CAEDEN's POV
Nakita ko na humawak si Nathan sa Kamay ni Fate, gusto ko sanang sabihin na bitiwan mo siya kaso nagtaka ako sa narinig ko.
"Im Her Boyfriend, clear?" pagkasabi niya non tuluyan na siyang naglakad habang hawak- hawak parin ang kamay ni Fate..
Pakshit, nasasaktan ako!
Go to hell all of you!
Boyfriend? Sa ganong kadali?
Pinagpalit niya na ako agad?
"Caeden san ka pupunta?" pinigilan ako ni Mage na lumabas ng Cafeteria.
"Don't ask!" tuluyan na akong umalis.. Gusto ko silang sundan at malaman kung sila na ba talaga.
Kanina gustong- gusto ko na siyang pagtanggol pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Natatakot ako na baka bumalik pagmamahal niya sakin, pero nong sinabi ni Nathan na sila na shit lang dahil ang sakit pala.
Palingon- lingon ako sa mga dinaraanan ko, pero wala sila. Nasan ba kasi sila?
Nyemas pa, gago yon! Nakakainit pang ulo kanina hawak kamay silang pumasok sa Cafeteria, buti nalang nandito si Mage para libangin ako.
"Thanks Ethan dahil nandon ka para tulungan ako" narinig kong boses, napalingon ako sa bandang kaliwa don sa mga Guard House. Nandon sila!
"Ayaw ko lang na may mang-aapi sayo, wala silang karapatan na ganunin ka Phia" sagot naman nong gago.
Sarap niyang ipusak sa poste at patayin gamit ang karayon.!
"Ethan. Help me to move on" totoo ba tong naririnig ko? Lumapit pa ako ng kaunti "Ethan, i want to forget all about Caeden" patuloy pa ni Phia, bakat sa boses niya na umiiyak siya habang sinasabi yon.. Ganun ko na ba siya nasasaktan?
"I will" sagot ni Nathan at niyakap niya si Phia, sana ako nalang ang kayakap mo ngayon na aalis ng mga sakit sa puso mo pero pano ko magagawa yon kong ako mismo ang nagpapahirap sayo?
Pano ko masasabing mahal nga kita kung sinasaktan kita ng paulit- ulit? Sorry Phia! I didn't mean to hurt you.
I just need to end our relationship for the sake of your happiness!
Umalis na ako sa lugar na yon!
Gusto ko siyang maging masaya, siguro ako nalang ang iiwas para sa ikabubuti naming lahat.
"San ka galing Caeden?" nakasalubong ko si Vibeth na lingon ng lingon sa paligid.
"Oh bakit?"
"Kasi si Mage nasa clinic, inatake ata ng hika" what? Nyemas! Ito yong ayaw ko, ang nasstressed siya at nagagalit dahil inaatake siye ng hika niya, kaya kanina hindi ko magawang pagtanggol si Phia kahit gusto ko dahil ayaw kong maging ganito si Mage, wala pa naman siyang kinain, sinubuan niya lang kasi ako kanina pero siya hindi niya naasikaso sarili niya.
"Are you Okay Mage?" agad ko siyang niyakap ng makarating kami sa clinic, nakahiga lang siya sa Kama at may inaamoy na parang white flower, i dont know.
"Yes! Salamat at pinuntahan mo ako Caeden" niyakap niya rin ako pabalik! Mahal ko si Mage pero hanggang kapatid lang ang kaya kong maibigay sa kanya wala ng iba pa.
Ilang sandali pa umalis narin ako sa Clinic at pumunta sa klase ko, sana maging okay na si Mage at pati si Phia.
MAGE's POV
BINABASA MO ANG
MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]
Teen FictionMagic of Love// Completed// Self- Published// ~ Do Destiny Really Exist? Hanggang Paglaki Tayo Parin HUH? Yan yong eksakto niyang sinabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay parin ako na panghawakan niya ang mga binitiwan niyang salita! Do Destiny...