Chapter Seventeen

26.8K 732 34
                                    

She showered him with her little perky kisses all over his face. "Sorry na. Mali naman kasi ang interpretation mo dun sa nakita mo eh." He just shoved her arms na nakayakap dito. Pagkatapos ay may dinukot sa bulsa ng suot nitong pantalon.

"You're smoking." She said with full of shock in her face. She saw him puffing out his cigarette.

Tumango ito. "Occasionally. Especially when im frustrated."

There's nothing wrong about smoking. Every guy does. Pero hindi niya lubos maisip na ang clean-looking-guy na nakilala niya ay marunong pala manigarilyo. Umiling iling siya at binalikan ang sinabi nito. "So kasama ako sa frustration mo ganoon ba? Kaya di mo ako kinakausap and puffing your cigarette instead?" May halong tampo sa tinig niya.

"How would i react? Binigyan lang naman ng isang teenager mg bulaklak ang babaing nililigawan niya, considering that he was totally announced it to the whole community that he likes the girl." Natameme siya.

Napapadyak siya ng paa. "Eh! Mali nga kasi ang iniisip mo." Napahawak siya sa sentido niya. Napakaliit na bagay ay lumalaki dahil sa pagtatalong ito. "Buti pa lalabas na ako. Hindi ko kailangang makipagtalo sa taong makitid ang utak." Nakita niyang idinutdot nito ang sigarilyo sa ashtray na nakita nito sa isang tabi.

Tuluyan na niya itong tinalikuran. "Why it's so hard for you to see that i am jealous?"

Nahinto siya ng paghakbang. Nagseselos siya"I'm jealous. Before i saw you with that kid. Nakausap ng tatay mo ang tatay niya. And I was also there. The old man as your father kung pwedeng manligaw ang anak niya. I suspected that it was Delaney. And your father agreed. Kaya nagiba ang tingin ko kanina because i saw him giving you flowers. Gusto kong sapakin ang batang 'yon at ibalik sa sinapupunan ng nanay niya. And i became more jealous when you smelled the flowers at mukhang masayang masaya ka pa. I swear kung nagtagal pa ang pagkakayakap ng batang 'yon sayo baka lumpo na siya ngayon." She don't know what to say. There's a part of her na nagagalit dito but the same time ay kinikilig. He acting weird because he is jealous. And the kilig na nararamdaman niya ay tagos hanggang bone marrow.

"You're J-Jealous?" Nagtataka paring tanong niya. Naramdaman niya ang malalaking kamay nito na dumantay sa balikat niya.

"Porke't hindi pa kita girlfriend wala pa akong karapatang magselos? Damn! Araw araw nagseselos ako, especially everyday that you are out of my sight." Pigil pigil niya ang wag mangiti ng sobra. Pero sobra din magpakilig ang mokong na ito.

"Lasing kalang kaya nasasabi mo 'yan." Alam niyang hindi ito lasing. Binibiro lang niya ito. Para lang mapagtakpan niya ang kilig na nadarama.

He narrowed his eyes. "I'm not that drunk! At saka lasing man o hindi alam ko ang sinasabi ko. Because this.." Itinapat nito ang palad niya sa sarili nitong dibdib. Nadama niya ang mabilis n pintig ng puso nito. "...speaks for me."

Alam niyang namula ang pisngi niya dahil sa sinabi nito alright, kinikilig siya at walang makakapagsabi kung hanggang kailan siya kikiligin. Hinampas niya ito sa dibdib. "Baliw, nasisiraan ka na talaga ng bait." Nagyuko siya ng ulo.

Hinawakan nito ang pisngi niya at iniharap sa kanya. "Look at my eyes and tell me na hindi mo ako gusto." Oh! Mas mahirap 'yon!

Kagat labing sinalubong niya ang mga mata nito. Parang hindi niya kaya. Hindi niya kayang sabihing hindi niya ito gusto. Because, honestly she like him. At alam niyang hindi lang simpleng pagkakagusto dito ang nararamdaman niya. Malalim pa doon.

Humaplos sa malabot niyang pisngi ang mga daliri nito. "See.. Hindi ka makasagot. Alam kong gusto mo rin ako."

Napapahiyang inirapan niya ito. "Conceited!" Humalakhak lang ito.

"Well at least, magyabang man ako eh yung totoo." Niyakap siya nito. Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito at saka gumanti ng yakap. Wala mang salitaan pero alam niyang nagkakaintindihan na sila. Hihintayin nalang nila ang pasya ng kinauukulan. Pero kung ano man 'yon sana ay pabor sa kanila. "I promised you that i will never ever make you cry."

Pumikit siya. "Thank you..."

"Flor? Flor? Nan'dyan kaba? Anak? Narito na sina Mr. At Mrs. Ventura kanina ka pa hinahanap."

Mabilis silang naghiwalay ni Josue nang marinig nila ang tinig ng ina sa labas ng pintuan. Saka lang niya narealized na nailock niya pala ang pinto.





To be continued...




--------

Oh! Ano? Umasa kayo no? Hahaha.. Ayan nalabas ang mga berde dito. Hahaha.. Nakabasa lang ng basement akala may SPG na. Di ba pwedeng maguusap lang? Hehehehe.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon