MOL CHAPTER 4

424 23 17
                                    

"Ma'am Phia, may tao po sa baba" umagang-umaga may bwisita. Tsk 

"Kung ang mga Gaga kung kaibigan lang naman yan, pakisabi ayaw kong pa-storbo sa pagtulog" ayaw ko muna silang makausap. Kung maaari nga ayaw ko muna silang makita. After what they did to me last night my gana pa silang pumunta dito. Kainis.

"Hindi po ang mga kaibigan niyo ang nasa baba" kung hindi sino? Wala naman akong ibang friends bukod sa kanila.

"Sino daw?"

"Caeden po, yong sikat na Leader ng Hi Five. Ma'am Phia, ang gwapo niya po pala sa personal" at talagang kinikilig pa si Manang. WTH, at anong ginagawa ng niya dito?

"Hindi siya Gwapo"

"Oo kaya Ma'am nagkakagulo nga po sa labas ng gate kanina, tapos pinapasok namin kaya nakapaauthograph kami. Tapos ang bait niya po" 

"At mas lalong hindi siya mabait"

"Mabait po siya Ma'am Phia" takte. Makulit. Hindi ko na sinagot si Manang.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. Ayaw ko naman magpakita sa kanya na gulo ang buhok at bagong gising.

"Bat ka nandito?" taas kilay kong bati. Ang sweet ko kasing bumati sa bwisita

"Maligo kana at samahan mo ako" wow ang bossy

"Ayaw ko"

"Sayo nanggaling na Boyfriend mo ako kaya ano ang dapat mong ginagawa hindi ba dapat sinasamahan ako?" antipatiko. Nyemas na lalaki to. 

"Sa ayaw ko nga"

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka sumasama sakin"

"Takte" bahala siya

"Stop cussing, pangit sa babae ang nagcucuss" oh sige, siya na ang hindi madumi magsalita.

"Tsk., wait me here" umakyat na ako sa taas upang magbihis.

Sasamahan ko siya ng matapos na, siguro naman 1 oras lang akong magtityaga sa ugali niya.

"Ang pangit mo, stop applying some dirty colors in your ugly face" ano daw?

"Shunga, hindi to color, Make up to" arte niya, light nga lang ei.

"Engot, mukha kang clown" problema niya ba sa mukha ko?

Pati ba naman make up ko kelangan mapansin niya pa?

Saka makacomment lang feeling boyfriend.

Ang Boyfriend for me is

1. Taller Than Me (Check)

2. Funny, Kinda Shy  (hindi siya funny at wala din siyang hiya)

3. Respectful and Caring (Mas lalong hindi, bastos nga yan sa mga babae)

4. Cute Smile (Serious look lang ang alam niyang expression. Yon Lang!)

5. Tell me I'm Beautiful (Rinig niyo naman kanina na pangit daw ako at engot na mukhang clown)

6. Accept me (Hindi ko alam)

So sa tingin niyo magugustuhan ko siya?

Like duh?

Hindi siya pasado sa taske ko!

"Ano tutunganga ka nalang diyan?" napatingin ako sa kanya na nasa kabilang pinto na ng sasakyan at balak ng sumakay. Ungentleman. Bagsak ka talaga sa taste ko.

MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon