Sarah Pov.
From : Blake
Garden.
Yan lang ang laman ng text niya. Napabuntong hininga na lang ako at nag umpisa ng maglakad papunta ng Garden kung saan dun kami magkikita. Ng makarating ako nakita ko siyang nakasandig sa isang pader habang nakapamulsa.
Nginitian ko siya but ofcourse he's mad at me so hindi siya ngumiti saken pabalik . Lumapit ako sa kanya at hahalik na sana sa pisngi niya pero agad niya yung iniwas at lumayo ng konti saken. Parang may kung ano namang tumusok sa dibdib ko dahil sa inasal niya.
I can't imagine na kaya niya ng gawin saken to... Bakit ? Dahil sawa na siya saken..? Dahil nagamit niya na ang katawan ko.. ?
" Let's end this f*cking relationship Sarah ! Gusto kong ibalik yung dating tayo... Yung dating pagkakaibigan natin... "
Napaupo ako dahil sa sinabi niya.... What ?! End ?! Ang alin ? Anong relationship ?! Yung pagiging Bestfriend with benefits ba namin ?! Pero bakit ?! Dahil tapos na siya sa katawan ko...
" B-but w-why ? H-hindi ka na ba masaya sa ganitong set-up natin ? "
Umiiyak kong tanong sa kanya. Napapikit ako ng bigla niyang suntukin yung pader.
" Damn Sarah ?! Gusto ko ng ayusin natin to ! Ayoko na ng ganitong set up ! I have a girlfriend and i don want to cheat her ! I love her so much ! So please ! "
Tumayo ako at pinunasan ang luhang walang tigil sa pagtulo. Napatawa ako ng mapakla dahil sa naramdaman kong pumapatak na tubig sa braso ko. It's Rain ! Nakikiramay ang ulan saken.
" Yeah i know ! You love her so much ! Kailangan mo pa bang ipamukha saken palagi kong gaano mo siya kamahal ?! Pero ako kailan mo nga ba naisip ang nararamdaman ko ? Diba kahit kailan naman hindi mo yun naisip dahil palaging si Bianca na lang nakikita mo ! Fine ! If that what you want ! Let's end this fucking relationship ! But dont expect na yung friendship natin dati ay maibabalik ! "
Sabay talikod sa kanya. Bawat hakbang ko parang pabigat ng pabigat sa pakiramdam. Bawat patak ng luha ko lalong nagpapasakit saken pero sa tingin ko ito na ang tamang oras para sarili ko naman ang isipin ko... Sarili namin ng magiging anak ko..
You read it right ?! Yes im pregnant at si Blake ang ama but i think wala ng dahilan para sabihin ko sa kanya to.. Lalo pa at sobrang mahal niya si Bianca... Kahit na niloloko siya lang nito.
Sandali akong tumigil at humarap sa kanya na namumula rin ang mata. Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis.. Ito na ang huling beses na makikita mo ang ngiti ko Blake...
Siguro eto na nga ang right time para i-let go ka na at hayaang maging masaya sa piling niya....
" I love you Blake and goodbye "
I yelled with him at tumalikod na kasabay nun ang huling luhang pumatak sa aking mata. Wala na kong nagawa kundi ang tumakbo..
Tumakbo papalayo sa lalaking minahal ko ng ilang taon. Sa lalaking kahit kailan ay hindi ako natutunang mahalin. Sa lalaking kahit kailan ay hindi magiging akin.
" I promise to you baby ! Kahit wala na si daddy ! Iingatan kita at mamahalin ng buong puso .... I love you baby "
Walang magbabago Blake... Walang magbabago sa nararamdaman ko para sayo...
At sana maging masaya ka na...... Dahil ako masaya na ko kung sa kanya ka magiging masaya...
Hindi ako sumuko....
Mas pinili ko lang ang nararapat.... Nararapat kung saan ka magiging masaya....
___PrincessDonalyn18
![](https://img.wattpad.com/cover/103054977-288-k819600.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You (Romance)
Lãng mạnIsang babaeng walang ibang hinangad kundi ang mahalin din siya ng lalaking mahal na mahal niya at pinagkatiwalaan niya ng pagkababae niya ! Pero ang lalaki namang kanyang minamahal ay isang bestfriend lang ang turing sa kanya at katawan lang ang hab...