"You're just kidding me right dad? Caeden? Gaga?" isa- isa ko silang tingnan habang may namumuo na ulit na luha sa mata ko, naghihintay na bawiin nila ang sinabi nila, please bawiin niyo ang sinabi niyo, pero nagtitinginan lang sila at parang naghihintayan kung sino ang magsasalita "Ano ba? tell me, diba binibiro niyo lang ako? Kahapon lang ako naaksidente kaya pano niyo sasabihin na January na? Nababaliw na ba kayo?" please, bawiin niyo sinabi niyo. Hindi ako naniniwala. Fresh na fresh pa sa utak ko ang mga nagyari kahapon kaya hindi nila ako maloloko na 5 months na ang nakalipas. Nababaliw na sila. "Ano ba magsalita kayo! DAD. Caeden? Ano ba?" sigaw ko sa kanila, pero sila nakayuko lang! Pakiramdam ko yong pagyuko nila isang matino nang sagot sa tanong ko!
Hindi ako pwedeng macoma ng ganun katagal! Hindi!
Tuluyan na nagbuhusan ang luha ko.. Ang tagal kong nakahiga, ang tagal kong walang nagawa sa buhay, hayop kang Nathan ka! Pagbabayaran mo lahat ng ito.
"Bitiwan mo nga ako" galit kong sigaw kay Caeden ng hawakan ang kamay ko, kahit hindi bukal sa loob ko na sigawan siya nagawa ako, nagagalit ako ng sobra sa sarili ko, maraming pwedeng mangyari sa loob ng limang buwan at ako nandito lang nakahiga at walang magawa.
"Phia" nagsisimula naring umiyak ang Gaga, si daddy niyayakap narin ako. Bakit kasi hindi nila bawiin ang mga sinabi nila?
CAEDEN's POV
Alam kong sobra siyang nasasaktan, hindi lang naman siya dahil pati ako at kaming lahat, sobra kaming natakot na baka hindi na siya magising, and thanks God dahil nagising na siya!.
"Knick stop crying, magpahinga ka muna at wag mong pagurin ang sarili mo" pakiusap ko sa kanya at niyakap rin siya.
Kaso tiningnan niya lang ako na may galit sa mga mata. Sana naman hindi na siya magkaganito please!
"Phia?" sigaw ko ng makitang pumikit ulit siya at hindi na ulit gumagalaw.
"Doc.Doc, Nurse?" kanya- kanya na kaming sigawan sa loob ng hospital, anong nagyari sa kanya?
"Tawagin niyo ang Doctor please" pakiusap ko kay Donghae, agad naman siyang lumabas at hinanap ang Doctor
"Anong nangyari bakit siya nakatulog ulit?" tanong namin sa isa't isa pero ni wala sa aming makasagot.
Ilang sandali pa ng dumating ang doctor at may kasamang Nurse, chineck ulit nila si Phia
"Doc, ano po bang nangyari at nakatulog ulit si Phia? Nagising na po siya kani- kanina lang" sabi ni Tito/ Daddy ni Phia sa Doctor.
"Sobrang nastressed lang siya, binigyan niyo ba siya ng dahilan para magsalita? Kung pwede sana hindi na muna ninyo siya kinausap" mahabang sabi ng doctor.
Sana pala hindi na muna namin sinabi ang lahat edi sana ngayon hindi siya nakatulog ulit! Tsk.
"Kelan po ulit siya magigising?" tanong ko naman sa doctor habang hawak- hawak ang kamay ni Phia
"Nakatulog lang siya, Maybe bukas magising narin siya. Sige ayos na ang pasyente, Excuse me" umalis na nga ang doctor at ang Nurse. Sana gumising na siya!
Sobra na kaming natatakot sa situation niya, 5 months na rin siyang tulog at ayaw kong maulit pa yon!
Araw- araw hindi ako nagkulang sa pagdarasal na sana magising na siya at natapos ang 5 buwan, tinupad narin ni God ang hiling ko.
"Guys kung pwede paggising niya wag na muna natin siyang bigyan ng pwede niyang ikabahala" umupo ako sa may sofa at nagsisimulang kausapin silang lahat
BINABASA MO ANG
MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]
Novela JuvenilMagic of Love// Completed// Self- Published// ~ Do Destiny Really Exist? Hanggang Paglaki Tayo Parin HUH? Yan yong eksakto niyang sinabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay parin ako na panghawakan niya ang mga binitiwan niyang salita! Do Destiny...