Chapter Three

33K 842 42
                                    

"I was nearby the area when i saw you walking in here."

Walang nagtatanong. Taas kilay na bulong niya. She was holding a newspaper pero wala doon ang mga mata niya. Props lang niya iyon. Just an excuse to make this Arrogant Man shut his mouth up. Pero mukhang feeling close n ito dahil panay ang daldal sa tabi niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito. And take note, wala man lamang sorry na natatanggap siya mula dito. Ipinagpatuloy niya ang pagiignora dito nang muli na naman itong magsalita.

"I really admire people who has a wonderful talent." Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.

Masama ang tingin na ipinukol niya dito. Kung hindi lang talaga malaki ang porsyentong hawak ito nungkang pumayag siya sa mga napagusapan nila ni Mr. Padilla. "Kaya mo palang magbasa ng newspaper ng pabaliktad."Agad nawalaa ng kunot ng mga noo niya ng marealized niya kung ano ang sinabi nito.

Bumaba ang mga mata niya deretso sa hawak na diyaryo. Halos lumubog siya sa kinauupuan ng makitang baliktad nga iyon. "P-Pakialam mo.. S-Sa gusto kong magbasa ng p-pabaliktad." Bawi niya sa pagkapahiya.

Lihim siyang nagngitngit sa sarili. Baka kasi kung ano na ang iniisip ng lalaking ito sa kanya. Baka isipin nito nagpapansin lang siya na hinding hindi naman niya gagawin.

Binitiwan nalang niya ang hawak na diyaryo at ang cellphone nalang niya ang kinalikot niya. Nasa level twenty-six  na siya sa reverse challenge ng color switch. Inabala nalang niya ang sarili doon.

Naramdaman niya ang pagtayo ng kausap niya. Nang mag angat siya ng tingin ay kausap na nito ang isa sa mga helper ng shop. "Sir! Sabi ko naman sa inyo, kayang kayang gawin ang kotse niyo e. Inuna pa namin 'yan. Alam niyo naman malakas kayo samin."

Naningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi ng lalaki. Padaskol siyang lumapit sa mga ito. Kanina pa ang lalaking ito s akanya. Namumuro na ito. Konti nalang bibinggo kana!

"Ah! So, palakasan pala dito." Imik niya.

Matalim ang mga matang ipinukol niya sa helper ng shop. "M-Ma'am.. "

Ipinapat niya sa dibdib ang dalawang braso. "I check in my car, past ten kaninang umaga. Ang sabi niyo balikan ko after an hour. Almost thirty minutes na nga akong late at hanggang ngayon ay naghihintay pa ako. Tapos itong lalaking ito, mukhang kadarating lang naman. Tapos na agad" Sabay duro niya kay Mr. Tolentino. "Wow ha! SM lang ang peg niyo! My Privilege card!" Sarkastiko niyang sabi.

Nagyuko ng ulo ang helper. Mukha namang nagiguilty ito. "I'm sorry m-ma'am.. Ano po kasi..."

"It's okay Mang Cris.. You may go Back to work." Naiinis na tinignan niya si Mr. Tolentino. pinaalis nito ang lalaki nang di man lamang pa nagpapaliwanag sa kanya.

"Mayabang ka!" Angil niya dito. Nilinga linga niya ang paligid. All workers are busy in their works. Ang sasakyan niya ay hindi pa tapos i-buff. Na labis naman niyang ikinakainis. Nagpalinga linga pa siya.

"Sino ba kasing hinahanap mo?" Tanong ng binata sa tabi niya.

"Hinahanap ko 'yung may ari nitong shop. I will complain to stop tolerating this kind of special treatment. Lalo na kung sa mga gaya mo." Naiinis na kuda niya.

His smile appeared in his face. Parang sandaling tumigil ang oras at napatitig siya doon. She haven't seen any guy na mayroong ganitong klaseng ngiti. Pwede na itong endorser ng isang brand ng toothpaste. His pearly white teeth flashing in front of her. Napalunok siya ng makita niyang bahagyang kumibot ang labi nito.

"Looking for the owner?"

Tumango siya.

"I'm here. Ako ang may ari nitong shop."





To be continued...

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon