Dalawang linggo narin ang ang nakalipas. Pero until now hindi ko parin nakausap si Caeden!
Nag-aalala na ako sa kanya.
"Phia, anong iniisip mo?" mental telephaty applied. Kasama ko kasi ang Gaga Girls at Linggo kasi ngayon, after naming magsimba pumunta kami dito sa bahay, gusto ko humingi sa kanila ng advice.
"Hindi pa kasi kami nag- uusap ni Caeden simula pa last week" malungkot kong sagot, nakakalungkot kasi. 2 linggo hindi ko siya nakausap pero parang nababaliw na ako sa lungkot.. 1 month narin kasi kami last friday June 17, hinintay ko naman siyang batiin ako pero hindi niya naman ako binati. Inisip ko nalang wala sa vocabulary niya ang monthsary pero ang lungkot lang na hindi niya yon naalala.
"Ayos lang yon Phia, baka busy lang yon tao" bakit ba "Feeling Understanding" ang mga ito? samantalang pag sila hindi pinapansin ng mga boylet nila nagwawala na sila sa galit pero pag sakin parang wala lang.
"Busy kanino? Don sa pinsan niya?" nakakainis lang, pwede naman kasing sakin nalang siya maging busy pero bakit don pa sa Mage nayon? Pati yong Vibeth! Tsk. Nakakairita na silang magpinsan ei.
"Selos kalang Phia" nagapir pa sila
"Promise nakakatulong kayo. Umalis na nga kayo dito, buhusan ko kayo ng kumukulong mantika ei" sigaw ko. Kakainis kasi sila, hindi man lang ako mabigyan ng advice.
"Pinapairal mo nanaman ang pagkamainitin ng ulo mo, simple lang naman kasi ng dapat gawin, kausapin mo" yuri..
Kausapin? 2 weeks din kaming di nakapagusap at pakiramdam ko hindi ko siya kayang makausap. Saka masyado siyang busy kay Mage at Vibeth.
Ilang sandali lang akong natahimik at nagisip.. Gusto ko rin siyang makausap kaso natatakot ako. Pero hindi ko naman alam kong bakit ako kinakabahan.
Ilang sandali pa umalis na rin ang Gaga Girls at naiwan parin akong nagiisip.
Nagdududa tuloy ako kung talaga bang pinsan niya si Mage, pero ang sama ko naman kasi Boyfriend ko siya pero hindi ko siya pinapaniwalaan.
Another Day
Monday na, hindi narin ako sinundo ng Gaga, nagpahatid nalang ako kay Manng driver.
Final decision, kakausapin ko na siya.
Everymonday meron kaming flagceremony, kaya sa covered court na ako dumiresto!
"Hayon si Caeden, Wah"
"Tama Girls. Nakakabaliw talaga ang kagwapuhan niya"
Rinig kung bulungan ng mga katabi ko sa Flag, ang ingay nila, para silang mga bubuyog na bulungan ng bulungan. Heller Girlfriend here. Mahiya naman daw po kayo sakin.
Kung ano pang bulong- bulungan ng mga katabi ko, iingay nila pero isang salita lang ang ikinagulat ko.
"Sayang, may fiance na raw yan" fiance? Tama ba yong rinig ko? Fiance? Sino?
"Kaya nga! Sayang talaga, ang bata niya pa naman" sino ba yong fiance na tinutukoy nila?
Yon ba ang reason kong bakit iniiwasan ako ni Caeden last few days? Bakit hindi niya sinabi sakin?
Nasasaktan ako sa mga naririnig kung bulungan, pinigilan ko nalang umiyak kasi baka isipin nila na nababaliw ako na umiiyak ako dahil sa Flag Ceremony.
BINABASA MO ANG
MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]
Teen FictionMagic of Love// Completed// Self- Published// ~ Do Destiny Really Exist? Hanggang Paglaki Tayo Parin HUH? Yan yong eksakto niyang sinabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay parin ako na panghawakan niya ang mga binitiwan niyang salita! Do Destiny...