ang kababata niya saka pa nangmamari ang ganito.

Galit na galit si Caeden. Matagal niyang hinintay ang lahat ng ito tapos mapupunta sa wala.

"Hindi na kasalanan ng Magulang namin kung namatay ang mama mo Nathan, sa tingin mo nagiging masaya siya kapag nalaman niya ang mga pinaggagawa mo?" napatingin si Caeden sa dako ni Phia na biglang binigyan ng malakas na sapak ni Nathan. Nasasaktan siya na nakikita na nasasaktan si Knick/ Phia niya! Mahal na mahal niya ang kababata niyang ito.

"Hindi siya magagalit dahil para to sa kanya ito" galit na sigaw ulit ni Nathan

"Kung namatay man siya Diyos ang may kagustuhan, hindi ang magulang namin." iyak lang ng iyak si Phia habang sinasabi iyon. Nahihirapan na siya sa mga nagyayari.

"I will kill you both," parehas natakot sina Caeden at Phia sa sinabi ni Nathan. Ayaw nilang mamatay na sa ganito. Hindi man lang nila nakasama ang isa't isa.

"Kung gusto niyo tikman ang babaeng ito gawin niyo, wag silang bubuhayin, yang lalaking yan patayin din" lalong napahagulhol si Phia sa mga nagyayari. Natatakot siya! Sobrang siyang natatakot

"Please Nathan, wag niyo siyang gagalawin, ako nalang" pakiusap ni Caeden kay Nathan, handa siya mapahamak wag lang ang kanyang kababata.

"Parehas naman kayo matotodas ei" nagsalita rin ang isang tauhan ni  Nathan.

Nagsisimula na ang mga tauhan ni Nathan na hubaran ang umiiyak na si Phia, habang si Nathan nakaupo lang at nanunuod. Pasimple lang na naghuhubad ng tali si Caeden hanggang sa nagawa niya na "Sabing bitiwan niyo siya", pinagsusuntok niya ang mga lalaki, kaya napunta ang attension nito kay Caeden. 

"Subukan mong lumaban Caeden, tutuluyan ko siya" tumingin si Caeden sa dako ni Phia na tinututukan ng baril ni Nathan. Ayaw niyang mapahamak ang kababata niya.

Gustuhin niya mang lumaban pero hindi niya magawa, natatakot siya na pamahamak si Phia.

Halos 20 tama ng suntok na ang natatamo ni caeden, lampas sampung hampas ng padle sa iba't ibang parte ng katawan niya, halos wala nang makitang parte ng katawan ni Caeden ang walang dugo.

MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon