MOL CHAPTER 11

246 15 3
                                    

Pagkatapos ng klase agad na tumayo si Mage mukhang nagmamadali.

"Mage, sabay na tayong mag lunch" alok ko sa kanya habang nag-aayos ako ng gamit, si Nathan naman nag aayos lang din.

"Ah may kasabay ako Phia, babye" nagwave lang siya tapos nagmadali nang tumakbo

Umalis na siya, si Nathan naman aalis narin at kakain kaya ako umalis narin para pumunta sa Cafeteria!

Itinext ko muna si Caeden

[WHERE KA? Sabay tayo maglunch! Sa Cafeteria 1 tayo]

Dalawa kasi ang Cafeteria dito 1 at 2 tapos meron pang isa na na ang tawag nila at Yeks hindi ko alam kung bakit 

basta yon ang narinig kong tawag ng mga classmates ko.

Send to PiggyTurtle

May number na kami sa isa't isa binigay niya sakin nong nasa Clayforth Beach kami.

Nagvibrate CP ko kaya agad kong kinuha at binasa

[Sorry busog pa ako Sophia] how sad naman. Busog pa siya! Pero nakakapagtaka yata yong tawag niya sakin Sophia.! 

Pero hindi ko nalang pinansin.

Nag decide akong sa Cafeteria 2 nalang pumunta mas malayo nga pero wala lang gusto ko lang don! Besides wala narin 

kaming pasok mamaya. Tatlong subjects lang kasi kami ngayon kasi 1st day palang, next week pa ang serious class.

Papasok na sana ako Cafeteria pero napaurong ako agad.!

I saw Caeden, kasama niya si Mage at Vibeth. 

Kumakain sila.

Kala ko busog siya?

Nagtatawanan pa sila.

Ayaw niya ba akong makasabay ngayon?

Ayos lang naman sana, kaso he lied.

"Naneun jeomsim-eul chilyo [I treat you for lunch]" 

"Huh?" napalingon ako sa nagsalita. Si Nathan. Magtataka pa ba ako siya lang naman ata ang korean sa school na ito.

"Neo bap meokeosseo [Do you want to eat]?" nagsimula na siyang maglakad papasok.

"Joesonghabnida, Bae Bool Law Yo [Sorry busog pa ako]" nagkunyari nalang akong busog. Ayaw kong makita ako ni Caeden at Mage.

Naglakad lakad na ako palabas ng gate!

Parang nasira ang araw ko. 

Yong feeling na nagsinungaling sayo yong boyfriend mo! MASAKIT.

"Phia?" napalingon ako sa Gaga Girls na sabay- sabay sumigaw

Lumapit ako sa kanila, nakaupo kasi sila don sa malaking shed house sa labas ng gate.

"Galing mo talaga Phia" Lee

Kinongats din nila ako, ang galing ko daw kumanta

"Oh nasan si Caeden? Hindi mo kasama?" tumawa lang ako ng mapakla, pano ko ba sasabihin sa kanila na hindi nga kami nakapag-usap?

"Oh bakit Phia?" donghae

Hinihintay lang nila ang sagot ko. Kahit gusto kung sabihin na naiinis ako dahil nagsinungaling si Caeden hindi ko magawa, mahirap siraan ang Mahal mo kahit totoo naman.

MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon