Chapter Six

31.2K 744 20
                                    

Pabalik na siya ng San Simon. Inihatid niya si Nikita sa bahay ni Taddeos kanina. Pansamantala ay doon muna siya. Nakita niya si Mr. Tolentino kanina. At nalaman niyang ito pala ang fiancé na pinagtataguan ni Nikita.

Mas lalong hindi niya gugustuhin na makasal ang kaibigan niya lalo pa't sa isang bastos at walang modong lalaking gaya ni Josue Tolentino. Hindi niya alam kung paano nakarating ng San Simon ang lalaking iyon.

Pero kamakailan lang ay may dalawang lalaking nagtanong din sa kanya. Ipinakita din nila ang picture ni Nikita kaya di muna niya isinasama si niki sa opisina niya.

Nakalampas na siya ng toll at papasok na siya sa Arko ng San Simon ng maramdaman niya ang pagpugak ng sasakyan niya. Oh no! Not now Hercules... Bulong niya.

Mukhang bibiga na ang sasakyan niya. Hindi pa kasi niya napapachange oil ito noong nakaraan. Nagsunod sunod kasi ang trabaho niya. Pero kabibili lang niya ng baterya nito.

Ang sabi ng mekaniko nilang kapitbahay, kailangan na daw ioverhaul ng sasakyan niya. Mahal na mahal niya si Hercules kaya kahit ilang beses na siyang pinipilit ng tatay niya ba bumili ng bago ay hindi niya kaya. Ito ang unang regalo ng kanyang ama sa kanya. Kinita ng grocery store nila ang ipinambili dito kaya mahalaga ito sa kanya.

Kahit mukhang pambenta na sa magbabakal ang saskayan niya ay may sentimental value naman ito. Hindi pa siya tuluyang nakakalampas sa arko ng tuluyang tumirik ang sasakyan niya. Oh! No!

Napasandal siya sa upuan ng sasakyan niya. Paano siya ngayon nito. Low Battery na ang cellphone niya ng makaalis siya ng manila kanina. Sa pagmamadali nila ni Nikita nakalimutan niyang hindi pa pala niya naiicharge muli ang cellphone niya.

"Hercules baby, ngayon mo pa talaga naisipang pahirapan si mommy.. "Himutok niya. Paano siya magpapasundo sa tatay niya? Buti sana kung may daraan na sasakyan na pwede siyang makisakay. Mula sa arko ay ilang kilometro pa bago ang unang bahay ang makikita sa daan. Talahib at sugar cane ang makikita sa tabi ng daan. Kaya kahit magsisigaw siya walang makakarinig sa kanya. Bumaba siya ng sasakyan at sinubukang itulak iyon. Baka sakaling marerestart ang sasakyan niya kung maiitulak iyon.

Kanda-tulo tulo na ang pawis niya pero kahit isang gulong ng sasakyan ay hindi umabante iyon. "Ganito ka ba talaga kabigat baby? Hindi ka kayang itulak ni mommy." Pagkausap niya sa sasakyan.

Mas itinulak pa niya iyon. Pawisan na siya at malapit nang lumubog ang araw. "Kahit mabalian ka sa kakatulak d'yan hindi aabante 'yang sasakyan mo."

Napahinto siya sa ginagawa nang may itim na sasakyan ang nakahinto sa tabi niya at nakasungaw ang mukha ng lalaking sinusumpa niya na wag na niyang makita.

"Ikaw na naman?" Naiiritang tanong niya.

Lumabas ito ng sasakyan nito. He really look like a KPop star wearing his black pants and white graffiti shirt. Isama pa ang singkit nitong mga mata. "Bakit ba kung nasaan ako nandun ka rin?"

Humalukipkip ito. "Iyon nga rin ang iniisip ko. Bakit palagi kitang nakikita? Well, San Simon is a small town. Imagine kakakita ko palang sayo sa kapitolyo kanina tapos dito naman."

Napaismid siya. He is kinda super annoying na hindi niya maiwasang mainis sa tuwing makikita niya ito. Kumukulo ang dugo niya sa ulo kapag nakikita niya ang pagmumukha ng hambog na lalaking ito.

Imbes na sagutin niya ito ay tinalikuran nalng niya. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Please Hercules have mercy on me. Umandar kana please. Para makalayo na ako sa impaktong ito.

Pero sadya yatang pagod na ang sasakyan niya dahil kahit isang usad ay hindi iyon nangyari. "Hindi talaga tatakbo yang sasakyan mo dahil umuusok na." Nakatayo na pala ito sa harapan ng sasakyan niya at iniangat ang hood niyon. Kita niya ang usok na lumalabas doon. "Nag over heat na."

She groaned in frustration. Ngayon pa talaga naisip ng sasakyan na magover heat. Tumayo siya ng ayos at pinunanasan ang pawis niya. Kinuha niya ang bag sa loob ng sasakyan at inilock iyon. Ipapahila nalang niya sa mekaniko iyon pag uwi niya. Sa ngayon, kailangan niyang makahanap ng masasakyan. O kahit tricycle na mapapadaan doon.

"If i were you, makikisakay na ako. See? Maluwag sa sasakyan ko. I can drop you to your place. Hindi naman ako mukhang rapist para dalhin ka sa talahiban." Napasimangot siya sa biglang pagsasalita nito.

Namaywang siya. "Akala ko ba nakalayas kana? Sinusundan mo ba talaga ako dahil iniisip mo parin na baka kilala ko yang fiancé mo?" Sarkastikong sabi niya.

He stepped forward. Umatras naman siya. Wala siyang nababasa kahit na ano sa mga mata nito. Pilit niyang iniiwas ang tingin doon. Ayw na ayaw niya ang nakikipagtitigan kahit na kanino.

"Why it's hard to believe in you? Feeling ko may tinatago ka eh. Would you mind kung itatanong ko kung ano 'yon?"




To be continued...

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon