Sarah Pov.
Nandito na ko sa condo ko. Nakahiga habang yakap-yakap ang unan ni Blake na ginagamit niya kapag dito sita natutulog. Nasa Clinic ako kanina at si Rey pala ang bumuhat saken papunta sa Clinic dahil nawalan daw ako ng malay. Atleast ang laki ng pasasalamat ko sa kanya kasi kahit na masama na yung image ko sa buong Campus ay tinulungan niya pa rin ako at kahit na na-busted ko siya noon ay nagawa niya pa rin akong tulungan.
Sana nga si Rey na lang yung minahal ko eh. Dahil kung siya ang minahal ko, siguro hindi ako masasaktan katulad ng sitwasyon ko ngayon. Kaya lang puso ko na ang tumibok eh. Kahit na anong gawin mong pag-deny sa nararamdaman mo sa kanya hindi mo pa rin yun kayang itago.
Napabuntong-hininga na lang ako at bumangon sa kama. Eto na yung araw para kalimutan ko ang lahat ng masasayang moments na nangyari sameng dalawa. Panahon naman siguro na sarili ko naman ang isipin ko at ang anak ko. Tama nga si Yannah, hindi lang sa kanya iikot ang mundo ko kung sakaling bitawan ko na siya.
___
Habang kumakain ako ng piña na may suka at sili na dala ni Yannah kanina ay may nag-buzz sa pinto ng condo ko. Kumunot ang noo ko, wala akong matandaan na may bibisita saken sa ganitong oras. Well, it's already 9pm. Imposibleng si dad yun eh nasa Canada si Dad ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako ng maisip si Dad. Paano kung umuwi siya at malaman ang nangyari sa Campus at tungkol samen ni Blake ? Sigurado akong magagalit siya at sasaktan ako lalo pa at buntis ako.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa couch at pumunta sa harap ng pintuan at huminga ng malalim.
Nang mabuksan ko na ang pinto. Ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ang lalaking basta na lang pumasok at niyakap ako ng mahigpit. Kasabay nun ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na naramdaman ko.
Bakit ? Bakit nagpakita siya saken ? Ngayong sinusubukan ko na siyang kalimutan ?
" B-blake "
__
PrincessDonalyn18

BINABASA MO ANG
I Love You (Romance)
RomanceIsang babaeng walang ibang hinangad kundi ang mahalin din siya ng lalaking mahal na mahal niya at pinagkatiwalaan niya ng pagkababae niya ! Pero ang lalaki namang kanyang minamahal ay isang bestfriend lang ang turing sa kanya at katawan lang ang hab...