PHIA'S POV
Maagang- maaga akong pumasok sa Klase, nakayuko lang akong naglalakad, alam ko kasing maga ang mata ko dahil sa iyak kagabi. Hindi ko na nga matandaan kong anong oras ba ako nakatulog tanging alam ko nalang iyak lang ako ng iyak.
"Hi Phia" nagtabihan sakin ang Gaga Girls.. Nakaupo na kasi ako sa may Lagon dahil maaga pa naman.
Buti pa sila parang walang problema..
Sana hindi nalang ako nakinig sa kanila nong sinabi nila na maghanap na ako ng iba!
Sana hindi ko minahal si Caeden.
"Phia, umiyak ka?" itinaas ni Yuri ang buhok ko, tinabunan ko kasi mukha ko ng bangs para hindi nila mapansin ang mata ko kaso napansin parin.
"No! Napuyat lang" nagtinginan lang sila sa sinabi ko, alam kong hindi naman sila naniwala pero ayaw ko muna talaga kasing magkwento, ayaw ko munang maisip ang mga masasakit na nangyayari.
"Kung gusto mo nang magkwento nandito lang kami, pero ngayon na hindi kapa ready hahayaan kalang namin" sabay- sabay silang nagyakapan sakin, kahit nawala si Caeden sakin im so thankful dahil nandito parin ang mga kaibigan ko. Hindi nila ako magawalang iwan kahit busy narin sila.
Nagisa-isa na kaming umalis at umattend ng klase, si Nathan hindi rin masyadong nakibo. Hindi niya rin ako masyadong kinakausap!.
Hanggang sa dumating sa ikatatlong subject, mas nanaisin ko nalang sanang hindi siya maging kaklase kasi parang ang sakit lang na makikita at makakatabi mo yon taong dahilan kung bakit iniwan ng Boyfriend mo.
"Hi Phia" bati niya ulit sakin, sarap niyang sabunutan, Hindi ko siya binati, galit ako sa kanila. Galit ako!
"Phia, tahimik mo" siya ulit
"Pwede ba Mage! wag mo kong kinakausap, hindi kita kaibigan kaya stop talking to me bitch" nagtinginan sakin ang iba kong kaklase, siguro nagtaka sila dahil sumigaw ako. Kahit din ako nagtaka dahil sa sinabi ko pero galit ako at hindi ko napigilan na masabi yon.
Hindi siya kumibo sa sinabi ko, umalis nalang siya ng Classroom pero masama ang tingin niya sakin.
"Sama talaga ugali niyang si Sophia"
"So true! Purket sikat nangaapi na"
"At ang malala ang Fiance pa ni Caeden"
"Kala ko nga siya Girlfriend ni Caeden hindi naman pala"
Bulong- bulungan sa klase, nagtatawanan pa yong iba. Pakiramdam ko napapahiya ako.!
Ako lang pala yong nagmumukhang tanga na nagaakala na magpinsan sila dati dahil lahat halos sila alam na.
"Pwede ba wag kayong magbulungan na dinig ko naman, mukha kayong mga lamok na bulong ng bulong" tumayo ako at taas kilay kong sabi, kinuha ko narin ang bag ko at lumabas.
Nakaka-asiwa ang araw na ito, kung hindi ako masaktan, napahiya naman!.
Wala pa ngang isang buwan ako dito sa school na ito pero parang disaster na!
"Stop crying" rinig kong nagsalita sa likod, sumunod niya?
Hindi ako sumagot, tuloy- tuloy lang ako sa paglalakad habang umiiyak. Nagmumukha akong tanga pero wala akong pakialam, as long as hindi ko sila naaapektuhan i can do anything.
BINABASA MO ANG
MAGIC OF LOVE [Do Destiny Really Exist?] ~ [Completed]
Teen FictionMagic of Love// Completed// Self- Published// ~ Do Destiny Really Exist? Hanggang Paglaki Tayo Parin HUH? Yan yong eksakto niyang sinabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay parin ako na panghawakan niya ang mga binitiwan niyang salita! Do Destiny...