"Oh wala kang masabi?" hindi ko pinansin ang tanong ni Yuri.
Gulong- gulo parin ako!. Bakit ako napasok sa buhay ng mga yon?
Una si Caeden tapos yong mga kagrupo niya!.
"Hoy Phia, pakilala mo naman kami" Yuri ulit. Pakilala? Hindi ko naman close mga yon tsaka sila naman ang magaling sa mga boys kaya sila nalang dapat ang gumawa non.
"Pwede magsi-uwe na muna kayo?" buong maghapon akong stressed dahil sa nangyari "Matutulog na ako" 5Pm na din kasi. Tsk.
"Tulog nanaman. Kaya ang ganda mo ei sobra kana sa pahinga" pagtataray ni Jessica. Lumabas na ang maldita niyang ugali.
"Tsk. Tara na nga" Yoona.
Pinanuod ko lang sila habang sunod-sunod na lumabas ng pinto. Bahala sila. Mamaya forsure bati na kami ulit.
Kilala ko na kasi mga ugali ng mga yan. Kung ako super na palaban, may isang salita, hindi mahilig sa lalaki, moody.
Sila naman ay
Yoona siya yong pinakamabait samin, masunurin, at siya ang tinuturing na bunso ng lahat kasi isip bata
Tae Yeon siya yong napakamahilig sa libre, patay gutom. Kapag kasama mo siya dapat lagi kang my pera kasi at hingi ng hingi sayo pero sobrang yang kuripot.
Jessica siya ang pinakamaldita samin. Maldita as in pero nasa lugar lagi.
Seo siya super naman sa pagkaprangka kapag pangit ang suot mo hindi man lang yan mahihiyang punain ka. Tapos kapag pangit ang kasama mong lalaki sasabihan niya pa ng "Pumatol ka diyan?, para kang may dalang aso" ganyan siya ka prangka. Nakakahiya minsan ang ugali.
Soo siya naman si Miss Snob, minsan walang paki sa pinaguusapan niyo. Pero kapag tungkol sa lalaki talo pa si Sunny.
Sunny diyos ko, pwede pass nalang kay sunny? Siya lang naman kasi ang pinaka playgirl samin, lahat yata ng lalaki sa Bar na pinupuntahan namin Ex niya. Pero may taste naman siya. Tsk. Secret lang natin huh? Ta tingin ko nga hindi na siya Virgin. Just a Guess.
Kim sobrang namang palaaway. Tagapagtanggol at maaasahan sa barahan.
Yuri siya ang pinakasweet samin. Kahit yata muramin na sweet parin. At siya yong medyo madaldal, lahat ng sasabihin mo my second the motion siya.
Kahit iba- iba man ugali naminn nagkakasundo parin kami.
Pagdating sa lalaki lahat sila may alam, ako lang ang wala. Bakit? Kasi mas gusto ko pang matulog kesa mag lalaki.
Pano kami nagkakilala?
Simple lang dahil sa lahat kami mahilig mag Bar, uminom at sumayaw.
Hindi ko masabing ako ang leader nila kasi kahit minsan hindi ko inisip yon, ang alam ko lang pantay- pantay lang kami.
Bakit ako ang kinikilalang Leader? Kasi ako ang nabigyan ng title na Girl on Top since kinanta ko ang Love On Top nong High School pa kami.
Mahigit 2 hours akong nagpagulong- gulong lang sa Kama, hindi ako makatulog!.
Pagpipikit ko nakikita ko si Caeden. Tsk, ang pangit niya sa paningin.
Gusto ko nang matulog!
'You said it again, my heart's in motion Every word feels like a shooting star I'm at the edge of my emotions Watching the shodows burning in the dark, And I'm in love and I'm terrrified'
BINABASA MO ANG
MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]
Teen FictionMagic of Love// Completed// Self- Published// ~ Do Destiny Really Exist? Hanggang Paglaki Tayo Parin HUH? Yan yong eksakto niyang sinabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay parin ako na panghawakan niya ang mga binitiwan niyang salita! Do Destiny...