Inabutan niya ang amang hawak hawak ng kanyang ina sa braso. "Florencio! Ano ka ba?"
"Bitiwan mo ako. Kukunin ko ang itak ko at iitakin ko ang lalaking ito!" Naguumalpas itong pilit sa pagkakahawak ng kanyang ina.
"Tay nandito po ako para---." Naputol ang sinasabi ni Josue dahil sa pagsigaw ng kanyang ama.
"Wag mo ako matawag tawag na tatay. Hindi kita anak!" Galit na idinuro ito ng ama niya.
Tumingin si Josue sa kanya. Bakas dito ang sakit at lungkot. "B-Baby.." Bulong nito na umabot sa pandinig niya.
"Lumayas ka nang hayop ka dito! Hindi ka kailangan ng anak ko!" Ipinikit niya ang mga mata. Ayaw niyang makita ang pagmamakaawa ng binata.
"Baby.. Sandali lang naman ito. Hayaan mo na muna akong magpaliwanag..." Pagmamakaawa pa nito. Nang tignan niya ang kanyang ina ay puno ng panguunawa ang mga mata nito.
"Hayop talaga ang animal na ito! Sinabi nang lumayas kana! Layas!" Bakat sa leeg ng ama ang ugat nito. Nabubulahaw na ang ilang malapit na bahay sa kanila. Pawang nakatingin ang mga ito sa kanila.
"Florencio! Tumigil kana! Pinagtitinginan na tayo ng mga kapitbahay. Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo!"Saway ng ina niya.
Matalim ang mga tinging ipinukol nito kay Josue bago tinignan silang mag ina. "Titigil lang ako kung lalayas ang lalaking yan dito at titigilan ang anak ko!" Mariing sabi ng ama niya. Ito nga talaga siguro ang dahilan kung bakit hindi siya magkanobyo noon. Alam niyang pagdadaanan niya ito. At lalong ng ama niya.
Bumugtong hininga siya. "Sige na 'tay pumasok na kayo sa loob. Maguusap lang kami." Aniya sa ama. Josue is a bullheaded man. Hindi ito makikinig sa ama niya kahit itakin pa ito. Kaya walang mas magaling kung di ang kausapin ito. Besides, he owe her a explanation.
Naningkit ang mga mata ng ama niya. "Nababaliw kana ba talagang bata ka? Pagkatapos kang gaguhin ng lalaking yan ay kakausapin mo pa?"
"Florencio! Hayaan mo na muna silang mag usap! Panay ka tapang tapang. Bakit? Noong itanan mo ako. Di ba natakot ka sa sibat ni tatay?" Sa ibang pagkakataon ay tatawanan niya marahil ang sinabi ng ina. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Natahimik panandalian ang ama niya.
"Iba noon, mahal na mahal kita kaya kita naitanan. Eh itong mokong na ito niloko ang anak natin!" Napabugtong hininga nalang siya. Tinapik nalang siya ng ina sa balikat at pakaladkad nitong ipinasok sa loob ng bahay ang tatay niyang nagwawala pa.
"B-Baby..." Nag iwas siya ng tingin. Bahagya itong naglakad papalapit sa kanya. Hindi naman siya kumilos mula sa kinatatayuan.
"Hindi ka na sana pumunta pa dito. Tignan mo tuloy ang nangyari." Walang emosyon niyang sabi. Nang lumiit ang distansya nila. Mabilis nitong kinuha ang mga kamay niya.
"Listen, alam kong nagkamali ako sayo. I admit it! Mali na itinago ko sayo ang lahat. I.. I was planning to tell it to you pagbalik ko sana mula Seoul but----."
"Pero naunahan kita?" Doon niya ito tinignan. "Bakit ang tagal? Bakit hindi mo agad naisip kung ano ang mararamdaman ko sakaling mangyari ang lahat ng 'to? Bakit? Dahil umasa kang tatanggapin ako ng pamilya mo? Josue! Magkaiba tayo ng mundo." Mapait niyang sumbat. Siguro tama lang na sabihin niya ang mga ito. Baka sakaling maiibsan ang sakit na nararamdaman niya kung masasabi niya ang mga ito.
"I'm sorry. I'm such a fool! Tanga ako na hindi ko naisip agad na mas masasaktan kita. But believe me, when i say i love you. I mean it." Dinala nito sa mga labi nito ang kamay niya. Namuo ang luha sa mga mata niya.
Pumasok sa isip niya ang fiancee nito. "Hindi na mahalaga kung mahal mo ako. Pakasalan mo na ang babaing pakakasalan mo." Tila minamartilyo ang puso niya sa sakit. Parang may libo libong karayom ang tumutusok doon. "Tapos na tayo."
Pinigilan niyang wag tumulo ang mga luha niya. Sabi niya, tama na ang pag iyak. Hindi siya iiyak sa harapan nito. Hindi niya ipapakitang nanghihina na siya dahil sa desisyon niya para sa kanilang dalawa. Ito namana ng tama. Ang layuan ito. Hindi niya gustong makaharap pang muli ang babaing napili ng pamilya nito para sa kanya. Tama nang minsan nitong ipi namukha sa kanya na hindi sila karapat dapat ni Josue sa isa't isa.
Binawi niya ang mga kamay na mahigpit na hawak ni Josue. May makikinang na luhang naglandas sa mga mata nito. "N-No.. Please.. Baby.. Wag mo naman gawin sakin ito... "
Tumingala siya para ibalik ang luha. "When i say we're over.. I mean it. Tapos na tayo." Umiling ito ng maraming beses. Lumuhod ito sa harapan niya.
"Goodbye Mr. Tolentino."
To be continued...
---------
Si flor ang example ng mga babaing madaling sumuko at bumigay. Siya ang karakter na isang baguo lang tumba agad. Well, di naman lahat kasi ng babae ay gaya ni Wonder Woman. Kung siya nga nasasaktan din. Si flor pa kaya.
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino
BeletrieGENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan sinaunang lahi nila. And it happened that Nikita Kim...