"Aaahhh!"
Mabilis siyang tumakbo sa lababo at binuksan ang gripo. Isinahod niya ang bibig doon at nagmumog. "Jos!" Mabilis namang dumalo ang Misis niya sa kanya. "What happened?"
He pulled the table napkin from the rack at pinahiran ang bibig. "I'm glad you asked." Sarkastikong sabi niya.
Vanilla was laughing so hard at the corner of the dining room. Namaywang ang misis niya sa maldita nilang panganay. "What you did this time Florence Vanilla?"
Pinigil nito ang pagtawa at tumingin sa kanya. He sighed. How can he get mad to his own daughter? Kahit pa palagi siya nitong pinagpapratisan ng mga pranks nito. "I put some ground pepper in tatay's hot coffee." She confessed while biting her lower lip.
His wife groaned again. Maselan ang kondisyon nito ngayon. Pagkatapos ng apat na taong paghihintay ay masusundan na si Vanilla. And they're expecting a bouncing baby boy now! "It's okay.. Magpahinga ka na muna." Inakay niya ang asawa paupo sa sofa.
Lumapit naman sa kanya si Vanilla. "Are you mad at me tatay?" Kinarga niya si Vanilla at hinalikan sa noo.
"Ang ginawa mo ay hindi tama. Kapag sa iba mo ginawa iyon ay magagalit sila sayo. So don't do it again honey." Nakikinig naman si Vanilla. May mga pagkakataon talagang lumalabas ang kamalditahan at kapilyahan nito. Kagaya nalang ng ginawa nito kani-kanina lang. Iniwan niya ito sa dining table dahil humihingi ito ng gatas. At nang bumalik siya at hinigop niya ang mainit na kape ay halos umusok ang bumbunan niya dahil sa daming paminta!
She frowned. "But tita laney said it's okay to have some jokes. It's fun!" Nagpakawala siya ng bugtong hininga. Si Delaney na naman ang nagturo sa anak nila.
Tinignan niya ang asawang nakatingin din pala sa kanya. "I want to wring your sister neck dahil sa mga itinuturo sa anak natin. Sa kanya natututo ng kapilyhan itong si Vanilla."
Natawa ang asawa niya. "Hindi ka pa nasanay. They're like a birds. Parehong pareho."
"Dapat ba kitang sisihin dahil doon?" Dalawang taon pagkatapos ng kasal nila ay mas pinili nilang dito manirahan sa San Simon. Nakabili silang mag asawa ng bahay. At paminsan minsan ay nadalaw sila sa mga biyenan niya. Ang mga magulang naman niya ay nalulungkot parin sa pagalis nila ng Seoul pero sinabi naman nilang mag asawa na pwedeng magbakasyon ang mga ito dito sa bahay nila. Mas pinili na kasi nila dito dahil sa pagbubuntis noon ni Flor kay vanilla.
At walang gabi na hindi nito katabing matulog di Delaney. Pinaglihihan ng asawa niya anv kapatid nito. Kaya ng lumabas si vanilla ay mini-delaney. "Ako na naman?" Kumunot na namana ng noo nito.
"Oo ikaw. Dahil itong si vanilla ay pinagsamang ikaw at si Delaney." Doon ito ngumiti. Naghalo ang kamalditahan nito at ni Delaney kaya ganito ang behavior ng anak nila. Nasobrahan na yata. "I just wished our second baby ay hindi maging gaya ng ate niya. My God! I can't imagine myself seeing my son doing some dirty tricks over me!" Tumawa ang asawa niya.
Kahit buntis ito napakaganda pa rin. Maraming nagsasabing lalaki talaga ang anak nila. "Kaya mister, masanay kana. Lalo na kapag lumabas si bunso."
Sumabat si Vanilla. "Hindi na ako bunso?" Na sinabayan ng hikbi.
Nagkatinginan silang mag asawa. "Of course not! Baby ka parin namin ni nanay. Pero bawas bawasan mo ang kamalditahan anak."
Hinalikan niya ito sa noo. Maldita lang ang anak nila pero malambing at mabait naman. "Siya nga pala, narito si tatay mamaya. Nakiusap ako sa kanya na dito muna siya. Namimiss ko na kasi si tatay. Noong isang araw ko pa siya gustong makita eh."
Natigilan siya. "Naglilihi ka parin?" Wala sa sariling naitanong niya. Wag naman sanang makaugali ng biyenan niya ang junior niya. Baka atakihin na siya sa puso.
Sumandal ang misis niya sa kanya. "Sige na mahal, magbabait naman daw si tatay. Di ka raw niya aawayin."
"I doubt it!" Bulong niya. Okay naman sila ng biyenan niya. Sadya lang talagang istrikto ito at masyadong old fashioned.
He groaned in defeat. "Fine. Dalawang araw lang. Tama nang naglihi ka kay Delaney. Utang na loob wag sa tatay mo! Baka lumabas ang anak nating may hawak nang itak!"
"What's itak tatay?" Sabay ilang nagkatinginan kay Vanilla. Curiosity written in her eyes.
Kinarga niya ito at inakay naman ang asawa sa kusina. "Wala 'yon anak. Tara mag almusal na tayo."
Inakbayan niya si Flor at sabay sabay silang nagtungo sa hapag.
--------
Maraming salamuch po sa lahat ng walang sawang sumubaybay sa kwentong ito. Sana suportahan niyo rin si Raphael.
Love lots,
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino
General FictionGENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan sinaunang lahi nila. And it happened that Nikita Kim...