It's been a week pagkatapos ng halik na iyon. At isang linggo na ring tahimik at walang imik si Flor. Palagi niyang naalala ang nangyaring iyon. At pagkatapos din sabihin nitong gusto siya nito ay basta nalang siya iniwan.
Kiss and Run! Napasubsob ang mukha niya sa unan. Bakit ba ganoon ang naging epekto niyon sakanya? Hindi na siya pinatahimik at lalong pakiramdam niya ay ang laki ng ipinagbago niya.
Muling bumukas ang pinto ng silid niya ngunit di niya inalam kung sino. Si Delaney lang naman ang basta basta pumapasok sa kwarto niya. "Please Delaney... Wag mo na muna akong kulitin." Aniya habang mariing nakapikit.
"Kung ang lalaking nasa baba ang dahilan ng pagkakaganyan mo.. Mabuting harapin mo siya bago pa siya abutan ng tatay mo." Napaigtad siya ng marinig ang malumanay na tinig ng kanyang ina.
"Nay.." Napabangon siya sa pagkakadapa dahil sa sinabi nito. "A-Anong sinabi niyo?"
Sinamsam nito ang maruruming damit niya na nasa loob ng banyo saka muli siyanh hinarap. "May lalaki sa baba. Josue daw ang pangalan. Kilala ng kapatid mo kaya pinapasok, nakasalubong niya sa daan. Ikaw ang hinahanap." Ani nito.
Tinambol ng mabilis ang puso niya. Anong ginagawa ni Josue dito sa bahay nila? Pagkalabas ng kanyang ina ay nanatiling tulala siya. Ano ba ang gagawin niya? Magpapanggap siyang may sakit o lalabasin niya ang binata? Ano't biglang nawala ang mga sungay niya?
Dahan dahan siyang lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. May bahagi niya ang nagsasabing bilisan niya.
Bakante ang sofa sa loob ng salas nila pero may mga kahon na nakapatong sa center table. Napuna din niya ang mga sariwang bulaklak na nasa plorera nila.
Tinambol lalo ng kaba ang puso niya. Luabas siua sa may sliding door patungo sa lawn. Nakita niyang nakaupo si Josue doon. Mabilis itong tumayo ng makita siya.
"Hi." Bati agad nito. Hindi niya malaman kung ngingiti ba siya o sisimangutan ito.
He sweetly smiling at her. Gwapong gwapo ito sa suot na maong pants at Giordano shirt. Sandaling huminto ang oras sa kanya at nanatili siyang nakatitig dito.
"Hey!" He snapped.
Saka lang siya tila natauhan. "A-Anong ginagawa mo dito?" Gadgad na sabi niya. Nauumid ang dila niya dahil sa mabangong amoy na nagmumula dito. Hindi niya maipaliwanag pero mas lalong nagrambulan ang tila mga paru paro sa tiyan niya dahil sa ilang dipang layo nito sakanya.
"Visiting you." Simpleng tugon nito na mas kinalito niya.
"Wala akong sakit para bisitahin mo." Nanulas nalang sa labi niya. Huli na ng malaman niya.
He chuckled softly. "I know. Pero ang may sakit lang ba ang pwedeng bisitahin?"
May inabot itong bulaklak sa kanya. Kamukha ng mga bulaklak na nakita niya sa loob ng bahay. "I'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita sayo. After the wedding ay bumalik ako ng Japan para makausap si lolo." Paliwanag nito.
Bakit siya nagpapaliwanag? "Ayokong isipin mo na hindi ako seryoso sa sinabi ko kaya bigla akong nawala."
Kumunot ang noo niya. Tila nahuhulaan na niya ang ibig nitong sabihin. "A-Anong sinasabi mo?" Sandaling naitanong niya.
Kinuha nito ang isa niyang palad. Dinampian nito ng halik ang kamay niya. "That i like you. Totoo 'yon. It's not my joke para inisin ka. Gusto talaga kita."
Natuyo ang lalamunan niya sa mga sinasabi nito. Hindi siya sanay na ganito ito kaseryoso. "A-Are you saying all of these dahil wala ka nang bride?" Hindi niya napigilang itanong. Totoo naman hindi ba? Kailangan nito ng bride para makuha ang mana nito. Iyon ang sabi ni Nikita sa kanya.
Sumeryoso ang mukha nito. Mas humigpit ang hawak sa kamay niya. "May bride o wala hindi magbabago ang katotohanang gusto kita."
Uminit ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Napayuko siya ng bumaba ang dalawang daliri nito sa baba niya itinaas iyon at tinitigan siya sa mga mata.
"Puputulin ko 'yang kamay mo kapag hindi mo binitiwan ang anak ko!"
Sabay silang napalingon sa sliding door at mukha ng tila leon niyang ama ang naroroon. Hawak ang itak na ginagamit nito sa pagtadtad ng karne.
Patay.
To be continued...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino
General FictionGENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan sinaunang lahi nila. And it happened that Nikita Kim...