Chapter 21 :

815 30 12
                                    





Sarah Pov.








Habang naglalakad ako sa Hallway ng University namin ay napansin ko na parang lahat sila ay nakatingin saken. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa mga tingin nilang parang nandidiri.







Pagpasok ko pa lang ng room ay halos mapaluhod ako sa nakikita ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.









' Oh my god ! Akala ko naman malinis siyang babae '









' oo nga ! Look oh ! Talagang inahas niya ang boyfriend ni Bianca '








' My god hindi na siya nahiya '








' Ewwww !! Campus Crush pa naman siya '








' nakakadiri siya !'








' mang-aagaw '









Yan ang ilan sa mga salita ng mga kaklase ko ang naririnig ko habang nasa pinto. Nanatiling nakatingin pa rin ako sa blackboard namin na puno ng stolen pictures namin ni Blake, meron ding naghahalikan kami at magkatabing matulog sa Kama na tanging kumot lang ang nakatakip.









" Look who's here ! "









Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Bianca na nakasmirk at naka cross arm kasama ang dalawang alipores niya.








" B-bianca ! "








Utal kong tawag sa kanya habang patuloy pa ring umaagos ang luha sa dalawang mata ko. Tumaas naman ang kilay niya at ngumisi.









" The one and only my Step-sister "







Para akong nabuhayan ng dugo at walang anong-ano ay sinugod ko si Bianca at akmang sasabunutan na sana ng may hunawak sa wrist ko at si Yannah lang pala.









" Stop it Sarah, baka mapano ka "








Mahina niyang sabi. Nangangatal na ibinaba ko ang kamay ko at tumingin kay Bianca na may nakakalokong ngiti.








" Tell me ?! Ikaw ba ang may gawa nito ha ?!! "









Malakas kong sabi. Halata naman siyang nagulat pero bumalik din pagngisi.









" Then what if ako nga ?! "









Matapang niyang sabi. Napahagulhol ako at napahawak sa braso ni Yannah na ngayon ay ang sama ng tingin kay Bianca. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin samen. Kasama na dun ang mga kaibigan ni Blake na naaawang nakatingin saken except sa isa na ngayon ay naka-smirk... Jake










" Napaka-walanghiya mo alam mo ba yun ?! "








Sigaw ko. Sumeryoso naman ang mukha niya at lumapit ng konti saken.









" Yes ! Im a b*tch ! At ikaw ? Slut ka !! Nilandi mo ang boyfriend ko ?? "








Sigaw niya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa totoo lang nasasaktan ako.. Hindi ko ginusto ang gusto ni Blake na maging bestfriend with benefits kami. Ang sakit lang sobra....








" LISTEN EVERYONE !! THIS GIRL INFRONT OF YOURS !! ANG HINAHANGAAN NIYO AY MAY TAGLAY DING KALANDIAN !? DAHIL NILANDI NIYA LANG NAMAN ANG BOYFRIEND KO !! SI BLAKE !! ANG CAMPUS HEARTHROB "









Malakas niyang sigaw. Napasinghap naman ang iba habang ang iba ay nagbubulungan. Feeling ko nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa kahihiyan.









Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang pagtawag ni Yannah sa pangalan ko.








" SARAH !! "









then everything when blank...













__

PrincessDonalyn18

I Love You (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon