Chapter One

46.2K 855 16
                                    

"Para saan naman 'yang bugtong hininga mo?"

Gulat na napatingin sa kanya ang kaibigang si Regine. Binisita niya ito sa clinic nito.

"F-Flor?" Tila takang taka ito ng makita siya.
Namaywang siya sa harapan nito. "The one and only. May kilala ka pa bang ibang flor na kasing ganda ko?" She joke at herself.

Tinignan naman siya nito na akala mo'y may mali sa kanya. "And what are you wearing? Ganyan ka na ba kapag luluwas ng maynila?" Nagtatakang tanong nito.

Niyuko niya ang sarili. Faded maong shorts n umabot lamang sa ilalim ng harapan niya ang kanyang suot.  Iyon yata ang tinatawag ng mga kababaihan na pekpek short. Habang louse T shirt na may malaking mukha ni pooh sa bandang dibdib. Idagdag pa ang local havaianas na suot niya."Oh!  Well galing ako sa client meeting ko. Kaya naisipan kong dalawin ka dito."

Napahawak si Regine sa sarili nitong baba habang nakatingin pa rin sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay. "Client meeting.. Hmm? Na ganyan ang hitsura?"

Umupo siya sa upuan at saka humalukipkip. "Well, after kong imeet itong bago kong investor natapunan ako ng isda na siyang idedeliver sa isa kong branch dito." Pagkukwento nito.

She looks so amused. "So ikaw na rin ang delivery girl ngayon. Ayos ah! Working girl ka nga." Tudyo nito. Bigla siyang sumimangot. Kung hindi ba naman dahil sa hinayupak na lalaking iyon na walang modo! Hindi niya dadanasin ang mga ito! Urrgh!

"Sira ka! Mas inuna mo pa talaga ang asarin ako kaysa ang mangamusta no? What a nice friend?" She said with full of sarcasm.

"Sino ba naman kasi hindi magugulat sayo? Darating ka dito na ganyan ang hitsura mo.. Hello Florie.. Napakalayo ng norte sa maynila." Sabay hagalpak nito.

"May nakilala kasi akong new investor. Balak ko na kasing buksan as public attraction ang isla na nabili ko last year. And then, dahil may sadya ako dito. Isinakay ko na rin sa sasakyan ko ang mga isda na siyang idedeliver sa branch namin dito. Nagkataon naman na sumala ang pagkakabuhat ko hayun! Natapon pero konti lang naman." Sabay bungisngis niya. Kung maari ay ayaw na niyang isipin sana ang nangyari kanina. Naiinis lang siya.  "Kaya naman ipinacar wash ko muna ang kotse ko. Maswerte na lang ako dahil may dala akong extrang damit sa kotse---."

"Kung hindi---hubad kang pupunta dito." Dugsong nito na Sinabayan pa ng malulutong na halakhak. Sinimangutan naman niyaa nito dahil sa ginawa nito.  Nagpeace sign ito saka siya inengganyo na magkwento ulit.

"Saan mo naman nakuha yang short mo? Sigurado ako hindi sayo yan.. Di ka naman nagsusuot ng ganyan diba?" Tukoy nito sa maikling short na suot niya.

Bumaba ang mga mata niya doon. Kanina ay napapangiwi pa siya. As if naman may pagpipilian siya hindi ba? "Ah ito? Kay Delaney ito. Naiwan niya siguro sa kotse ko noong minsan hiramin niya." Tukoy niya sa nakakababatang kapatid . "At ito namang tsinelas na ito. Nabili ko doon sa tabing kalsada. Alangan namang sumakay ako ng dyip na yapak!" Napatawa ulit ito sa kanya. Hindi niya talaga maimagine na mangyayari sa kanya ang nangyari kanina.

"Thanks for coming sis. Napasaya mo 'ko." Sabi nito sabay tawa. She suddenly saw a sadness in her eyes. May dahilan pa ba para maging malungkot ito?

"Your welcome." She said while rolling her eyes. Hinaplos niya ang sariling braso. "Pakihinaan naman ng air-con. Nilalamig ako."

Nangingiting sinunod siya nito. "Kung bakit naman kasi ganyan ang isinuot mo."

"As if i have a choice? Alangan namang ibalandra ko ang katawan ko." Wika niya dito. Wala naman siyang pagpipilian kung di ang isuot ang kapiranggot na salawal na ito.

Dinampot niya ang tasa na may lamang kape at saka marahang hinigop iyon. "Oh ikaw? Anong balita sayo? Sorry kung wala ako nung wedding mo ha." Hinging paumanhin niya. Nagulat man siya sa biglaang pagpapakasal nito. Isang biglaang pagpapakasal sa lalaking halos doble ng edad nito.

Ngumiti lang ito sa kanya. "Ok lang. Alam ko naman na busy ka simula nang magfocus kana sa pagiging entrepreneur mo. "

Tumango tango lang siya. Matagal na rin kasi silang di nagkakaraoon ng oras na magkasama ng matagal. "Si East kamusta? Namimiss na siya nila nanay. Lagi ngang tinatanong nila kung kailan kayo dadalaw sa bahay." Malapit sa pamilya nila ang anak nito. Magkakasama sila noon sa San Felipe.

"Nakakatuwa naman na unti unti nang nasasanay si East dito. Actually kasundo niya si---." Pinutol niya ang sinasabi nito.

E ang asawa mo? Feeling ko kasi may hindi ka sinasabi sakin 'e." Putol niya sa iba pa niyang sasabihin. At alam niyang may kakaiba dito. Kilala niya ito. Magkaibigan sipa mula pa noon.  "So tell me, anong mayroon?" Paghihikayat niya.

"He's here." Na sinabayan nito ng pagyuko.

Nangunot ang noo niya. Iisa lang naman ang kilala niyang umalis sa buhay nito bukod sa mga magulang nito. "You mean? The love of your---."

"Anak siya ni Fernan."Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.

"Oh My God!" Gulat na gulat na tanong niya. "H-How?"

"Hindi ko alam. Sa buong mga taon na nakasama ko si Fernan. Walang pagkakataon para makilala ko ang panganay niya. It's just a quiet surprise when after the wedding saka ko nakilala ang anak niya. " Pagkukwento pa nito. "Mahirap makasama silang mag ama sa iisang bubong lalo pa't hindi alam ni fernan ang nakaraan namin ni job. Pakiramdam ko nag----."

"Tataksil ka sa kanya?" Dugsong niya."Umamin ka nga sa'akin. Mahal mo pa ba 'yang gago mong ex?" May bahid ng galit na sabi niya. Hindi pa rin kasi niya nakakalimutan ang ginawa ni Job sa kaibigan niya.

Hindi ito makatingin sa kanya.  "H-Hindi naman 'yon nawala sa nakalipas na mga taon 'e." Mahinang bulong nito.

"Sabi ko na nga ba! Ipapaalala ko lang sa'yo Regina. May asawa ka nang tao. Oo't alam ko ang dahilan mo ng pagpapakasal sa asawa mo. Pero sana wag mong makalimutan na nakatali kana."




To be continued...

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon