Chapter Eight

30.4K 743 34
                                    

Binati siya ni Tracey ang kanilang kitchen supervisor nang makapasok siya sa restaurant. Tinanghali kasi siya ng gising. Dapat ay nakadaan na siya dito kanina at nasa maynila na siya para kausapin ang developer at Engineer na siyang nirekomenda sa kanya para isla.

Balak niyang sumama sa susunod na linggo para bisitahin ang isla pero sa dami ng trabaho niya, baka hindi na rin niya magampanan. Isa pa, nakausap naman na niya ang kuya Walter niya. Baka ito nalang muna ang humarap doon at umasikaso.

"Blooming ka yata ngayon Madam. Anong mayroon?" Bati ni Tracey ng sundan siya nito sa kusina.

Umirap siya. "Nagpa-dye lang ako ng buhok blooming na agad. Di ba pwedeng nag umay lang sa black hair?" Bumungisngis ito.

"First time kasi kitang nakitang nakablonde eh! Feeling ko tuloy may pinagpapakyutan ka." Nasiko niya ito sa dahil sa sinabi.

"Kung naririnig ka ni Tatay. Malamang may mansanas na yang bibig mo." Biro niya. Hindi naman matabang mataba si Tracey. Curvy lang. Kaklase niya ito noong nag aral siya sa TESDA. Kasabayan niya itong nakagraduate sa kolehiyo doon nga lang sa kabilang bayan ito nagaral.

Hinampas siya nito sa balikat. Hindi naman ito naoffend. "Pasalamat ka, paborito ko ang mansanas." Pasasakay nito sa biro niya. "Balak mo talagang tumandang di man lang nagkakajowa dahil sa pagiging obedient mo. Dahil sa kakasunod mo sa tatay mo nalilipasan kana ng panahon."

Dinampot niya ang mga clipboard. Binasa niya ang latest status ng orders nila. Sa kitchen talaga iyon nagmumula dahil naroroon din ang stocks. "Kilala mo si Tatay. Kaya nga hindi ko payagan na may manligaw kay Delaney."

"Sus, ang sabihin mo ayaw mo dahil maiinggit ka lang. Ang gwapo kaya ni Primo. Magandang lahi pa. At higit sa lahat malapad ang bulsa. Ano pang hahanapin mo sa bagets na 'yon? Tiyak na buhay prinsesa si Delaney kapag nagkataon. Kung kaedad nga lang natin ang batang 'yon aagawin ko na sa kapatid mo eh!" Tinawanan niya ito dahil sa sinabi. Kung siya nga eh, madalas mapagisipan ng mga tao na manliligaw niya ang binatilyong si Primo. Siya kasi lagi ang binibigyan nito ng gumamela.

"Ewan ko sayong babae ka. Magtrabaho ka na nga lang." Sabay labas niya ng kitchen. Dumeretso siya sa glass counter at ininspeksyon ang mga displays doon.

May mga deserts na for take out silang nakadisplay doon. Sandaling natakam siya ng makita niya ang choco fundae doon. Akmang hihiwa siya ng may bultong tumayo sa harapan niya.

"Miss pakisabi naman sa kitchen cook niyo na Buttered Squid ang order ko hindi Sweet-sauce lobster." Inihanda niya ang kanyang apologetic smile at saka nag angat ng tingin. Madalas talagang mangyari ang mga ganitong pagkakataon.

Huminga siya ng malalim at saka umunat ng tayo. Ngunit gayon nalang ang pagsisisi niya ng makita sa harapan niya ang lalaking ilang linggo na niyang kinakainisan. "Ikaw na naman!"

Hindi ito nagsalita. Bagkus ibinagsak nito aa harapn niya ang pinggang may lamang Sweet-sauce lobster. "Palita niyo ito." Matigas nitong sabi.

Nakipagmatigasan din siya. Nagkrus ang mga braso niya sa kanyang dibdib. "Hindi ako naniniwalang bingi ang waitress  namin at bulag ang cook namin dahil sa maling pakikinig at pagbabasa. Baka ang deperensya ay nasa iyo Mr. Tolentino."

Tumiim ang mga mata nito sa kanya. "Is that how you treat your customer here? Sa pagkakaalam ko, i have all the rights to complain dahil customer ako."

Nginisian niya ito. "Mr. Tolentino gasgas na ang kasabihang Customer is always right at saka hindu lahat ng customer ay gaya mo. Antipatiko."

"Papalitan mo ba ito o ipupull out namin ni Raphael ang shares namin sayo. I can easily persuade him dahil magkaibigan kami. As in matalik na magkaibigan. " He even emphasize his last sentence.

Nagngingitngitsa galit na kinuha niya ang pinggan at tinalikuran ito. Pero ang mapang asar na antipatiko ay may pahabol pa. "Make sure na ikaw ang magluluto niyan at hindi ang cook niyo. Delaney told me that's your specialty. At gusto kong matikman. So make my tummy satisfied with your own good taste. " Gusto niyang kilabutan sa huling sinabi nito. Nahahalayan siya sa paraan ng pagsasalita nito.

The old-fashioned naive Flor meet her match. At mukhang dadanak na ang dugo sa San Simon kung hindi siya lulubayan ng hinayupak na singkit na iyon.

Aarrgh! I hate you!




To be continued...




-------

#TheMoreYouHateTheMoreYouLike

Sa gusto ng pasilip sa Hermosa. Abangan ang Series 1 teaser na ipopost ko.

HERMOSA Señorita's 1: Mhelanie

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon