ginulantang si Flor ng balitang ikakasal na si Nikita. Iisa lang ang pumasok sa isip niya. Na baka natagpuan na ito ni Mr. Tolentino. Noong nagkausap sila ni Nikita sa telepono ay malinaw na sinabi nitong ikakasal na ito. Mukhang wala na talaga itong ligtas.
Kaya pala biglang nawalan siya ng buntot at taga sunod. Kaya pala nawalan siya ng balita kay Mr. Tolentino. Nanghihinayang ka ba na ikakasal na ang antipatikong tinatawag mo? Bulong ng isip niya.
Napahawak siya ng mahigpit sa manibela ng saskayan niya. Hindi no! Hindi naman ako interesado sa kanya eh... Ganting sagot ng kabilang isip niya.
Minaneobra niya iyon papasok sa tarangkahan ng bahay nila at pumasok siya sa loob. Wala pang tao sa kanila. Marahil ay nasa grocery store pa ang mga magulang niya at nasa eskwela pa si Delaney.
Pagal niyang inihiga ang katawan sa kama at pinilit na ipikit ang mga iyon.
Nasunod lang ang mga mata niya sa bagong kasal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikinasal si Nikit sa kaibigan niyang si Taddeos. Buong akala niya'y kay Mr. Tolentino ito ikakasal.
Nagtaka pa nga siya noong una kung bakit sa huwes siya pinapupunta nito. Nalate pa ng dating si Taddeos kaya ang akala ni Nikita ay di na sisipot ang binata. Nakilala niya rin ang lolo ni Nikita. Mukha ngang masungit at istrikto ang matanda. Sa buong durasyon ng seremonyas ay nakasimangot iyon.
Masaya siya para sa dalawang kaibigan niya. Nakikita naman niya na magiging maayos ang pagsasama ng dalawa.
Sa katapusan ng kasal ay nagulat pa siya ng makita si Mr. Tolentino na binati ang baging kasal. Obviously, kilala nito si Taddeos na hindi nga siya nagkamali dahil magkaibigan din pala ang dalawa.
"Get out bro! Find your soon-to-be-wife bago pa maubos ang mamanahin mo." Narinig niyang biro ni Taddeos sa kaibigan nito.
Sumunod ang nakakahawang paghagalpak ni Mr. Tolentino. "Oh! I already found her... All i need is to pursue her." Naitirik niya ang mga mata niya ng sumulyap ito sa kanya.
Hmp. Anong akala niya may gusto ako sa kanya? Neknek niya! Tinalikuran niya ito at lumabas na siya ng opisina. Sa parking nalang siya maghihintay. Tutal ang sabi naman ng bagong kasal ay may reception daw sa isang restaurant.
Nakasandal siya sa pintuan ng ni Hercules at nakayuko. Nakatingin siya sa sapatos niya ng may isang pares ng itim na sapatos ang dumagdag doon. "Don't you congratulate your friends?" She hadn't heard any sarcasms in his voice. Bagkus ay para lang silang matalik na magkaibigan.
Tiningala niya ito. "Wala ka bang kayang ibang gawin kung di ang abalahin ako?" Sabi niya.
Humalukipkip ito. Wala pa siyang lalaking hinangaan sa buong buhay niya. She never admire any other guy in different ways. Like, their looks. The way they smile and how fragrant are they. Pero kakaiba ang lalaking ito. Hindi man niya gustong aminin pero palaging hinihila ng amoy nito ang pang amoy niya. Ang mga mata niya para masilip ang nakakaloko nitong ngiti. Those are hilarious! Those are insane! Hindi niya dapat nararamdaman ang mga iyon. "Why you always so hard on me? Did i made a big mistake to you para kulang nalang ay itulak mo ako sa building tuwing makikita mo?" His soft and gentle voice softened her face. Para ngang mali. Bakit ba iritang irita lagi siya dito.
In fact, hindi naman talaga siguro nito napansin ang aksidenteng pagbusina nito kaya sumubsob siya sa mga isda. Ipinilig niya ang ulo. Trying to figure it out kun ano nga bang nangyayari sa kanya. Nasosobrahan na yata siya sa pagiging kulang sa pansin kaya ganoon. "Lumayo ka sakin.. " Tipid na sabi niya. Hindi niya kasi alam kung paano ito kausapin kapag ganitong malumanay ang boses sa kanya. Sanay siyang niloloko siya nito. "Please.. Mr. Tolentino."
Sumingkit lalo ang mga mata nito. "May pangalan ako.."
"Alam ko." Nakayuko muli niyang sagot.
"So why don't you call me by my name. I mean first name. Not Mr. Tolentino. I feel old." He exasperated.
Tinignan niya ang mga mata nito. Seryoso ang mga iyon. Bakit bigla ay nagbago ang ihip ng hangin? Nag iwas siya ng tingin. "It's Mr. Tolenti---."
She has no idea how he made it close to her and gently kissing her lips. Nanlalaking mga matang napatingala siya. Masyado itong matangkad para sa height niya. And he is actually holding her back and pulling her close. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Kung itutulak ba niya ito at sasampalin o tutugunin ang nakakalasing nitong halik.
It took ages before he let go her lips. Napatulalang napatingin siya dito. Ang lipstick niya ay nababakas na sa labi nito. Ganoon ba ito kagaling humalik at tila nabvacuum ang labi niya? Dama niya ang pangangapal niyon. Wala sa sariling napahawak siya doon. Ang kamay nito sa likod niya ay humahagod papaba sa baywang niya. "Next time na tawagin mo akong Mr. Tolentino. Hindi lang labi mo ang mamantal."
Uminit ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Walang salita ang lumalabas sa labi niya. Nakaawang lang ang mga iyon. Tila siya robot n nawalan ng baterya. Muling dumampi ang labi nito sa noo niya pababa sa tungki ng ilong niya at pababa pa.
He slowly pulling her again and gently kissing her parted lips. Mas ibinuka pa niya ang labi at hinayaan itong gumalugad doon. He is sucking her tongue ng huminto ito. Gusto pa niyang maramdaman iyon pero nakalayo na ang labi nito sa kanya.
Only his ragged breathing that she only felt. Sumandal ang noo nito sa noo niya. "I like you..."
To be continued...
#TamisNgUnangHalik
Di ko malimutan kung kailan ko natikman ang tamis ng iyong halik. Yakap na napahigpit. Pagibig na tunay hanggang langit...
NaLSS ako sa lumang ad ng Nestle. Hahahaha. Kasalanan ni YouTube nagsesearch ako ng mga OPM song e lumabas yan sa recommendation. Hehehe. Naalala ko kanta yan sa commercial ng Nestle noon.
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino
General FictionGENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan sinaunang lahi nila. And it happened that Nikita Kim...