Lumabas siya ng bahay at naglakad lakad sa Paligid ng bahay nila. Katatapos lang nila maghapunan. Ang nagiisa nilang kasambahay na si Aling Marya ay kasalukuyang may trangkaso kaya si Delaney ang nautusang magligpit ng pinagkaininan nila. Pero katakot takot na seremonyas pa bago sumunod ang kanyang kapatid. Mula kasi ng tumungtong ito ng high school ay naging tamad na.
Dahil aaminin niya, kahit noong maliit na grocery store palang ang kinabubuhay niya ay feeling prinsesa na ang kapatid niya. Dalawa lang kasi silang magkapatid at pareho pang babae. Nang makapagtrabaho siya noon sa isang Manufacturing company bilang Managerial Officer ay mas naging spoiled sa kanya si Delaney. Kaya hindi rin niya masisi kung bakit ganoon si Delaney.
Nang makaipon siya ay kumuha siya ng bagong kurso. BS in Entrepreneurship. Gusto talaga niyang palaguin ang Grocery store nila. Hindi nga nagtagal, nang makatapos siya'y nag umpisa na siyang sumugal. Una niyang pinag aralan kung paano magkakaroon ng branch ang Grocery store. Na hindi naman siya nabigo. May apat na branch na iyon dito sa buong San Simon.
Ang dating grocery store nila ay siyang pinatayuan niya ng four Storey building at ginawang commercial apartelle. Dalawang establishment sa baba ay sakop ng restaurant nila at ang dalawa pa'y computer shop at Beauty Parlor na nirerentahan ng iba. Sa ikaapat na palapag ay ginawa niyang sariling opisina.
Nang tangkain niyang subukan ang pagpasok sa food industry. Naisip na niya na tutal mayaman ang San Simon sa lamang dagat. Nakabili siya ng pitong bangka na siyang ginagamit sa paghuli ng isda at ilang lamang dagat.
Ang lumang bahay nila ay pinanatili nila sa dating anyo. Maintenance lang at konting renovation sa likod bahay kung saan nagpadagdag sila ng extension para dagdag silid.
Pumapit siya sa duyan na nasa punong acacia. Humiga siya doon at tinanaw ang kadiliman ng kalangitan. Wala siyang bituin na nakikita. Pero sa pagtitig niya doon ay iisang mukha ang gumuhit sa kalangitan at tila tuksong ngumisi sa kanya.
"Bye Ms. Nice and Round Ass!" Pinaharurot niya palayo sa Car wash shop ang sasakyan.
Hindi lang walang modo ang Mr. Tolentino na iyon! Kung di manyakis pa!
"Damn you! Asshole!" Nanggigigil na sabi niya.
"Hoy! 'te sinong kaaaway mo d'yan? Pati ba naman lamok papatulan mo pa?" Napalingon siya sa gilid niya. Nakatayo doon si Delaney.
Nakakunot ang kilay nito. Well, bare her kilay. Yan ang kayaman niya. Ika nga niya. Perpekto kasi ang pagkakakorte ng kilay nito. Sa kanilang dalawa. Ito ang hindi lalabas ng bahay na hindi nakakorte ang mga kilay. At kahit yata sa pagtulog nito ay ganoon din. Para sa kanya, Kilay is life.
"Pumasok kana sa loob. Kung tapos kana sa pinapagawa ni nanay sayo. Mag review kana." Sabi niya. Wala siya sa mood makipagbiruan ngayon sa kapatid. Dahil bukod sa pagod siya ay naiinis pa rin siya.
Humalukipkip si Delaney sa harapan niya. "Nakakainis kayo ni nanay. Pinaghugas niyo ako ng pinggan nasira tuloy ang nail art ko." Himutok nito habang nanghahaba pa ang nguso. Tinitigan niya ito ng masama at pinanlakihan ng mga mata.
"At sino ang aasahan mong gumawa noon? Kami nina nanay? Ano bang ginawa mo maghapon? Lakad at magreview ka hindi yung kuko ang inaatupag mo." Sermon niya sa kapatid.
Tinalikuran siya nito. "Tse!" Napapailing nalabg siya sa kamalditahan ni Delaney. "May tawag ka sa telepono. Si ate niki." Pahabol pa nito.
Umahon siya mula sa pagkakahiga sa Duyan. Anong kailangan ni Nikita at tumawag pa sa land-line nila?
Sa likod bahay siya dumaan at dumeretso sa salas kung nasaan ang telepono. "Florie! Help me please.. " Bungad agad ni Nikita sa kanya.
"H-Ha?" Nagtatakang tanong niya. "Nasaan kaba?"
"I'm here. Manila." Halos lumuwa ang mga mata niya. Anong ginagawa nito sa Maynila? Nasa Japan ito.
"Anong ginagawa mo d'yan? Nagbabakasyon ka ba?" Sunod sunod na tanong niya.
Bahagyang ungol lang ang narinig niya mula dito saka bago nagsalita. "Naglayas ako."
Naglayas siya. Naglayas siya. Naglayas siya. Tatlong ulit na bulong niya sa sarili. "Please Florie.. Help me. I don't know where to go."
To be continued...
------
For those who are asking me kung kailan maguumpisa ang HERMOSA Señoritas. After po ng series na ito ay bagong series na tayo. At opo, anak po ng mga GENTLEMAN ang makakapartner ng ating mga bidang babae. At para naman sa GENTLEMAN series batch 2----pagkatapos po iyon ng Hermosa. Hindi ko pagsasabay sabayin kasi baka maumay kayo. Hehehe.. At oo din po.. Kasali si Onie.. Series 2 po siya kaya abangan! At para naman po sa mga nagtatanong kung anong klaseng kwento ito. Hindi naman po masyadong komplikado ito.. Light at medyo comedy na rin siguro.. Lie low muna tayo sa iyakan. Subukan naman nating sabay sabay na tumawa, pampawala ng stress at pagod.
P. S
Si Nikita ay Asawa na po ni Taddeos Ventura. Baka kasi isipin niyo siya ang partner ni Josue dito. Dios me! Papatayin ni Taddy baby si Josue kapag ganoon. HahahaHappy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino
Genel KurguGENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan sinaunang lahi nila. And it happened that Nikita Kim...