Chapter Twelve

27.1K 735 32
                                    

Pasado alas otso na ng gabi. Kanina pang alas siyete ay nasa kanya kanya na silang silid. Ganito naman talaga ang buhay dito sa  San Simon. Maaga palang ay nasa loob na ng bahay ang mga tao.

Lumapit siya sa Bintana. Medyo malamig ang hangin ngayon kaya naisip niyang hindi nalang siya magbubuhay ng air-con. Pampababawas expenses din nila. Akma siyang tatalikod sa bintana ng bahagya niyang hawiin ang makakapal na kurtina doon ng may mapansin siya.

She saw a Man silhouette. Napuno ng pagtataka ang isip niya. Nakaharap sa tapat ng duyan ang bintana niya. Sa ilalim ng mayabong puno ng madre cacao.

Nang gumalaw ang tao. Sinundan niya ang kilos nito. Nakita niyang inayos nito ang unan sa duyan. UnanSaka lang niya mas nakilala kung sino ang lalaki sa labas ng bahay nila.

"Josue..." Mahinang bulong niya. Talaga palang seseryosohin nito ang sinabi ng ama niya na kailangan nitong matulog sa labas ng bahay nila. "Nababaliw na ba talaga siya?" Muling bulong niya.

Nagtagal siya ng ilang minuto mula sa lihim na pagmamasid sa binata. Humiga ito sa duyan habang nakatakip sa mga mata ang isang braso. Maya-maya pa'y sunod sunod na ang paghampas nito sa mga braso. Kinakagat na marahil ng lamok. Sino ba naman kasing baliw na lalaki ng tutulog sa labas ng bahay ng isang babae para lang magpaimpress? Si Josue lang. She groaned again.

Lumabas siya ng silid at saka maingat na bumaba ng hagdan. Madilim na ang buong kabahayanan. Konting kaluskos lang ay maaaring magising ang nanay at tatay niya. Pagdating sa kusina ay binuksan niya ang mga cabinet doon. Naghahanap siya ng Mosquito Coil.

Pagkakita'y binuksan niya ang back door at saka namaybay doon patungo sa duyan. "Pssttt... " Twag niya sa binatang abala sa pakikipaglaban sa mga lamok.

"Flor... " Mabilis na bumangon ito sa pagkakahiga. "Malamok na. Bakit lumabas kapa?"

Inikutan niya ito ng mga mata. "Hindi bagay sayo ang pagpapaka-martir. Sino ba naman kasi ang nagsabi sayong matulog ka d'yan? I'm sure
you can afford to spend your night to some five star hotel dito sa San Simon." Sabi niya.

"Sinabi ng tatay mo na kailangan kong matulog ng isang daang gabi dito. So i will." Simpleng sagot nito.

"Pero hindi mo dapat seryosohin 'yon. It's just a challenge na sinusubok niya kung kaya mo. I'm sure bukas aayaw kana."

"At sinong nagsabing aayaw na ako? Damn! It's just a mosquito! Kapag nagsawa na sila sa lasa ng dugo lulubayan din nila ako." Tumirik nalang ang mga mata niya dahil sa kakulitan nito. Padaskol niyang inabot dito ang katol at posporo na kinuha niya sa kusina. "Ayan! Sindihan mo para hindi ka ubusin ng lamok. Baka kasi bukas paggising mo kalansay ka nalang." Aniya sabay talikod dito.

Bubuksan niya ang screen door nang hawakan nito ang braso niya. "Makikiinom sana ako ng tubig. Hindi kasi ako makatulog ng hindi nainom ng tubig."

Tinanguan niya ito senyales na sundan siya. Kumuha siya ng baso sa cupboard at saka binuksan ang ref. Ipinagsalin niya ito ng tubig sa baso at saka inabot dito.

Nakaharap ito sa kanya habang nilalagok ang malamig na tubig. Sinadya o hindi but he look so damn sexy sa paraan ng paglagok nito ng tubig. May maliliit at pinong butil sa lalamunan nito na umaagos sa kada galaw ng Adams apple nito.

Sunod sunod siyang napalunok. Hindi niya alam na ang simpleng paginom ng tubig ay nakakasexy palang tignan lalo na kung sa lalaki.

"Ang sarap." He stuck out his tongue at saka pinaikot iyon sa paligid ng labi nito habang nakatingin sa kanya. Napakagat labi siya dahil sa ginawa nito. May mga tulo rin ng tubig ang nasa baba nito pababa pa sa leeg. Hinabol iyon ng mga mata niya.

At halos matuyuan siya ng lalamunan ng gumapang ang mumunting tubig pababa sa suot nitong puting kamiseta. Get a grip Flor!

Napahawak siya sa edge ng marmol kitchen counter. Namamasa ang mga palad niya dahil doon. At higit sa lahat, biglang sumikip at uminit ang paligid dahil ang distansya nila kanina ay mas lumiit pa. "A-Anong ginagawa mo?"

It's too late, because Josue lips captured her. At wala nang tinig na lumabas sa mga labi niya dahil nakulong na ang mga iyon sa bibig ng binata.




To be continued...



-------

#MatakotSaKagatNgLamok

Matuloy o hindi.. Magingat sa mga lamok. Hahaha! Nakaakbuntis este nakakamatay yan! Hahaha

Happy reading.
Ai:)

P. S
May 01 (Labors day) ang huling pasahan ng entries para sa cover making contest. Good luck.

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon