~Hindi lahat ng nakikita ng mata, sinasabi ng bibig at kinikilos ng tao ay totoo~
~Happiness palang pala ang nararanasan ko. At ngayon darating na si Sadness~
On the way na kami pauwe, grabe sobrang nakakapagod ng bakasyon namin pero at the same time enjoy na enjoy kami. Natapos ang isang linggo na puro saya lang, si Caeden lagi ko kasama, holding hands while walking, selos na selos na nga mga Gaga Girls kasi hindi daw nila ako makajamming, laging si Caeden daw kasama ko.
Kung saan- saan din kami pumunta, nagjoyride kami pakiramdam ko nilibot namin ang buong dagat, kasi mahigit isang araw yong byahe namin.
Pumunta rin kami sa Kawa- kawa, don sa lugar na maraming Rebulto. Basta ang saya, picture dito at doon para kaming mga turista na amazed na amazed, lahat nga ata ng lugar may picture ako, punong- puno ang dslr ko. WAH!
Ang dami- daming nangyari, si PiggyTurtle nandito lang sakin. Bagong alaga ko na to, regalo kasi siya sakin ni Caeden Shunga. Ang cute!
BTW, napaaway din si Caeden pano ba naman kasi selos nanaman siya kasi kausap ko si Jay, nagsuntukan tuloy sila. Tapos nalaman ko na magkakilala pala sila, lokong mga yon!
Pero alam niyo ang pinakamasarap at napakamemorable? Yon yong time na nagkiss kami ni Caeden under the sea! WAH. Kinikilig ako.
Siya naman kasi ei, lumubog ako tapos hinawakan yong kamay ko. Nauubusan na nga ako ng hininga ei, pano ilang minuto na kaming nakalubog tapos siya naman ang galing palang lumangoy. Tapos hayon na nga, namalayan ko nalang humihinga na ako gamit ang hininga niya. WAH, kinikilig nanaman ako sa ginawa niya.
"Sige ako nalang maghahatid sa kanya hanggang bahay nila" nagising ako sa pag-iimagine ng marinig ko ang boses ni Caeden. Nandito kasi kami sa may Bus Terminal. Dito na namin inuwe yong Bus na nirentahan. Medyo malayo pa kasi yong samin, estimate ko baka mga 2 hours pa.
Sumang-ayon nalang silang lahat, sumakay na ako sa sasakyan ni Caeden, antok na antok pa nga ako, pano hindi na kami nakatulog sa Resort dahil sa may pasok na bukas. Masyado kaming nag enjoy nakalimutan namin na lunes na pala bukas.
"Tulog muna ako huh?" paalam ko kay Caeden na nagsisiumla nang mag maneho.
"Sige na PiggyTurtle" nginitian niya lang ako at nagpatuloy na siya sa pagmaneho. BTW hindi na ako napipikon sa PiggyTurtle kasi simula nong gabi PiggyTurtle na tawag niya sakin. Grabe ang sweet lang! Ginawa akong Pagong na Bagoy.
zZzZzZzZzZzZzZ *****
"Ohhmm" naramdaman ko kasing may humahawak sa mukha ko. Naku si Caeden china-chansingan pa yata ako.
Balak ko na sanang idilat ang mata ko nang bigla siyang magsalita.
"Mahal na Mahal kita Fate" yon lang ang narinig kong sinabi siya, kahit tulog- tulugan ako hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sinasabi niya.
"Iloveyou Fate" inulit niya pa, gusto ko sanang itanong kung bakit siya Iloveyou ng Iloveyou kaso ayaw kong malaman niyang gising ako.
"Kahit sa konting panahon na naging tayo alam kong mahal na natin ang isa't isa" hinahaplos- haplos niya pa yong pingi ko "Minahal kita" patuloy niya pa. Kung iisipin hindi ko inakala na kaya niya yong sabihin kasi sobra niyang cold at mukhang walang matinong lalabas sa bibig pero nasabi niyang mahal niya ako.Mahal din kita Caeden, mahal na mahal, kahit gusto kong sumagot hndi ko ginawa kasi ayaw kong malaman niyang gising ako.
"May kailangan lang kasi akong tuparin, isang pangako na hindi ko kailanman pwedeng sirain. Basta tandaan mo minamahal kita" hinitay ko pa ulit na magsalita siya pero wala na akong narinig, inalis niya narin yong kamay niya sa mukha ko. Hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang masaya ako dahil mahal niya ako, pero ano kaya yong pangakong hindi niya pwedeng sirain?
BINABASA MO ANG
MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]
Fiksi RemajaMagic of Love// Completed// Self- Published// ~ Do Destiny Really Exist? Hanggang Paglaki Tayo Parin HUH? Yan yong eksakto niyang sinabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay parin ako na panghawakan niya ang mga binitiwan niyang salita! Do Destiny...