Chapter Twenty Two

26.9K 724 55
                                    

"Wag na wag na magpapakita ang hayop na 'yon dito! Mapapatay ko talaga siya!"

Nanggagalaiti sa galit ang kanyang ama ng gabing 'yon. Niyakap siya ng kanyang ina. "Sshh. Tahan na. Palagay ko'y may maayos na paliwanag si Josue sayo. Kung bakit ka sinugod dito ng babaing 'yon."

Hindi na niya napigilan ang bibig ni Delaney ng magsumbong ito sa nanay at tatay niya. "At anong paliwanag ang ipapaliwanag ng demonyong 'yon?" Galit na tanong ng kanyang ama. Nagbabaga sa galit ang mga mata nito. "Tao natin siyang pinatuloy dito sa bahay natin pero ganoon lang ang igaganti niya?"

"Florencio! Ano ka bang tao ka? Imbes na pagaanin mo ang loob ng anak mo nagatong ka pa!" Saway ng ina niya sa asawa.

Nagpalakad lakad sa salas ang ama niya. "At bakit hindi? Akala ko tao siyang kausap! 'yon pala ganyan lang ang gagawin sa anak natin! Kung alam ko lang sana noon pa!  Edi hindi ako pumayag na maging nobyo ng anak ko ang hinayupak na iyon!"

Mariin na lamang siyang napapikit. Masakit para sa kanya na malamang ganoon pala ang tingin ni Josue sa relasyon nila. Siguro kung nagsabi lang ito ng mas maaga baka mas naintindihan niya ito.

Ano bang mas kinasasama ng loob mo?  Ang katotohanan na tinago niya sayo ang totoong motibo niya o ang masakit na reyalidad na mag aasawa na pala siya. At hindi ikaw? Pareho siguro. Parehong masakit. Parehong nakakadurog. Kahit sino naman sigurong babae ang tumayo sa sitwasyon niya ay kapareho ng mararamdaman niya. Masakita ng lokohin at saktan. Pero mas masakit umasa na pwede kayo hanggang sa huli.

"At ang mapapangasawa ng lalaking iyon! Ang kapal ng mukha na pumarito para ano? Saktan ang anak ko? Kung ako ang narito kanina ng gawin niya iyon! Hindi lang sampal ang aabutin niya sakin." Tumalislis na siya paakyat sa silid niya. Hindi naman niya makokontrol ang bibig ng ama niya. Galit ito at nasisiguro niyang ang galit nito ay hindi magagamot ng kahit ano.

Pagkaakyat sa kwarto niya at saka siya namaluktot sa pagkakahiga. Pilit na niyang iwinawaglit sa isip ang lahat. Baka kasi kapag nagawa niyang mabura iyon ay magigising siya kinabukasan na panaginip lang pala. Na walang Josue ang dumating sa buhay niya. Josue na ginulo ang isip at puso niya. Tinuruan siya ng maraming bagay at itinuring na tila pinakamagandang babae sa buong mundo.

Pinilit niyang pagaanin ang isip. Tunog ng nagwawalang cellphone niya ang nagpamulat muli sa mga mata niya. Hindi nakasave ang number ng tumatawag. Inisip niyang tungkol sa trabaho iyon kaya sinagot niya. "Hello?" Pinapormal niya ang tinig.

"Baby... " Anas ng nasa kabilang linya. Tila napako siya. "Let us talk. Please... I'm here.. Outside. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap." Mabilis siyang bumaba sa kama at patakbong lumapit sa bintana na nakaharap sa labas ng bahay nila. Mula sa kabilang kalye sa harapan ng gate nila ay may nakaparadang sasakyan na hindi niya malaman kung pula ba o itim. Sa labas niyon ay may lalaking nakasandal at nakatingala sa bintana niya. "J-Josue..." Bulong niya.

"yes.. Baby it's me.. Please magusap tayo. Alam kong galit ka sakin." Isa isa na namang tumulo ang luha niya. Tapos na sila.

"Umalis kana." Malamig niyang sabi. "Bumalik kana sa k-kanya."

"No! Maguusap tayo. Please hayaan mo naman muna akong magpaliwanag." Umiling siya. Patuloy niyang itinatanggi sa sarili niya na hindi na niya kailangan na makaharap ito. Tama na nasaktan siya nito. Tama na 'yon.

"T-Tapos na tayo. Kaya umalis kana." Pagtataboy niya. Nakatanaw pa rin siya dito mula sa bintana niya. Nakatingal ito at nakaluhod doon. Nagmamakaawa na lumabas siya at kausapin ito. Pero ipinako na niya ang mga paa niya upang wag tumakbo dito.

"Cecilia! Ilabas mo ang itak ko! Narito ang hayop na ito. Iitakin kita!" Noon siya nakakilos ng marinig ang ama na tumatakbo palabas ng bahay nila.

Diyos ko! Binitawan niya ang cellphone at patakbong lumabas ng silid. "Tay!"





To be continued...

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon